BIR is fast but JaMill is faster.
Iyan ang saad ng mga netizens sa biglaang pagbura nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad sa kanilang YouTube channel.

Kamakailan nga ay nagbigay na ng pahayag ang BIR, na pinapaalalahanan nila ang mga social media influencers.

Na kailangan umano ng mga ito na magbayad ng kaukulang tax. Lalong lalo na ang mga kumikita sa pamamagitan ng iba’t-ibang social media platforms.

“Therefore, if a social media influencer receives free products in exchange for the promotion thereof on his/her/it YouTube channel or other social media accounts, he/she/it must declare the fair market value of such products as income,” saad sa pahayag ng BIR.
Babala pa ng BIR ay makakasuhan umano ang mga social media influencers ng paglabag sa income tax at business tax.

Kaya naman sa biglaang pag take down ng JaMill sa kanilang YouTube channel ay ito ang naiisip na dahilan ng mga netizens.

Saad ng marami na inunahan na umano ng JaMill ang BIR bago pa maipatupad ang batas na pagsingil ng tax para sa mga social media influencers.

Anila, mautak daw umano talaga ang magkasintahan. Binura nila ang kanilang channel para hindi na masilip. Hindi sila masingil ng malaking tax.
Narito ang ilan sa komento ng netizens ukol dito:
“paunahan pla sila haha pero kung kaya siguro nag end yt sila baka mas malaki babayaran nila”
“naisip nila baka isasama pa laht lahat sa tax yung kita nila edi mas malaki babayaran nila”
“mautak talaga JAMILL eh inunahan na ng bua bago masingil ng tax”
“Tax is waving, Jamill be like may nahay at kotse na kame goobye yt”
Samantala, ayon sa JaMill nais lamang nila mamuhay muli ng simple kaya binura nila ang kanilang YT hannel.
Tunay na dahilan sa likod ng deleted YouTube Channel ng Jamill, nagsalita na
Nais na nila ng simpleng buhay.
Ito ang ibinahagi ng sikat na YouTube vlogger couple na sna Jayzam Manabat at Camille Trinidad.
Kaninang umaga lang kasi ay nagtrending ang balita na burado na umano ang kanilang YouTube channel. Na mayroon ng halos 12 million subscribers.
ay mga lumabas agad na espekulasyon na baka panibagong pakulo o prank lamang ito ng Jamill para mapag-usapang muli.

Marami na nga din sa kanilang mga taga-hanga nakung tawagin nila ay mga “kaigan” at “mandirigma” ang agad nalungkot.

Kaya naman para linawin ang balitang ito, naglabas na ng video ang magkasintahan gamit ang kanilang Facebook page.

Dito ay ipinaliwanag nila ang tunay nadahilan kungbakit nila binura ang kanilang YouTube channel.

Ayon kay Jayzam, pareho umano nilang desisyon ni Camille na burahin na ang kanilang YT channel.

Ang pinaka unang dahilan ng magkasintahan ay nais na umano nilang mamuhay ng simple.

Gusto na din nilang gawing priority umano ang kanilang relasyon at ibalik ang dating pagsasamahan nila.

“Gusto namin kami na lang nakakakita sa relasyon namin,” saad ni Jayzam.
Ayon naman kay Camille hindi na nila gusto ang nararamdaman nilang pressure dahil sa sila ay public figure.

Nais umano nilang gawing pribado ang kanilang buhay at pagtuuanan ng pansin ang mas lalong tumitibay na kanilang pagsasama.

“Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang Relasyon namin dalawa. Gusto namin Habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga Kaigan,” pagbabahagi ni Camille.

Isa na rin daw ito sa paraan nila upang patunayan sa lahat natotoo ang kanilang pagmamahalan at hindi scripted lamang.

Nakiusap din sila sa kanilang mga fans na sana ay maintindihan umano ng mga ito ang kanilang naging desisyon.
The post Netizens, sinabing tax ang dahilan kung bakit dinilete ng Jamill ang kanilang YouTube c appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments