Looking For Anything Specific?

Mga Bumbay, piniling tumulong at mamigay ng relief goods kaysa maningil ng pautang sa gitna ng pandémya

Kadalasan sa mga Pilipino, pinipili nilang magsakripisyo at mag ibang bansa upang doon humanap ng trabaho.

Samantala ang mga dayuhan ang siyang pumupunta naman sa Pilipinas upang dito bumuo ng negosyo.

Karamihan na naririto ay ang mga Tsino at Indiano. Naniniwala sila na nasa Pilipinas ang pera ngunit ang problema ay hindi natin ito makita at hindi alam kung saan ito hahanapin.

Kilala ang mga Indiano bilang “Bumbay” na siyang nagpapautang sa mga tao ngunit may interes kapag binayaran.

Hindi din madali ang kanilang napiling negosyo dahil madami pa ding Pilipino ang maloko dahil kung minsan ay tinatakbuhan at hindi binabayaran ang kanilang mga pagkakautang sa mga ito.

Gayun pa man, hindi doon tumitigil ang pagpapahiram ng mga Bumbay. Sa katunayan, nag viral ang isang post sa Facebook ng Master Epong na imbis na maningil ang mga Bumbay, pinili nilang mag bahay bahay upang mamigay ng tulong.

Dahil sa pandemya, ang lahat talaga ay nagkaproblema pagdating sa negosyo at trabaho. Naging mahirap para sa mga Bumbay ang maningil lalo pa’t gipit din ang kanilang mga pinautang.

Sa kabila ng lahat, bumuo sila ng isang samahan na tinawag na “Makataong” Bumbay sa Bulacan

Saad nila,“Di kami singil, tulong muna kami. Mahal namin Pinoy!”

Basahin ang post ng Master Epong,

“Pasikatin natin itong grupo ng mga bumbay na ‘to. Sa halip na maningil ng mga pautang ay namigay muna sila ng mga relief goods sa mga customer at ibang kababayan natin na kinakapos dahil sa lockdown.

Pinairal muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis na pinagdadaanan natin sa C0’VID19.”

Post a Comment

0 Comments