Ang pagsasaka ang isa sa mgapangunahing kinabubuhay ng mga Pilipino ngunit karamihan sa kanila ay hindi umuulad sa ganitong trabaho. Kahit na anong sikap at tyaga, nananatili pa din silang nasa ibaba.
Samantala, hindi mo nga naman aakalain ang swerteng bigla bigla na lamang susulpot sa iyong harapan.
Kagaya na lamang ng mga magsasaka sa bansang China na kung saan sa kalagitnaan ng kanilang pagbubungkal ay natagpuan nila ang napakalaking ugat sa probinsiya ng Si Chuan.
Kanilang napag- alaman na ang dambuhalang ugat na kanilang nakuha ay “Ginseng” na maaari nilang mapagkakitaan. Higit pa sa kanilang inaakala ang presyo ng bentahan nito na umaabot sa $700 (Php 35,150) o higit pa.
Ito ay isang uri ng halamang gamot na sikat na sikat sa buong mundo dahil sa taglay nitong mga benepisyo kagaya na lamang ng pagkadagdag ng enerhiya, pantanggal stress at maging sa mga kalalakihan ay maganda din ang epektong dulot nito.
Ngunit sa kasamaang palad ay nauto lamang sila ng isang taong binili ang higanteng Ginseng sa halagang $700 o Php 35,150. Labis ang kanilang pagkadismaya nang kanilang matuklasan na muling ibinenta ito ng taong iyon sa halagang $7,000 o Php 351,505
Higit sa lahat, kung sana ay mas naghintay at nagtanong tanong sila sa mga eksperto, naibenta sana nila ito sa mas malaking halaga dahil mayroon daw mayaman na naghahanap ng ganitong klase ng gamot na handang magbayad ng halagang $300,000 o Php 15,064,500.
Nakalulungkot lamang na marami pa din talagang taong sinasamantala ang kahinaan ng kanilang kapwa lalo na kung hindi gamay ang ganitong klaseng bentahan. Hiling nila na maitaas ito sa mga ahensya na maaaring makatulong sa nangyari.
0 Comments