Looking For Anything Specific?

Oyo Boy Sotto, pinahiya ang isang netizens na nagsabi ng masama sa asawang si Kristine Hermosa

Hindi pinalgpas ni Oyo Boy Sotto ang intrigerang netizen na may negatibong komento tungkol sa kanyang misis.

Kamakailan lang ay binati ni Oyo ang panganay na anak nila ni Kristine Hermosa na si Kiel sa 13th birthday nito.

Sa kanyang Instagram post saad ni Oyo, “I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us Kiel. I may not be perfect but always remember that Dada loves you so much! I pray that as you go through your teenage years, you will seek the Lord all the days of your life. I love you Kiel! Happy birthday! Let’s create more good memories! I’m excited for you”

 

Maraming followers ni Oyo ang bumati din kay Kiel na teenager na ngayon.  Gayunpaman, may isang bukod-tanging pagbati na sinagot si Oyo dahil sa sinabi nito.

Agad namang sinupalpal ni Oyo ang isang netizen na tila hinaluan ng pang-iintriga ang pagbato kay Kiel.

Comment ng netizen, “Anak yata ni Kristine to sa ibang lalaki happy birthday Kiel.”

Saad ni Oyo, “Babati na lang po kayo, mali pa ang chismis. Walang ibang anak ang asawa ko sa ibang lalaki. Mag research po kayo ng maigi o kaya naman magbasa po kayo. ”

Binati din ni Kristine ang kanilang anak. Damang dama ang sinseridad ng aktres sa kanyang Ig post.

Masaya at proud ito kay Kiel at sa lahat ng ginagawa ng binata.

Oyo Boy Sotto, Sinagot Ang Isyu Na Anak Ni Kristine Hermosa Sa Ibang Lalake Ang Kanilang Panganay

Si Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa ay isa sa mga pinakahinahanggan na celebrity couple sa industriya ng showbiz dahil na rin sa paraan nila sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Sa loob ng mahigit na pitong taong pagsasama, sila din ay ang isa sa tinuturing na mayroong pinakamatatag na relasyon sa showbusiness. Ang dalawa ay nagpakasal noong January 2011.

Ang celebrity couple ay nagsimula bilang magkatrabaho lamang sa pelikula ng tatay ni Sotto na si Vic Sotto na pinamagatang ‘Enteng Kabisote: Okay ka fairy ko! The legend” noong 2004 kung saan gumanap si Kritine bilang asawa ng karakter ni Vic Sotto sa naturang pelikula.
Sinabi naman ni Kristine sa isang panayam, noong naka-trabaho niya si Oyo, wala naman siyang naramdaman na kahit anong special tungkol dito dahil na rin siguro parehas silang nasa relasyon noon ngunit sila ay magkaibigan na noon. Hanggang sa makuha na nga ni Oyo ang cellphone number ni Kristine.
Nagulat pa nga daw ang actress noon dahil hindi niya inaasahan na maririnig niya ang boses ni Oyo Boy kung saan ito ay sumisigaw pa sa kabilang linya dahil ito ay masaya na nakuha na niya ang number ni Kristine.
Hanggang sa naging malapit na ang dalawa sa isa’t isa at ngayon ay mayroon na silang isang malaki, kumpleto, at masayang pamilya.

Sila ay mayroong apat na anak na sina Ondrea Bliss, ang ampon nilang anak na si Kristian Daniel, Kaleb Hanns, at Marvic Valentin.
Ngunit, isang netizen naman ang nagsasabi na ang panganay na anak nila ay anak umano ni Kristine sa ibang lalaki.

Sinagot naman ni Oyo ang isyu na ito at sinabi na ang kanilang panganay ay hindi anak ni Kristine sa ibang lalaki kung hindi ito ay kanilang ampon na anak.
Komento ng isang netizen sa socmed post ni Oyo Boy,
“So proud of you @osotto kahit na anak si Kiel sa ibang lalaki ni Kristine, tinuring mo pa rin syang own flesh and blood mo. Bihira sa ibang lalaki ganito.”
Sagot naman ni Oyo dito, “Hindi siya anak sa ibang lalake. Kiel is our adopted son.”
Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa pamilyang Sotto at binatikos rin nila ang netizen at sinabi na hindi tama na sabihin nito ang mga ganoong uri ng salita, lalo pa sa social media.

Sabi rin ng ilan na maaaring ito ay makaapekto sa bata sa murang edad nito kung maririnig niya ang mga ganoong uri ng salita.

The post Oyo Boy Sotto, pinahiya ang isang netizens na nagsabi ng masama sa asawang si Kristine Hermosa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments