Nakiusap ang sikat na Psychic na si Rudy Baldwin na wag idamay ang actor na si Piolo Pascual matapos siyang ipa-Tulfo ng dati niyang manager na si Elzen Estores.

Sablay daw kasi ang mga hula ni Rudy sa kanya kasama na dito ang pagiging “mayor” niya daw ng Bulacan pagdating ng panahon.

Marami rin raw sinabi si Rudy patungkol sa kaniyang magiging income pati pag-unlad sa kaniyang buhay.
Ayon pa sa kaniya, sinunod niya ang mga payo nito na ibenta ang mga ari-arian. Gaya ng sasakyan at mga alahas dahil malapit na raw mag-end of the world.

Ngunit natawa naman ang mamamahayag na si Raffy Tulfo na host ng nasabing programa dahil sinabi ni Estores na lagi daw sinasabi ni Rudy na magiging leading lady daw siya ni Papa P.

“Ewan ko kung bakit ako naniwala, kinukuha daw siyang leading lady ni Piolo Pascual. Basta ‘yun po lagi niyang sinasabi sa amin,” ani Estores.

Sa kanya namang Facebook page, hindi napigilan ng psychic, na nai-feature sa KMJS, na mag-reac Tungkol sa mga akusasyon sa kanya.

“Walang problema, see you in court…tingnan natin kung sino ang sinungaling. God bless. Ang visionary kailanman, hindi manghuhula.
Kung ano lang pinakita sa akin, hanggang du’n lang ang malalaman ko dahil still, GOD’S WISDOM ang masunod.
“Kung ‘di pinakita ng DIOS sa akin, isa lang ang ibig sabhin nyan.
“Anyway, ‘wag niyo naman idamay si Piolo Pascual. Idol ko po ‘yon at hindi ko magamot ang mga kasinungalingan niyo.”

Sinungaling rin daw ang dating manager at ito raw talaga ang totoong scammer.
Rudy Baldwin, Pina-Tulfo ng Galit na Lola Dahil sa Palpak na Hula Nito sa Gender ng Apo!

Sumikat sa social media ang self-professed na psychic reader na si Rudy Baldwin dahil sa mga pangitain nito. Mayroon siyang mahigit 4 milyon na followers sa Facebook na laging nakaantabay sa kanyang mga pangitain. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay napapalibutan ng kontrobersya si Rudy Baldwin.
Kamakailan lang, muli na namang naging usap-usapan sa social media si Rudy Baldwin matapos itong ireklamo kay Raffy Tulfo.
Isang ginang ang dumulog sa programa ni Tulfo na “Wanted sa Radyo” upang ireklamo si Baldwin. Ayon kay Solen Itaya, mali ang naging hula ni Baldwin sa gender ng kanyang apo.


Nagpabayad di umano ito upang hulaan si Solen, ngunit kahit ni isa sa mga hula nito ay hindi natupad. Kabilang na dito ang hula ni Baldwin na di umano’y babae ang kanyang magiging apo.
“Lalaki pala! Na shock po kami. So binalikan ko po sya, tinawagan ko sya (rudy baldwin) sabi ko, ‘Madam mali po yung vision nyo. pinakita ko pa yung pusod sabi nyo nasisilip nyo babae.’ Ang sinagot niya po sa akin, ‘Pasensya na kasi nakadapa puwet pala yung nakita ko,” pahayag ni Solen.
Sinagot naman ito ni Baldwin, at sinabing handa siyang harapin sa korte si Solen. Nilinaw rin ni Baldwin na hindi naman lahat ng kanyang pangitain ay nagkakatotoo, dahil sa huli ay sa Diyos pa rin nakasalalay ang mangyayari.


“Ang visionary kailanman hindi manghuhula. Kung ano lang ang pinakita sa akin hanggang dun lang ang malalaman ko. Dahil still God wisdom ang masunod. Oy ate, wala akong sinabi na babae apo mo ah. Sabi ko lalaki, kaso mapilit ka sa babae kasi pangarap mo eh,” dagdag pa nito.
May ilang mga tao ang lumitaw sa social media at inexpose ang di umano’y scam ng psychic. Ayon sa kanila, matapos kumonsulta kay Baldwin ay hinulaan nito na may masamang mangyayari sa kanila.
Upang makontra di umano ito, bebentahan sila ni Baldwin ng anting-anting na pangontra sa mga masasamang pangyayari.


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Piolo Pascual nadawit na din sa issue ni Rudy Baldwin ng ipa-Tulfo ito ng kanyang dating manager appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments