Matapang ang naging pahayag ni Jinkee Pacquiao, matapos ang pahayag ni Cristy Fermin laban sa kanya.

Kamakailan lang ay binatikos ni Cristy Fermin si Jinkee. Dahil sa madalas na pagbabalandra umano ng kanyang mga mamahaling gamit sa social media.

Sabi ni Fermin, dapat umano ay iniisip ni Jinkee na nasa pandemya ang mundo at maraming pamilyang Pilipino ang nagugutom.

Tahasan din niyang sinabi na walang kahihiyan ang misis ng Pambansang Kamao sa pagparada sa mga binibili nito.

“Kung mayroon siyang pakialam, dapat ‘di niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan.

“Wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo.
“Wala ka sa timing. Hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon,” pahayag ni Manay Cristy.

Nang mag-viral ang pahayag na ito ng batikang kolumnista at radio host tila may reaksyon dito si Jinkee.

Malaman ang naging mensahe ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang mga kritiko. Sa kanyang Instagram ay nagpost ang misis ni Manny Pacquiao ng kanyang larawan.

Sa caption nito, sinulat ng dating vice governor ng Saranggani, “Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.
“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.”

Sa huli, pinaalalahanan din niya ang kanyang followers, “Spread Love! We should love one another, for GOD is love!
“God is good all the time!”
Matatandaan na trending kamakailan si Jinkee sa social media dahil sa kanyang OOTD sa ginanap na laban ni Manny at Ugas.

Bagamat hinagaan ito ng ilan, may ilan ding hindi natuwa sa OOTD ni JInkee. Isa na nga rito ang si Cristy Fermin.
Cristy Fermin, sinabing walang ‘kahihiyan’ si Jinkee Pacquiao dahil sa mga pinopost nitong mga mamahaling kagamitan sa social media

Mukhang hindi nagustuhan ni Cristy Fermin ang mga mamahaling kagamitang ipinapakita ni Jinkee Pacquiao online.
Kilala si Jinkee bilang isang fashionista. Madalas siyang nagpo-post ng mga litrato niya sa social media.
Suot ang mga mamahaling brand ng mga damit, bags at accessories niya.
Kamakailan nga lang sa laban ng kanyang mister na si Manny Pacquiao ay naulat na halos tatlong milyon ang presyo ng kanyang mga kasuotan.

Marami ang humanga at napanganga sa halaga ng OOTD ni Jinkee sa nasabing event. Isang araw lamang ngunit milyones na agad ang halaga.

Bagamat maraming nakakaintindi na kaya ni Jinkee na bumili ng mga mamahaling kagamitan tila may hindi naman nagustuhan ang way ng kanyang pag-flex ng mga ito.

At isa na nga dito ay ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sa kanyang kolum kamakailan ay binatikos niya ang misis ng Pmbansang Kamao.

Aniya wala umanong kahihiyan si Jinkee at tila walang pakialam sa nangyayari sa mundo ngayon.

“Nakakaawa si Jinkee sa mga naglalabasang komento laban sa kanya, akala raw siguro niya ay may forever, habambuhay siyang magiging reyna.”

Ito ang saad ni Cristy Fermin sa kanyang kolum sa Phil Star.

Dagdag pa niya, “Wala naman siyang tinatapakan sa pagsunod sa kanyang mga kapritso, hindi naman ‘yun pera ng bayan kundi salaping naipon nila.”

Sa pakikipagbasagan ng mukha ng kanyang mister sa lona, kay nasaan ang problema?

Wala lang talagang pakialam si Jinkee sa nagaganap sa mundo ngayon. Napakaraming kababayan nating nawalan ng trabaho at walang makain.
“Taghirap talaga dahil sa pandemya, pero hindi niya mapigil ang kanyang sarili sa pagyayabang.”
Sa huli ay binatikos nito si Jinkee at sinabing, “‘Yun lang naman ‘yun. Parang hindi siya tinatablan ng kahihiyan.”
The post Palaban! Matapos batikusin ni Cristy Fermin, Jinkee Pacquiao may matapang na sagot para sa kanyang mga kritiko appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments