Looking For Anything Specific?

Richard Gutierrez, pinagsabihan ang pamangkin na si Lorin na limitahan ang pagbahagi ng mga sexy picture sa kanyang social media account

Lumabas ang pagiging striktong tito ni Richard Gutierrez sa kanyang pamangkin na si Lori Gutierrez.

Kamakailan ay pinainit ng anak na dalaga ni Ruffa Gutierrez ang social media.

Ito ay nang ibahagi ni Lorin ang kanyang mga bikini photos sa Instagram.

Makikita sa nasabing Instagram post ni Lorin ang super seksi niyang litrato suot ang kanyang hot na hot na bikining itim with short shorts na maong. Nilagyan niya ito ng caption na, “I need to stop wearing caps.”

Unang nag-comment sa post ang nanay ni Lorin na si Ruffa na tila may halong “galit”, “Nag-shorts ka pa!”

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens, dahil lumabas daw ang pagi­ging mother ng aktres. Ikinumpara pa ng ibang netizens si Ruffa sa ina niyang si Annabelle Rama dahil ganu’n din daw si Annabelle sa kanya noong bata pa siya.

Ilang sandali ay nagkomento din si Richard Gutierrez sa litrato ni Lorin.

Saad nito, “Cover yourself”. Hirit pa niya, “I don’t want any of these guys checking you out.”

Marami namang humanga sa komento ni Richard.

Lumabas di umano ang pagiging protective tito nito sa kanyang mga pamangkin.

May ilan pa ngang nagsabi na nakakatuwa na maging kapamilya ang aktor dahil siguradong bantay sarado ka.

Tipong meron daw magtatanggol sa panahong mayroong may mangbast0s sa kanyang mga pamangkin.

Samantala, napa-comment din sa kaseksihan ng dalagang anak ni Ruffa ang mga celebrities tulad ni Frankie Pangilinan, at ang daughters ni Sunshine Cruz na sina Angelina at Sam Cruz.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinag-usapan ang se’xy photos ni Lorin sa social media. May ilang pagkakataon na ring nag-viral at nag-trend ang mga litrato niya.

At karamihan nga sa mga comments ng kanyang followers ay nagsasabing pwedeng-pwede rin siyang maging beauty queen tulad ng kanyang nanay.

Richard Gutierrez sa pag-amin ng kanyang kambal na si Raymond Gutierrez sa tunay nitong kasarian

Lumantad na bilang parte ng LGBTQ community ang kambal ni Richard Gutierrez na si Raymond Gutierrez.

Sa interview ng MEGA Entertainment, sinabi ni Raymond na masaya siyang naisapubliko na ang kanyang gender identity.

“I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. And it feels great saying that publicly because I am,” lahad ni Raymond.

Aniya, naging trigger ang pandemic para ma-realize niyang maiksi ang buhay at mas mahalaga ang kanyang kasiyahan.

‘It’s not necessarily whom you go to bed at night with. It’s more about how you feel,” dagdag pa ng kambal ni Richard Gutierrez.

Kuwento niya, napagtanto niyang hindi maging madali maging bahagi ng LGBTQIA+ community

Lalo na noong kakasimula niya pa lamang sumabak sa showbiz.

“Well, I was a kid but going back again to show business at 19 to be a TV host, that’s when it really hit me that, ‘Wow, being gay is really not accepted in a lot of these communities.’”

Aniya, ginagawa niya ang pag-come out upang magsilbing inspirasyon sa mga indibidiwal na dumaan din sa sa pagtuklas ng kanilang pagkato.

 

Ibinahagi din nito ang dinaan niyang pagsubok bago tuluyang lumantad.

 

Samantala, nakatanggap naman ng suporta si Raymond mula sa kanyang mga kapamilya at kaibigan sa industriya.

Sa comment section ng kanyang post ay tatlong heart emojis ang iniwan ng kanyang kakambal na si Richard.

Sa kanyang IG story ay ipinahayag naman ni Ruffa ang kanyang pagmamahal para sa kapatid.

Pati na rin sina Sarah Lahbati, Ann Curtis, Liz Uy, Isabelle Daza ay ipinakita ang kanilang pagmamahal at suporta.

Gayundin ang mga pamngkin ni Raymond kay Ruffa na sina Lorin at Venice.

The post Richard Gutierrez, pinagsabihan ang pamangkin na si Lorin na limitahan ang pagbahagi ng mga sexy picture sa kanyang social media account appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments