Looking For Anything Specific?

Sanya Lopez, nagbigay ng payo sa mga kasing edad niya kung paano magkaroon ng sarili nilang “dream house

Nagbigay ng advice ang Kapuso actress na si Sanya Lopez kung paano makatipid at maabot ang mga pangarap.

Halos lahat ng kinita ni Sanya sa mga nakaraan niyang protekto sa GMA ay inilaan niya sa pagpapagawa ng kanyang dream house.

 

Inamin ng dalaga na talagang nagtipid siya nang bongga para makapag-ipon at maipatayo ang pinapangarap niyang bahay.

At sa edad niyang 24, masasabi niyang kahit paano’y may mga na-achieve na rin siya sa buhay.

Dahil na rin sa kanyang pagsisikap at pagiging wais sa pera.

Nagbigay rin ng tips si Sanya sa mga kabataang nangangarap ding makapagpatayo ng kanilang dream house.

“Ang ginawa ko lang po talaga lahat po ng iniipon ko, lahat ng pinagtrabahuhan ko dapat may napupuntahan na agad siya.

“Hindi siya ‘yung nandiyan lang ‘yung nakikita mo. Kapag nakikita mo kasi ‘yung money mo hindi mo alam saan papunta minsan, e,”

Saad pa ni Sanya sa virtual presscon ng GMA, “So, mas maganda na nakaisip ka na na,

‘Itong kita ko, itong kikitain ko naka-set na dito sa lupa or nandito na para sa bahay,’”

Sinabi din niya na talagang pinigilan niya ang sarili na bumili ng mga mamahaling gamit tulad ng mga branded bag at sapatos para mas mabilis na makaipon.

 

“Kasi sabi nila kailangan ko rin ng mga ganong klaseng shoes, so tinray ko bumili isang beses lang po talaga

Pero mas sa ngayon po talaga mas naka-focus ako sa pag-aayos nitong bahay,” sabi ni Sanya.

Dagdag pa niya, kapag may mga nakita siyang magagandang bag at sapatos,

Iniisip muna niya nang matagal kung kailangan ba niya ito talaga o luho lamang.

Sanya Lopez, tapat na inaming lubos ang paghanga niya sa sikat na kapamilya aktor na ito noon pa man

Puring puri ni Sanya Lopez ang kasintahan ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.

Dahil umano sa pagiging humble at mabait nito.

Ito ang kanyang nasabi nang maguest siya sa vlog ni Allan Diones.

Kung saan sumabak siya sa jojowain o totropahin challenge.

Kinakailangang sabihin ni Sanya kung Jojowain ba o Totropahin niya ang artistang lalaki na itatanong sa kaniya, ng mapunta ang kay Daniel Padilla ang pagpipilian kung jojowain niya ba ito o totropahin lamang ay mabilis niyang sinagot na jojowain niya umano ito.

Sabi ni Sanya nang mapunta kay Daniel Padilla: “Ang lakas ng dating ni Daniel, pang jowa siya. Pang jowa talaga siya,”

“Grabe yung sweetness niya kay Kath, parang pag naging girlfriend ka niya aalagaan ka niya ng sobra-sobra,”

Ikinuwento rin  ni Sanya ang kabaitan ni Daniel sa mga fans nito noong nakita niya ito sa mall.

“Nakita ko yan si Daniel one time sa isang mall, grabe siya sa mga tao talaga,”

“Dun ko nakita na sabi ko ‘ah kaya si Daniel Padilla’ its because kung paano siya makitungo sa mga talagang sumusuporta sa kaniya.”

Ipinaliwanag ni Sanya na pinagkakaguluhan umano ng panahong iyon si Daniel Padilla ngunit hindi raw ito naging masungit sa mga ito, bagkus ay naging mabait pa raw ito sa lahat.

Naging mapagbigay umano si Daniel sa mga ito at pumayag pa na makipag picture sa mga fans.

Pinagkaguluhan nga raw ang aktor ng mga fans kaya may mga guard na lumapit upang pigilan ang mga ito.

Ngunit sinabi raw ng aktor na hayaan lang ang mga fans at siya pa nga mismo ang kumuha ng cellphone para makipag-selfie sa mga supporters.

“Walang kaere-ere. Ito ‘yung mga nagugustuhan ko sa isang artista,” pag-amin ng dalaga

Narito ang kanyang video:

The post Sanya Lopez, nagbigay ng payo sa mga kasing edad niya kung paano magkaroon ng sarili nilang “dream house appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments