Looking For Anything Specific?

Larawan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, umani ng samut-saring komento ngayon

Nabigyan ng kakaibang kahulugan ang pinaka latest photos ng celebrity couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

‘Love is in the air’. Ito ang laging pinapatunayan nila Diego at Barbie sa tuwing nagbabahagi sila ng kanilang mga larawan.

Magmula ng isapubliko nila ang kanilang relasyon noong pagpasok ng bagong taon ay marami na ang sumusubaybay sa kanila.

Marami din ang kinikilig sa mga sweet bonding moments ng magkasintahan na ibinabahagi nila online.

Ngunit kamakailan lamang, tila nabigyan ng ibang kahulugan ang latest photo upload ni Diego sa kanyang IG.

Isa itong mirror selfie at photo bomber ang kanyang nobya. T0pless si Diego sa nasabing larawan at kitang-kita kaniyang abs habang naka-shorts lamang.

Makikitang nakasuot naman si Barbie ng maluwag at mahabang shirt at maiksing-maiksi naman ang shorts. Gulo-gulo rin ang buhok ng aktres.

Saad ni Diego sa kanyang caption, “When your girl catches you checking yourself out… dont stop”

 

May mga netizens na napansin ang ayos ng magkasintahan sa nasabing litrato. May ‘nakabakat’ daw kasi kay Diego. At si Barbie naman ay bakit ang gulo daw ng buhok.

Lalo pang tumindi ang kakaibang pag-iisip ng netizens dahil nas iisang kwarto lang ang dalawa.

Narito ang ilan sa kanilang reaksyon:

“Wow suwerte naman ni Barbie kay Diego! Mukhang dakila ang pagmamahal nito sa kaniya!”

“Parang katatapos lang… hahahaha… katatapos lang mag-bonding!”

“Hindi ako naniniwalang picture lang ang naganap char!”

“Nagmamadali kayong magselfie Diego, di mo pa naayos ang shorts mo. tabingi”

“Flexing your partner is okay but showing off that you two are doing what a married couple do is a bit too much. “

Ikaw anong masasabi mo dito?

Diego Loyzaga, aminadong nagso-sorry sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa tuwing sasabak sa intimate scene

Ibinahagi ni Diego Loyzaga ang respetong ibinibigay niya sa nobyang si Barbie Imperial tuwing may kakaiba siyang role.

Sa press con ng pelikula nilang Bekis on the Run kasama sina Christian Bables, at Kylie Verzosa ay nakapanayam ng press people si Diego.

Dito ay inilahad niya ang pagiging open niya sa kanyang girlfriend na si Barbie tuwing may mga intimate scene siyang ginagampanan.

Sa nasabing pelikula ay may mga extra scene umanong ibinigay sa kanilan ang direktor na si Joel Lamangan.

Ibig sabihin nito ay may mga scene na ipinapagawa sa kanila kahit wala ito sa script ng pelikula. Tulad na lamang ng kissing scenes.

Sa part ng leading lady na si Kylie pinaguusapan nila ng boyfriend niyang si Jake Cuenca ang mga detalye ng respective projects nila para hindi nagkakagulatan pag pinanood na.

Nang si Diego naman ang natanong tungkol dito ay ganun din daw ang ginagawa nila ni Barbie. Pero hindi sila ang tulad ng ibang celebrity couple na walang pakealamn pagdating sa trabaho.

Ani Diego, “No, imposibleng walang pakialaman…imposible ’yon.Although Barbie is an artista, she’s still my partner, my lover, so it’s impossible to say that even if I tell her before or prior to shooting na, ‘Baby may ganito,’ she’s not gonna feel it? Of course, she’s gonna feel something when she sees it. But doon lang pumapasok ’yong understanding na she is in the same business. So, alam niyang work lang.”

Pero alam daw niyang may awkward moments sa tuwing mapapanood ito ng kanyang kasintahan. Kaya naman mas ginusto nilang ‘wag na lamang panoorin ang pelikula ng bawat isa.

Nanghihingi din siya ng paumanhin sa aktres tuwing may mga intimate scene siyang ginagawa sa pelikula.

The post Larawan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, umani ng samut-saring komento ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments