Looking For Anything Specific?

Sikat na Tiktoker agaw atensyon ngayon online dahil sa laki ng hawig nito kay Marian Rivera

Maraming Pinoy netizens ang nahuhumaling ngayon sa ganda ng isang TikTok user.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang dalaga mula sa bansang Taiwan, dahil maliban sa pagkakaroon niya ng magandang mukha ay mas naging agaw-pansin nga sa mata ng mga netizens ang pagiging kamukha umano nito sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ito ay ang French-Taiwanese na si Lea Dumortier.

Ayon pa nga sa 18-anyos na dalaga, marami ang nagsasabing kamukha niya ang Pinay celebrity.

“because I get so many Marian Rivera comments…” saad nito sa isang TikTok video na mayroon nang 2.9 million views.

Biro pa nga ni Lea: “maybe I’m secretly her daughter.”

 

Makikita nga sa mga video at larawan ng nasabing dalaga, na kapag pinagmasdang mabuti ang kanyang mukha ay talaga namang masasabi nga na ito ay mayroong malaking pagkakahawig kay Marian.

Ayon naman sa kanyang social media accounts, nakabase si Lea sa US at nag-aaral sa UC Berkeley for college.

 

Gumawa din si Lea ng isang make up video kung saan sinabi niya na ganun daw ang itsura ni Marian.

Samantala, para naman bigyan pa ng aliw ang mga humahanga sa kanyang angking ganda na hawig ng sa mga kilalang celebrity, ay gumawa ng isang video si Lea kung saan ay ikinumpara nga niya kung sino talaga ang mga Pinay celebrity na ka look-alike niya.

Para naman kay Lea Dumortier ay talagang nakaka-overwhelmed ang mga natanggap niyang mensahe mula sa kanyang mga tagahanga.

Isang dalaga sa Taiwan, kamukha daw ni Marian Rivera.

Isang dalaga ngayon ang agaw pansin sa socmed dahil hindi lang dahil sa angkin niyang kagandahan kundi kamukha din daw nito ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera.

Base sa kanyang Instagram/Tiktok account, ang pangalan nito ay Lea Dumortier. Mapapansin sa kanyang mga video na kapag tinitigan mo ang kanyang mukha ay talagang may pagkakahawig ito sa mukha ni Marian.

Halos lahat ng kanyang video ay inuulan ng kumento patungkol sa pagkakahawig nito sa Primetime Queen ng GMA.

Sabi ni @clarissaarnaiz2: U look like the primetime queen in GMA a celebrity, her name is Marian Rivera.

Sabi ni @Diosan Mendez Wagas: Combination of Marian Riverra and Carla Abellana. So pretty!!

Sabi ni @CLAIR GONZALES. Tehh, hinahanap ka na ni DingDong magluto na daw.

Sabi naman ni @Maria Padilla2385: You looked like Marian Rivera. Pati yung nunal sa mukha. Beautiful!

Pabirong sabi naman ni @Camilla Pineda: Parang ang bilis naman lumaki ni Maria Letizia, parang kailan lang e bata pa yun.

Madami din nagtatanong kung Filipino ba ito o taga ibang bansa siya pero ang sagot ni Lea ay isa siyang French/Taiwanese.

Gumawa din siya ng bidyo na kung saan pinagkumpara niya kung sino ang mas ka look-alike niya.

Kabilang sa mga celebrity na ito ay sina Carla Abella, Marian Rivera at Kristine Hermosa pero ayon sa kanyang mga taga hanga ay mas pinakahawig niya si Marian.

Kinukumbinsi din siya na pasukin ang mundo ng showbiz pero kailangan niya munang matutong magtagalog kung sakali.

Overwhelmed naman daw siya sa mga mensahe ng kanyang mga taga hanga dahil naikumpara ang kanyang ganda sa isa sa mga sikat na artista dito sa Pilipinas.

The post Sikat na Tiktoker agaw atensyon ngayon online dahil sa laki ng hawig nito kay Marian Rivera appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments