Ion Perez, pinupuri at hinahangaan muli ng kanyang mga fans ngayon!
Sa mga tagumpay na tinatamasa ni Ion sa kanyang showbiz career ngayon, masasabi nang angat na siya sa buhay.

Pero tila hindi pa din mababago ang kanyang pag-uugali na pagiging simple sa buhay. Kahit na very successful na sila ni Vice Ganda ay may mga raket pa din siya minsan.

Sa viral na ngayon na Facebook post mismo ni Ion, makikita ang aktor na sakay ng isang bisikleta na mayroong side car.

Naglako pala ng panindang gulay ang partner ni Vice sa kanilang probinsya sa Tarlac.

“Bili na mga suke!” maikling caption ni Ion sa kanyang official Facebook account noong August 22.

Sa comment section, hindi na napigilan ng kanyang mga fans na purihin sa kanyang kasimplehan.

Ang iba pa nga ay nag biro pa na gusto nilang bumili ng panindang gulay ni Ion.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Nice one idol kuya noi God bless you po”
“That’s cool”
“Pabile noi… yung pang pinakbet na gulay”
“Pabile idol!!”
“Gusto ko bilhin yung nagtitinda or kahit ako na lang yung damit ok na”
“Sipag mo Nak pabile hehehe”
“Nakakatuwa ka”
Nakilala si Ion bilang simpleng lalaki na nanggaling din sa kahirapan. Kaya naman hindi na din niya maiiwasan na balikan ang simpleng buhay niya noon.
Ion Perez, inaming pinapangarap na magkaroon ng sariling negosyo na lenchon manok at pares sa Tarlac

Dahil pangsamantala lang daw ang pag-aartista, Ion Perez may planong magtayo ng negosyo sa Tarlac.
Sa industriya ng showbiz, isa si Ion Perez na mapapansin na napakasimple lamang.
Mula din siya sa probinsya kung saan namumuhay lamang siya kasama ang kanyang pamilya ng simple.
Kung matatandaan sa kanyang mga nakaraang panayam, ibinahagi ni Ion na naglalako siya noon ng mga kakanin.

Ume-extra din di-umano siya ng pagbebenta ng manok sa palengke.
Hanggang sa sumasali na siya sa mga beauty pageant at nag-umpisa na din maging modelo.

At dahil nga dito ay nakapasok siya sa showbiz nang siya ay maging si Kuya Escort sa It’s Showtime.

At ito rin ang naging tulay upang magkakilala sila ng kanyang partner ngayon na si Vice Ganda.
Ito din ang nagbukas ng napakaraming oportunidad para sa kanya sa industriya.

Ayon naman sa ulat ng PEP.Ph, ilang bagay ang binahagi ni Ion na plano niya sa buhay.

Bukas ang isip ni Ion sa katotohanang panandalian lamang ang showbiz career.
Kaya ang pagtitinda ng mga manok at pagbubukas ng pares restaurant sa kanilang bayan sa Tarlac ang mga negosyong kanyang pinaplano.

Ang pagbebenta daw ng manok ang unang pumasok sa kanyang isip dahil naranasan na daw niya ito sa kanilang bayan.

Wala daw talo dito dahil kahit balahibo, kahit paa, lahat daw talaga ay nabibili.
Naisip naman daw niya ang paresan dahil sa lugar daw nila sa Tarlac ay walang 24 oras na bukas na kainan.

Dahil sa lugar daw nila ang mga tao doon ay naghahanap ng makakainan makatapos ang inuman.

Kaya naman sinisigurado ni Ion na papatok talaga ang mga negosyong kanyang naiisip na itayo sa kanilang lugar.
Sa ngayon ang goal ni Ion ay mag-ipon at the same time ay mag-enjoy kung anong meron siya sa ngayon.
The post Ion Perez, pinuri ng mga netizens ng makitang naglalako ng gulay sa kanilang lugar sa Tarlac appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments