Naging usap-usapan nitong mga nakaraang buwan ang hiwalayan ng isa sa controversial couple na sina Toni Fowler and Rob Moya.
Ayaw pang sabihin ni Toni Fowler noong una kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Dahil sa marami na ang nagtatanong, ay ibinunyag na ni Toni ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. May mga kinuha raw kasing pera si Rob kay Toni . At ang perang iyon ay ipon sana ni Toni para sa anak niya na si Tyronia. Ang perang nakuha ni Rob ay hindi bababa sa tatlong milyon na di umano’y walang pahintulot ni Toni.
May mga sasakyan pa umanong kinuha si Rob mula kay Toni ngunit ipinaubaya na lamang niya ito. Marami pang isyu na lumabas mula sa dalawa at umabot pa sila sa sumbungan ng bayan kay ‘Raffy Tulfo’ upang doon ayusin ang mga bagay-bagay. Pero mas pinili ni Toni sa huli na ipagpatuloy ang kaniyang pag va-vlog ng mag-isa kasama ang mga kaibigan at anak.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan naman sa social media ang pagpapasikip ni Toni sa pribadong parte ng kaniyang katawan. Matapang na inihayag at ipinakita ni Toni ang nais niyang mangyari sa kanyang katawan sa huling vlog na kanyang ipinalabas.
Sumailalim siya sa proseso na tinatawag na Thermiva, kung saan ay paliliitin at pasisikipin ang butas ng pribadong parte ng isang babae. Ginagawa ito upang mapanataling bata at hindi kulubot ang balat ng isang taong sasailalim sa ganitong proseso.
Kasama naman ni Toni si Mama Marie, ang kaniyang kapatid noong ipinagawa niya ito.
“P*ta ang luwang! Sobrang luwang kailangang kailangan na talaga,” saad ng kapatid ni Toni.
“Ang kapal ng mukha mo,” natatawang sagot ni Toni.
“Ang dahilan kung bakit ako nagpapaganto dahil anti-aging ng p*pe. Anti-laylay”
Panoorin ang video:
Rob Moya, ibinahagi ang pagbigay ng regalo sa kanyang ex na si Toni Fowler at anak nitong si Tyronia ng gold na kwintas
Patuloy pa rin ng panunuyo si Rob Moya sa kanyang dating partner na si Toni Fowler.
Kamakailan nga lamang ay nagka-ayos na sina Toni at Rob. Nag-umpisa ito nang muli silang magkita para sa kanilang alagang aso.
Ibinahagi pa ni Toni ang video nila ni Rob sa kanyang vlog.
At simula nga noon ay tila unti-unti ng nanunumbalik ang magandang samahan ng dating magkasintahan.
Hindi na nga pinalampas ni Rob ang pagkakataong ito at pinipilit niyang mapasakanyang muli si Toni.
Sa kanyang Instagram post nga kamakailan ay ibinahagi niya kung gaano niya namiss sina Toni at Tyronia.
Tatlong taon din kasi silang nagsama at siya na ang tumayong tatay ni Tyronia sa mga panahon na iyon.
Kaya naman sa kanyang latest vlog, pinagsumikapan talaga ni Rob na mapalapit na muli sa mag-ina.
Sa nasabing vlog ay kasama ni Rob si Toni at kinuha na nila ang alaga nilang aso sa beterenaryo.
Sa kalagitnaan ng vlog ay ay may regalong ibinigay si Rob para sa kaarawan ni Toni kamakailan.
Binilhan niya ito ng alahas, at syempre mayroon din para kay Tyronia at personal niyang iniabot ito. Siya mismo ang nagsuot kay Toni ng kwintas na kabilang sa set ng alahas na kanyang binili.
Nakita rin sa video ang reaksyon ni Tyronia ng malaman niya na galing kay Rob ang mga alahas.
Napansin pa ng ibang netizens na tila naguluhan ang bata at nag-alangan na tawaging Daddy muli si Rob.
Ngunit gayon pa man ay pinasalamatan pa din ni Tyronia si Rob sa realong ibinigay nito sa kanila.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:
The post Sikat Na Vlogger, Nagpasikip Ng ‘Pribadong Parte Sa Katawan’ Matapos Mahiwalayan Ito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments