Noong nagsimula ang pandemya, naging mahigpit na ang patakaran sa paglabas ng mga tahanan. Hanggat maaari nga lamang ay manatili tayo dito para sa ating sariling kaligtasan.
Ngunit sa pagtagal ng panahon, walang nagbabago sa Sistema na tila para na lamang tayong bilanggo sa sarili nating bahay.
Madami na ang naapektuhang mga negosyo at natanggal sa trabaho kaya naman laking pasasalamat sa modernong teknolohiya na maaaring samantalahin upang maggawa ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng online.
Pumatok ang mga online delivery apps na kung saan ilang pindot lamang ay maaari mo nang makuha ang nais mong bilhin nang hindi kinakailangang lumabas.
Ngunit sa likod ng sistemang ito ay mga totoong tao pa din ang nagttrabaho. Sila ay mga empleyado na nakikipag sapalaran sa labas at nagsasakripisyo upang mabili ang orders ng mga kostumers at para na din sa kanilang kabuhayan.
Ngunit ang iba ay hindi nakikita ang paghihirap ng mga delivery riders. Nariyan ang mga walang konsensyang kostumers na hindi nilalabas ang mga riders o kaya man ay nag ka-cancel sa kalagitnaan ng proseso.
Isang post mula sa netizen na si Reneboi Caudillosa ang nagmulat sa kapwa netizens na bukod sa pag papaluwal ng mga riders sa mga nakanselang orders, kinakailangan din nilang gipitin ang kanilang sarili para hindi masyadong mabawasan ang kanilang sahod na ipangtutustos sa kanilang pamilya.
Makikita ang larawan ng isang Food Panda Rider na kumakain ng 555 sardines matapos magdeliver sa kostumer ng masasarap na pagkain.
Sa kabila ng kaniyang tapat na serbisyo, kasunod naman nito ay matinding sakripisyo.
0 Comments