Sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang isa sa pinakakilala at kontrobersiyal na celebrity couple ngayon sa Pilipinas. Simula noong kumpirmahin ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon ay madalas na nilang ibinabahagi o ipinakita sa publiko kung gaano nila kamahal at ka-sweet sila sa isa’t isa.
At kamakailan lamang nga ay muli na namang nagbigay kilig ang dalawa sa kanilang mga followers at supporters sa video nilang dalawa na ibinahagi sa social media.
Sa nasabing video, makikita ang aktres na masayang tumatakbo kay Derek. Binuhat naman kaagad ng aktor si Ellen bago sila umikot ikot.
Ang nasabing video ay kaaagd na umani ng maraming views matapos itong i-report ng 33 taong gulang na aktres sa kaniyang Instagram Stories.
Bukod sa naturang video, may ilan pang mga TikTok videos sina Ellen at Derek na nagpapakita ng kanilang pagmamahal at affection sa isa’t isa. May isa pa ngang video kung saan makikita ang kanilang ‘kalog’ moments.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Always seen Ellen laughing with Derek not seen her that way with JL. They’re really compatible with same hobbies”
“I like Ms. Ellen very natural .. she’s very vocal sa Kung ano at Sino sya.. soooo simple yet straight forward.. ”
“I love them both. I can not get enough of them because they’re real people. They don’t care some people bashing them as long as they’re happy.”
Matatandaan na nitong taon lamang ay gumawa ng ingay sa social media sina Ellen at Derek. Una ay ang mga larawan ng dalawa kung saan makikita silang magkasama sa mga pasyalan sa bansa bago pa nila aminin ang tungkol sa kanilang relasyon.
Ang sumunod naman ay ang pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon at ang pagpo-propose ng aktor kay Ellen kamakailan lamang.
Bago ang fiance na si Derek! Kilalanin ang 10 lalaking nagpatibok ng puso noon ni Ellen Adarna

Sa ganda at alindog ni Ellen Adarna, hindi kataka-takang marami ang napapa-ibig niya at nali-link sa kanya.

Unang nakilala si Ellen bilang isang modelo at aktres. Mas lalo pang dumami ang kanyang mga tagahanga nang mapadalas ang kanyang feature sa mga men’s magazine.

Samantala, bago pa man dumating sa buhay ni Ellen ang fiancee niyang si Derek Ramsay, kilalanin natin ang mga lalaking na-link at nagpatibok sa puso niya noon.

1 JC Intal
Kinumpirma noon ni Ellen na naging karelasyon niya ang professional basketball player. Anim na buwan ang itinagal ng kanilang relasyon.

2 Filo Cueco
Si Filo ay ang non-showbiz bf ni Ellen, nakilala ito sa publiko ng sumali sila sa ‘Survivor Philippines.’

3 Raoul Olbes
Aminado si Ellen na naka-live in niya noon ang binata. Isang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

4 Raymund Romualdez
Ang naging relasyon ni Ellen kay Raymund ay panandalian lamang at nagdesisyon silang maging magkaibigan na lamang.

5 EJ Falcon
Naging loveteam sina Ellen at EJ sa ‘Passion de Amor. Naging malapit sila sa isa’t-isa pero hindi natuloy ang kanilang namuong relasyon noon.

6 Paulo Avelino
Nalink noon sina Ellen at Paulo dahil sa naganap na Star Magic ball taong 2015.

7 Baste Duterte
Naging usap-usapan din noon ang naging relasyon ni Ellen sa presidential son dahil sa mga kumalat na litrato nilang laging magksama.

8 Diether Ocampo
Si Diether ay naiugnay din noon kay Ellen, ngunit ayon sa aktres walang seryosong namagitan sa kanila

9 John Lloyd Cruz
Hindi naman lihim sa publiko ang naging relasyon nina John Lloyd at Ellen. Nagbunga din ang kanilang pagmamahalan at ito ay ang anak nilang si Elias.

10 Carlos Lemus
Kasunod ng balitang hiwalayan nina Ellen at John Lloyd ang foreigner na si Carlos ang namataang nakasama ng aktres.

The post Tiktok Videos Nina Ellen Adarna At Derek Ramsay, Usap-usapan Ngayon Sa Social Media appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments