Looking For Anything Specific?

Julia Barretto, May Matinding Rebelasyon Na Ikinagulat Ni Gerald Anderson

Puno man ng kontrobersiya ngunit tila sobrang tatag at saya ngayon ng relasyon ng celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Sa latest vlog na inilabas ni Gerald sa kaniyang YouTube channel ay makikita na kasama niya ang kasintahan na si Julia kung saan chinallenge pa niya ang aktres na kainin ang mga street foods na hindi pa niya nasusubukan kainin. Ilan nga dito ay ang isaw, balun-balunan, dugo, at marami pang iba.

Kapansin pansin ang pagiging sweet ng dalawa sa nasabing vlog at muli na naman nilang pinakilig ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta.

 

Sa nasabing vlog, tinatanong din ni Gerald si Julia ng ilang mga katanungan galing sa kanilang mga fans habang nagpapatuloy ang street food mukbang nila.

Tanong ni Gerald kay Julia,

“What is your 5- to 10-year plan?”

Tugon ni Julia,

“Family.”

Tanong muli ni Gerald,

“San don? Sa 5 or sa 10?”

Sagot ni Julia na ikinagulat ng aktor,

“Next year.”

Sa parehas na video, sinabi ni Julia na handa niyang iwan ang kaniyang showbiz career kapalit ng tahimik at simpleng buhay.

 

Pahayag ni Julia,

“Because I feel like at an early age, I was already exposed to this life because I grew up and my aunts will take me to their work and my dad and my mom. It was kind of the only life I knew so I felt like that’s where I was gonna end up. But in the future, simple quiet life is what I dreamed.”

Ang nasabing vlog ay ang kauna-unahang video nina Julia at Gerald ng magkasama matapos aminin sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon.

Madalas din na nakikita ang dalawa na magkasama sa iba’t ibang mga events kagaya ng aeta community, pangingisda sa West Philippine Sea, at marami pang iba. Madalas ay makikita din na kasama ng dalawa ang kanilang mga malalapit na kaibigan at pamilya sa kanilang travel.

Prangkang mensahe ng nanay ni Gerald Anderson para kay Julia Barretto noon, naungkat muli

Pinag usapan muli sa social media ang prangkang komento noon ng ina ni Gerald Anderson na si Mrs. Evangeline Opsima tungkol kay Bea Alonzo at Julia Barreto.

Kung inyong matatandaan, pinagusapan ng husto ng mag netizens ang mga matapang na pahayag ni Mommy Vangie.

Tungkol ito sa mga babaeng na-link sa kanyang anak na si Gerald.

Mula naman sa panayam noon sa ABS-CBN ay sinabihan noon ni Evangeline Opsima si Julia na malayo ang agwat ng edad para sa kanyang anak. Sinabi nito na hindi siya kumpiyansa na magtatagal ang relasyon nilang dalawa.

Si Julia ang itinuturong third party noon sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Nagkapareha sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong Mayo 2019.

Si Bea mismo ang nag-anunsiyo sa panloloko diumano sa kanya ni Gerald sa pamamagitan ng isang cyptic post sa Instagram.

Ito ay matapos mag-viral ang mga larawan at videos nina Gerald at Julia na dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa Bonifacio Global City, Taguig.

 

Mensahe ni Mommy Vangie kay Julia,

“Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita. No.

“Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please, ayaw ko kasi may edad na rin Gerald sa ‘yo.

“Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya ka rin.”

 

Walong taon ang tanda ni Gerald kay Julia.

Matatandaan na noong 2019 ay naging laman ng mga pahayagan ang love triangle issue sa pagitan ng tatlong artista.

Dalawang taon matapos ang nasabing isyu ay umamin si Gerald na siya ay may relasyon nga kay Julia.

Sa ngayon ay mukhang going strong naman ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, nagigng open narin sila sa public tungkol sa mga ilang kaganapan sa kanilang buhay.

Narito ang pahayag noon ni Mommy Vangie:

Anong say mo dito?

The post Julia Barretto, May Matinding Rebelasyon Na Ikinagulat Ni Gerald Anderson appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments