Looking For Anything Specific?

TINGNAN: Ang napaka-cute at nakakagiliw na reaksyon ng mukha ni Baby Vittorio Isaac, anak nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang nagigiliw sa mga bata lalo pa’t ang mga nakakaaliw na mga reaksyon ng mukha ng isang bata ay nakakapawi ng pagod. Katulad na lamang ni Baby Vittorio Isaac ang baby no.5 ni Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto.

Kamakailan nga lamang ay isinilang na ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto ang kanilang bunsong anak ni Oyo Boy Sotto na si Baby Vittorio Isaac.

Sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media nang siya ay nanganak tila “looking-young” at “blooming” pa rin ang aktres. Umani ng mga positibong komento at papuri mula sa mga netizens ang larawan na ito ng aktres, dahil hindi naman lahat ng mga babaeng nanganganak ay kasing ganda at kasing “fresh” pa rin tulad niya.

Sina Oyo Boy at Kristine ay mayroon 4 na mga anak ito ay sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentin, at Kaleb Hanns. Hinahangaan at nagiging inpirasyon sila ng kanilang mga tagahanga dahil dalawa silang nagtulong-tulong sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at higit sa lahat masaya at maayos ang kanilang pagsasama.

Nang ipinanganak ni Kristine ang kanilang ikalimang anak makikita sa mga larawan na ibinahagi ng mag-asawa kung gaano ka-cute ang kanilang bagong baby. At muling nagbahagi si Oyo Boy ng ilang mga larawan ni Baby Vittorio Isaac kung saan makikita ang iba’t ibang mga reaksyon ng mukha nito.

a unang larawan ay makikitang napakasarap at napakapayapa ng tulog ng kanilang anak, kung saan ang pagtulog nito ay tila bang walang makakaistorbo. Ngunit, sa mga sumunod na larawan ay kitang-kita naman ang sobrang pag-iyak nito. Kung gaano siya kapayapa natutulog siya namang ikinalakas ng kanyang pag-iyak.

Kaya naman ang mag-asawang Oyo Boy at Kristine ay naaliw sa naging reaksyon ng mukha ng kanilang anak. Mabuti na lamang at sanay na silang dalawa mag-alaga ng baby dahil sa ikalima na nila itong anak.

Samantala, parang gusto pa ng aktres ang magkaroon ng baby no. 6 kung ito naman ay loloobin ng Diyos dahi gusto din kasi ng kanyang anak na babae na si Ondrea na magkaroon ng babaeng kapatid. Sa kabila ng pandemya ngayon, proud at masaya pa rin silang ibahagi kung gaano na kalaki ang kanilang pamilya.

Sikat na aktres emosyonal na binahagi at inihingi ng panalangin ang kaawa awang kalagayan ng anak

Dasal para sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang hiling ni Nadine Samonte.

Ibinahagi ni Nadine Samonte na hindi niya mapigilan ang pagiging emosyonal.

Nang maibahagi niya sa social media ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng kanyang pamilya.

Sa isang Instagram post kamakailan, inamin ni Nadine na magiging mahirap ang linggong ito para sa kanilang pamilya.

Nioong Martes, Agosto 3, ay nakatakda ang operasyon sa mata ng anak ni Samonte na si Heather.

Nakatakda ring sumailalim sa angiogram ang kanyang mister na si Richard Chua ngayong linggo.

“Im kinda emotional right now. I don’t know what to say or do but I know everything will be fine. Kapit lang, prayers lang. ‘Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding.’ This is what I’m thinking for the past weeks. Yes we are going through a lot, hindi halata noh? Pero ngayon hindi ko mapigilan emotions ko, I need your prayers. This week will be very tough for me and the whole family,” ani Nadine

“Heather will have an eye surgery today, and my husband will have his angiogram this week. You guys know na I’m struggling also with my pregnancy but here I am fighting and trying to be strong for them, for all of us. Crying on my own so they won’t see how I really feel. I wanna be strong for them. It’s so hard ‘pag family talaga. I’m really really emotional right now. I can’t stop my tears while typing this. Lord give me all the strength . I know we can do this with You,” dagdag pa niya.

 

Kasabay din ito ng pinagdadaaan niya sa kanyang third pregnancy na naibahagi na niya kamakailan.

The post TINGNAN: Ang napaka-cute at nakakagiliw na reaksyon ng mukha ni Baby Vittorio Isaac, anak nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments