Looking For Anything Specific?

Vhong Navarro, inaming hindi totoo na nag-abot na ng tulong kay Mura at sinabing personal niyang iaabot ang kanyang tulong dito

Pinasinungalinga ni Vhong Navarro ang kumakalat na balita. Na nabigyan niya na umano ng tulong pangkabuhayan ang dati niyang sidekick na si Mura.

Kamakailan kasi ay naglabasan nga ang mga balita na binigyan ni Vhong ng perang pang-negosyo si Mura.

Pinabulaanan niya ito dahil magpasahanggang ngayon ay wala pa umano siyang contact kay Mura.

Pero ayon sa aktor ay totoo daw na sinabi niya magpapa-aboot siya ng tulong para sa dating komedyante.

Ito ay makatapos niyang mapanood ang vlog ni Virgelyn kung saan binisita nito si Mura. At kinamusta ang kalagayan nito sa Bicol.

Sa nasabing vlog ay nabanggit nga ni Mura si Vhong na isa sa mga hindi niya makakalimutang artista na nakasama niya.

Samantala, sa panyam kay Vhong ng PEP.ph sinabi nito pinapahanap pa din niya ang contact ni Mura.

Maging si Ogie Diaz ay kinausap din ni Vhong at humingi ng tulong para makausap nito si Mura.

Handa umanong tulungan ni Vhong ang dating co-star pero nais niya na personal itong maiabot ang financial help.

Para makaiwas umano si Mura na magamit ng mga mapagsamantalang tao.

Malaki ang naging epekto kay Mura ng pandemya. Dahil nawalan umano siya ng pagkakakitaan. Dagdag opa ang hirap niya sa paglalakad dahil sa natamong pinsala sa aksidenteng nangyari sa kanya noong 2010.

Ang ipagpatuloy ang pag-aartista ang isang paraan na naisip ni Mura—na namumuhay ngayon bilang magsasaka sa bayan nila sa Bicol—para magkaroon siya ng source of income at makatulong sa pamilya niya.

Nananawagan siya mga kakilalang makakatulong sa kanyang pinaplanong showbiz comeback.

Kaya naman laking pasasalamat ni Mura sa vlogger na si Virgelyn ng balikan siya nito kamakailan at binigyan siya ng 100 thousand pesos.

Galing umano ito sa kinita ng video ni Virgelyn sa unang pagtatagpo nila ni Mura.

Mura, sobrang nagpapasalamat sa vlogger na personal na pumunta sa kanila at nagpaabot ng tulong dahil sa kanyang kalagayan ngayon

Taos puso ang pasasalamt ng dating komedyanteng si Allan Padua o mas kilalabilang si Mura sa tulong ng isang vlogger.

Higit isang dekada na ang nakalipas ng mawala si Mura sa industriya ng showbiz.

Taong 2010, ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap kay Mura. Na naging dahilan kaya nawala siya sa industriya.

Ng taong iyon aynabali ang kaliwang hita ni Mura. Mula noon, hindi na siya nakabalik ng showbiz.

Ngayon, nakatira ang 46-anyos na dating komedyante sa Ginubatan, Albay kasama ang kaniyang pamilya, at dito ay bumalik siya sa simpleng pamumuhay.

Bukod sa pagtatanim ng gulay, gumagawa rin ng uling si Mura na kaniyang ikinabubuhay.

Kamakailan lang ay isang vlogger ang bumisita at inalam ang kalagayan ngayon ng dating komedyante.

Na laging katambal noon ni Mahal.

Ayon kay Mura ay hindi parin niya nakakalimutan ang showbiz at nais parin niyang bumalik dito.

Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Gayunpaman, siya mismo ang gumagawa ng mga gawain para makaani sila mula sa kanilang mga pananim.

Kwento ni Mura, nakatakda sana siyang makasama ng yumaong batikang aktor na si Eddie Garcia ngunit dahil sa kanyang kalagayan ay tinanggihan niya umano dahil hindi niya kakayaning tumakbo.

Aniya kung mabibigyan siyang muli ng pagkakataon ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang makabalik muli sa pag-aartista.

Naging emosyonal naman si Mura nang iabot sa kanya ang P10,000 ng vlogger na si Virgelyn.

Ito umano ang nalikom niyang donasyon mula sa mga OFW at iba pang kababayan na nais tulungan si Mura.

Naging emosyonal naman ang dating komedyante dahil dito.

Lubos din ang pasasalamata niya sa mga mabubuting loob na handang tumulong sa mga katulad niya.

Tatanawin umano niya itong malaking utang na loob.

Narito ang kabuuan ng video:

The post Vhong Navarro, inaming hindi totoo na nag-abot na ng tulong kay Mura at sinabing personal niyang iaabot ang kanyang tulong dito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments