Looking For Anything Specific?

4 na mabisang paraan para mawala ang tigyawat sa mukha na hindi na kailangan gumamit ng mga skin care

Isa ka ba sa mga nagkakaproblema dahil sa mga tigwayat o pimples mo sa mukha nais mo ba itong maalis?

Nakaranas kana ba na kung minsan ay ayaw mong makipag usap dahil ikaw ay nahihiya makihalubilo sa iyong mga kaibigan dahil sa iyong mga tigyawat.

Marahil kung isa ka sa mga nakakaranas ng ganitong problema subalit wala ka na dapat maging problema ngayon dahil marami na tayong paraan para mawala o alisin ang mga tigyawat o pimples sa ating mukha.

Narito ang ilang mga paraan upang mawala ang ating mga tigyawat sa mukha.

1. Maghilamos ng Mukha dalawang (2) beses kada araw.

Ang isa pinakaimportante upang maalis ang mga tigyawat o pimples ay ang paghihilamls ng dalawang beses sa isang.

Paraan ito upang maalis ang dumi, impurities at iba pang exces oil sa ating balat. Maaari din na maghilamos ng tatlong beses sa isang araw kung iyong nanaisin sa umaga, tanghali at sa gabi gamit ang malinis at maligamgam na tubig. Maaari ka rin gumamit ng facial cleaner pagkatapos maghugas ng mukha.

* Iwasan mong kuskusin ng matigas o magaspang na tela.
* Dahil ay pwedeng maging dakhilan ng pagkakaroon mo ng mas maraming tigyawat at pwedeng maging dahilan ng pagdami paglala ng iyong tigyawat o pimples.
* kung maisipan mong maghilamos ng higit pa dalawa o tatlong beses sa loob ng isang araw .Siguro ay mas mabuti na huwag itong ugaliin dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkatuyo ng iyong balat.

2. Iwasan galawin at paputukin ang Tigyawat o Pimples.

Mas mabuting huwag palaging hawakan at galawin ang mga tigyawat sa mukha lalong lalo na ang paputukin ang mga ito upang hindi kumalat ang bakterya sa iyong mukha.

* Marahil kung minsan ay nanggigil ka sa iyong tigyawat kaya itoy iyong nagagalaw, subalit hindi ito makakatulong at posible itong maging dahilan ng acne scars.
* May pagkakataon din na hindi namamalayang hinahawakan mo na pala ang iyong mukha.
* Iwasan mo ring isandal ang iyong mukha sa iyong kamay habang natutulog.

3. Iwasan ang sobrang paggamit ng mga Skin Product.

Marahil sa panahon natin ngayun marami ng nagsilabasan , ibat ibang produkto ng pagpapaganda ng balat. At dahil sa dami , hindi natin matukoy kung saan o alin nga ang pinakaepektibong produkto. Samantala ang paggamit naman nito ay hindi masama ngunit hindi maganda ang labis na paggamit nito dahil maaaring masira ang ating balat sa mukha sa labis na paggamit at imbes na kuminis ay baka kabaliktaran ang magig resulta.

* Ang pagamit ng mabibigat na produkto o chemical, dail possible itong makasira sa iyong mukha o balat.
* Limitan mo ring sobrang eexpose ng yung balat, sa pagpapalit palit ng mga skin cares. Para maiwasan ang pakasira ng yong balat

4. Uminom ng maraming Tubig

Ang pinaka-importante sa lahat ay ang pag-inom ng tubig, marami itong benepisyo sa ating katawan.

Napapanatili rin nitong hydrated ang ating katawan na tumutulong maging makinis at mapintog ang ating balat. Mas mainam na uminom ng lima hanggang walong baskng tubig sa loob ng isang araw.

* Ang pag inom ng tubig ay mabisang pangontra sa pagkulubot ng balat natural anti aging treatment.
* Pinapanatiling mamasa-masa, at hindi dry ang balat, sariwa, malambot, at makinis.

Post a Comment

0 Comments