Hindi na napigilan ni AJ Raval na sagutin ang mga patutsada sa kanya ni Xian Gaza.
Isang blind item ang inilabas kamakailan ni Xian Gaza. Tungkol sa isang male actor na kakahiwalay pa lang daw sa asawa. Pero may hinatid na aktres sa taping at bali-balitang lagi umano itong tambay sa bahay ng babae.
Naging usap-usapan naman ito ng mga “Marites” sa social media. Hanggang sa ibinunyag din ni Gaza kung sino ang nasa blind item niya.
Ang tinutukoy na aktor ay si Aljur Abrenica at promising se’xy star na si AJ Raval pala ang mga dawit sa issue.
At mas tumindi pa ang tsismis ng magpost si Xian ng screenshot ng mga video na makikitang magkasama sina AJ at Aljur.
Sa nasabing screenshot, spotted si Aljur sa isang restaurant kasama ang aktres na si AJ Raval.
Sunod dunod din ang post ni Gaza ukol dito at sinabing marami pa daw siyang pasab0g tungkol kina AJ at Aljur.
Kaya naman, hindi pinalagpas ng anak ni Jeric Raval ang mga intrigang ibinabato ni Xian sa kanya.
Bawat post ni Gaza ay shineshare niya. Caption pa nga ni AJ sa isa niyang post, “ang dami mong alam hayup ka hahaha”
Nang sabihin naman ni Gaza na nagdadalawang isip na siya ay muli may hirit dito si AJ. Aniya, ” why? are you the father? the son? or the holy spirit? hahaha”
At mukhang kakatsismis umano ni Gaza kay AJ ay tila napa-fall na siya aktres. Kaya naman tugon dito ng dalaga, “send sports car love”
Na agad naman sinagot ni Gaza na kahit house and lot daw ay kaya niyang ibigay.
Sa huli ay tila nagkukulitan na ang dalawa sa kani-kanilang Facebook post.
AJ Raval, ibinunyag na hiwalay na sa kanyang long-time boyfriend na si Axel Torres sa kadahilanang ito
Hiwalay na si AJ Raval sa kasintahan na dating Pinoy Big Brother housemate na si Axel Torres.
Noon lamang Mayo, sa story conference ng Nerisa, inamin ni AJ na nobyo niya si Axel.
Pero sa virtual conference ng Taya noong Biyernes, August 20, ipinagtapat ng aktres na hiwalay na sila ni Axel.
Paglalahad ni AJ, marami daw silang naging problema at hindi daw tanggap ni Axel ang pagpapaseksi niya.
“To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin,” lahad ni AJ.
“Gusto ko pong ipagpatuloy yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life,” dagdag pa ng dalaga.
Isa rin daw sa naging rason ng kanilang paghihiwalay ay ang co-star nito na si Sean de Guzman.
“Hindi na po ako magsisinungaling pero kasama na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean. Ayaw rin po talaga niya ng karera ko ngayon. Ayaw po niya akong magpa-se’xy which is naiintindihan ko naman,” aniya pa.
Pero aniya, naiintindihan din naman niya ang binata.
“Naiintindihan ko naman po siya sa part niya kasi pumasok po ako sa relasyon na hindi pa ako nag-aartista.”
“Napaka-conservative ko pong babae hanggang sa nag-artista po ako.”
“Parang dun po ako nag-start magpaseksi, so naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya po matanggap na ganito ang career ko,” ani AJ.
Nangyari ang kanilang breakup dalawang buwan na ang nakalilipas.
Ito ang dahilan kaya burado na ang kanilang mga litratong magkasama sa Instagram account ng ex-PBB housemate. Naka-unfollow na din sila sa mga social media accounts ng isa’t-isa.
The post AJ Raval, umalma sa pasabog na ilalabas ni Xian Gaza tungkol sa kanya! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments