Looking For Anything Specific?

Dalagang kapuso aktres na si Faith Da Silva, inaming maganda ang relasyon sa beteranong aktor na si Albert Martinez!

Hindi inamin o itinanggi ng Kapuso young actress na si Faith Da Silva ang nababalitang relasyon niya kay Albert Martinez.

Noong Linggo, September 26, naging guest si Faith sa The Boobay and Tekla Show. Dito ay tahasang naitanong ng mga host ang aktres tungkol sa tunay na relasyon niya sa beteranong aktor.

Matagal na kasing umugong ang balita na may namamagitan kina Faith at Albert na magkasama sa seryeng Las Hermanas.

Diretsahang sagot naman dito ni Faith, “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.

“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.

“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin.

40 years ang age gap nina Albert at Faith at parehong April ang kanilang birth month. April 19, 1961. si Albert at April 29, 2001 naman si Faith.

Madami nga ang nakakapansin na may hawig si Faith kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nang maitanong naman sa aktres kung posibleng magmahal siya ng lalakeng mas matanda sa kanya ay walang pag-aalinlangan niya itong sinagot.

Aniya, “For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao.

“Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, e, go lang ‘yan!”

Nagumpisang umugong ang balita tungkol kina Albert at Faith nang magkasama sila sa lock-in taping ng Las Hermanas.

Feeling daw ng production staff, nakikita ni Faith sa veteran actor ang kanyang ama na matagal nang nasa piitan kaya malapit ito sa halos kaedad ni Dennis Da Silva.

Kilalanin ang bagong girlfriend umano ni Albert Martinez na may 40yrs ang age gap sa kanya ayon kay Lolit Solis

So what kung mu­ling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa.

Ito ang naging pahayag ni Lolit Solis sa bali-balitang relasyon umano ni Albert sa Kapuso actress na si Faith Da Silva.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanayang saloobin ukol sa 40yrs. age gap ng dalawa.

Ayon sa batikang kolumnista ay wala naman umanong masama dahil parehas umanong single sina Albert at Faith.

Matagal naman na umanong balo si Albert at nasa tamang edad na si Faith.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay,’ saad ni Lolit.

“At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Pagpapatuloy niya pa, “Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay”

“dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7.”

 

Consistent ang rumor kina Albert at anak ni Dennis Da Silva na si Faith

Magkasama ang dalawa sa lock-in taping para sa teleseryeng Las Hermanas.

Nauna na itong na-blind item sa Take It… Per Minute, Me Ganon weeks ago na ibinuking ni Lolit sa programa nila nina Cristy Fermins and Mr. Fu.

Uso na umano ngayon ang May-December affair kaya wala naman sigurong problema kung sila nga.

The post Dalagang kapuso aktres na si Faith Da Silva, inaming maganda ang relasyon sa beteranong aktor na si Albert Martinez! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments