Tapat na inamin ni Janella Salvador na hindi na sila nag-uusap ngayon ng dating kaibigan na si Julia Barretto.
Naging guest kamakailan si Janella sa vlog ng PBB twins na sina Joj at Jai Agpangan. Kung saan hinalungkat ng kambal ang pagkakaibigan noon nina Janella at Julia.
Kaugnay ito ng naging isyu noon ng dalawang aktres nang i-unfollow nina Janella at Joshua Garcia si Julia sa Instagram.
Hinuha noon ng netizens ay nag friendship over sina Julia at Janella dahil sa naging isyu noon ng aktres sa dating kasintahan.
Malapit kasi na magkaibigan noon sina Julia at Janella pero ng mahiwalay ang una kay Joshua ay hindi na sila nagpansinan.
Naging close din kasi si Janella kay Joshua ng maging magkatambal sila sa teleseryeng “The KiIIer Bride” noon.
“Kamusta kayo ni Julia Barretto?” tanong nina Joj at Jai. Tapat namang inamin ni Janella na hindi na sila nakakapag-usap ng dating kaibigan.
Saad ni Janella, “Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon ni Julia.” Pero aniya nang malaman daw noon ni Julia na buntis siya ay nag reach out daw ito sa kanya.
“There was an issue before, hindi ko na sasabihin kung ano, alam niyo na yun. Nag-reach out siya nung malaman niyang buntis ako. Pinadalhan niya ako ng balloons tapos nag-thank you ako.”
Bagamat not in good terms daw sila ngayon ay bukas naman daw si Janella sa muli nilang pag-uusap ni Julia. In the near future.
“Pero open naman ako sa future kung mag cross paths again. Pero right now hindi pa kami nag-uusap,” dagdag pa ng aktres.
Panoorin dito ang kabuuan ng interview nina Joj at Jai kay Janella:
Janella Salvador, naghayag ng saloobin ukol sa mga “nanghihinayang” dahil napaaga ang kanyang pagiging nanay
Naglabas na ng kanyang saloobin ang Kpamilya actress na si Janella Salvador ukol sa mga nanghihinayang sa kanya.
Kamakailan lang ay naging guest si Janella sa YouTube vlog ni Erich Gonzales.
Dito ay pinagusapan nila ang tungkol sa mga hindi kaaya-ayang komento tungkol kay Janella.
Habang kumakain ay nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa mga pangyayari kay Janella magmula maging nanay na ang aktres.
Ipinahayag dito ni Janella ang kanyang nararamdaman sa mga nagssabi ng hindi maganda o nanghihinayang sa biglaang pagkakaroon niya ng anak.
Aniya hindi naman umano nabawasan ang pagiging aktres at singer niya ng iluwal niya si Baby Jude.
Pahayag ni Janella, “Well, for sure, it’s obvious naman na when people in our line of work get pregnant, lalo na at my age, ang daming different opinions and, like, judgments.
“Ngayon, I’m sure mas open na din yung mga tao kasi ang dami ko din namang mga messages na congratulating me and ang dami ding mga positive messages.”
Ayon pa sa aktres ay naging nanay lang siya pero hindi nawala ang kakayahan niyang umarte at kumanta.
“Pero of course, hindi mawawala yung notion na parang, ‘ay sayang,’ parang ganun.
“Maraming ganun na parang, ‘sayang, sayang, sayang.’
“But honestly, I’m out to prove that nanganak lang naman ako, e, di ba?
“Like, I’m still Janella. I just gave birth, but I still can do what I can do.
“Yung mga nagagawa ko dati, nagagawa ko pa rin naman.”
Dagdag pa niya, “I can still act, I can still sing. All I have to do is lose more weight.
“Basically, I just want to prove not just to others but also to myself na kayang-kaya.
“Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams.”
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan:
The post Janella Salvador, tapat na inaming, hindi maayos ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Julia Barretto ngayon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments