Looking For Anything Specific?

Dating child star na si Lester Llansang, inalala ang magandang tulong na inabot ni Angel Locsin sa kanya

Ibinahagi ng former child wonder na si Lester Llansang ang kabutihang ginawa sa kanya ng aktres na si Angel Locsin.

Mas lalong hinangaan ng marami si Angel Locsin dahil sa ibinahagi ni Lester. Sa panayam ng aktor kay Ogie Diaz ibinahagi nito ang malaking tulong na ibingay sa kanya ng tinaguriang “Real-Life Darna.”

Naitanong kasi ni Ogie kung sino sa ma artista ang hinahangaan ni Lester hindi lang sa pag-arte kundi sa pagiging mabuting tao.

Sagot naman ni Lester ay si ‘GeLocs’ na siya pa lang tawag niya sa kaibigang si Angel Locsin.

Aniya, noong tumutugtog pa lamang siya noon sa mga bars and resto ay dumating ang kanyang supling. Ng mga panahon na iyon ay kapos talaga siya sa panggastos.

At to the rescue umano agad si Angel para tulungan siya.

Saad ni Lester, “Wala akong budget, as in ipit, nakaipit ‘yung budget. Si Angel ‘yung sumagot, yung buong hospital bill, yung buong bayarin.”

Sinabi din niya na naging ninang din si Angel ng kanyang anak.

Tanong namang muli ni Ogie na ng magkatrabaho na ba ang aktor ay siningil daw ba siya ni Angel sa mga nagastos nito.

Ngunit ayon kay Lester ay hindi daw ganun ang ugali ng aktres. “Hindi siya ganun, hindi ganun si Angel, nakakatuwa siya,” pagbabahagi pa ni Lester.

Kaya naman laking pasasalamat daw niya sa kaibigan sa kabutihan nito. Hindi lang sa kanya kundi sa pagiging bukas palad nito sa mga nangangailangan.

Umani ng papuri mula sa netizens ang aktres dahil sa pagtulong nito lalong-lalo na sa mga kaibigang dumaraan sa kagipitan.

Marami ang nagsabi na talagang maasahan si Angel sa oras na kailanganin ang kanyang tulong.

Panoorin dito ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Lester:

Neil Arce, galit na binuweltahan ang Philippine Information Agency undersecretary na nagsabing walang brain cells ang asawang si Angel Locsin

“Kung matapang ka talaga kita tayo!”

Hinamon ni Neil Arce and Philippine Information Agency Undersecretary na si Mon Cualoping.

Ito ay matapos na tawaging “No brain cells” ni Cualoping ang aktres na si Angel Locsin.

Nag ugat ito sa naging appreciation post ng aktres sa kanyang Instagram noong September 8, 2021.

Bahagi ng caption ni Angel, “This cr1sis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me.

But the world can never work without health workers. Again, thank you all that you do.”

Muling pinasalamatan at binigyang pugay ng aktres ang mga health workers na hanggang ngayon ay patuloy ang pakikipag laban sa pandemya.

Sa kabilang banda, tila minasama at niliteral ito ng Undersecretary ng Philippine Information Agency na si Mon Cualoping.

Tinawag niya kasing “No brain cells” ang multi awarded actress dahil sa naging appreciation post nito.

Sa kanyang official Facebook account, nagbahagi ng kanyang saloobin si Mon tungkol dito.

“Angel Locsin has no brain cells. Or a wrong appreciation of things,” bungad niya sa kanyang post.

Punto naman niya, paano daw mabubuhay ang mga tao kung wala ang mga nabanggit ni Angel. Nagbigay pa siya ng mga “examples” sa kanyang post.

Nakarating naman ito sa asawa ni Angel na si Neil Arce at hindi pinalagpas ang naging komento ni Mon.

Nirerespesto daw ni Neil ang kanyang opinyon pero hindi daw tama ang deretsahang komento nito sa kanyang asawa.

Hamon ni Neil, “You can message me here on Facebook kung matapang ka talaga kita tayo no w3apons no bodyguards lalake sa lalake…”

Sa ngayon, wala pa ulit sagot si Mon Cualoping.

The post Dating child star na si Lester Llansang, inalala ang magandang tulong na inabot ni Angel Locsin sa kanya appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments