Hindi kaila satin na ang ibang mga Pilipino ay ginagawa ang isang paraan para tayo makaahon sa hirap ay makapangasawa ng mga banyaga o Foreigners.
Dahil alam naman natin na kapag sinabing Foreigners ay mayaman o may kaya sa buhay at ang iba naman ay praktikal din kaya nag-aasawa ng dayuhan at ang iba naman ay tunay na pagmamahal.
Ang Pilipinas ay nabibilang sa third world country, Kaya naman dito ay hindi kailangan ng marami kang pera kaya naman ang mga Foreigners ay karamihan ay naghahanap dito ng mapapangasawa bukod sa masipag na ay maaalalahanin pa nga mga Pilipino.
Marami naman na Foreigner ang nakahanap na tunay nilang mamahalin dito sa atin sa Pinas, Pero mayroon din naman na hindi pinalad tulad na lamang ng isang dayuhan dito sa ating kwento.
Kamakailan lang ay nag viral ang isang post sa social media account at kumuha ng atensyon ng marami ang post ng netizen na si Bilogzkie A. Borromeo kasama ang isang naglilimos na Foreigner.
Ayon sa post ni Borromeo, napansin niya ang isang Foreigner na ito sa labas ng kanyang pinapasukan na trabaho na tila gutom na gutom, kaya naman agad niya itong binigyan ng pagkain.
Kwento nito na ang Foreigner ay isang Amerikano at nagngangalang Micheal, saad ni Micheal na siya ay maraming kaibigan na Pilipino at umano ay iniwan siya at sinåktan pa ng kanyang mga tinulungan dati.
Marami ang netizens na nalungkot sa nangyari sa Foreigner. May isang netizen din na humiling kay Borromeo na sana ay kumpletuhin ang detalye ng Foreigner katulad na kung saan ito makikita.
Mayroon din netizen na nagcocomment sa post ni Borromeo tungkol sa nawawalang Foreigner na kamag-anak niya na ang pangalan din yan Micheal.
0 Comments