Looking For Anything Specific?

Delivery Rider, Nakatanggap Ng P100k Nang Mapag-alaman Na Binibilhan Ng Pagkain Ang Mga Homeless Mula Sa Kaniyang Sariling Pera

Bawat isa sa atin ay mayroong problema at pagsubok na kinakaharap. Ngunit, nakakatuwa at nakakamangha lamang isipin na sa kabila ng mga pagsubok ay may ilan pa din sa ating mga kababayan na nagbibigay ng tulong sa mga kapwa nila nangangailangan.

Katulad na lamang nang nag-viral na delivery rider na nag tatrabaho sa Pizza Hut. Ayon sa isang post, madalas umanong binibilhan ng delivery rider ng mga pagkain ang mga walang matirhan o di kaya ay ang mga nakatira lamang sa tabing daan gamit ang tips na kaniyang nalilikom sa pagde-deliver.

Nakatanggap naman ng papuri at paghanga mula sa online community ang kabutihan na ginawa na ito ng delivery rider na nakilala sa pangalan na Raymond Papellero.

 

Sa post ng bakery owner na siyang nakasaksi sa mga pangyayari, sarili umanong pera ng delivery rider ang ipinambibili nito ng mga tinapay para sa mga kapwa na walang tirahan at sa mga nagugutom. Iniipon umano nito ang mga tips na kaniyang nakukuha sa kaniyang mga customers para ito ang gamitin ng pambili ng pagkain para sa mga kapwang nangangailangan.

Matapos mag-viral ang nasabing post, nakatanggap naman ng gantimpala si Raymond mula sa Pizza Hut kung saan siya ay nabigyan ng halagang P10,000. Bukod pa diyan, nakatanggap din siya ng gantimpala sa Araneta Group of Companies kung saan binigyan siya ulit ng P100,000 dahil sa kaniyang kabutihang loob sa kaniyang kapwa.

Paliwanag ni chief operating officer of Philippine Pizza, Inc. Chacha Junio,

“Mr. Papellero’s generosity is very much in line with the Araneta Group’s commitment to give back to the community, and this cash award is a sincere appreciation of his benevolence.”

Kahit pa man malayo na ang narating ng istoryang ito, patuloy pa din naman si Kuya Raymond sa pagbibigay ng tulong sa kapwa hanggang sa abot ng kaniyang makakaya.

Aniya,

“I hope what I’m doing will inspire other people to also share their blessings with the poor, especially during these difficult times. For as long as I’m able to, I will keep on doing this every day.”

Matanda, Naiis Makita Ang Kaniyang Mga Anak Matapos Datnan Ang Mga Ito Na Wala Na Sa Kanilang Tahanan

Ibinahagi ng netizen na si Evangeline Rence sa kaniyang Facebook account ang kwento ng isang matandang si Cenon Ribon na nais makita ang kaniyang dalawang anak na matagal na niyang hindi nakikita.

Ayon kay Evangeline, nakasalubong niya si Tatay Cenon habang siya ay naglalakad at nakausap din niya ito tungkol sa kaniyang tanging hiling.

Nais umano ni Tatay Cenon na makita ang kaniyang mga anak na sina Cristopher Ribon at Annaliza Ribon dahil iniwan umano niya ito sa kanilang bahay noong maliliit pa ang mga ito at pagbalik niya ay wala na ang mga ito.

Saad ni Evangeline,

“Ito po si a uncle Cenon  Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan  at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita  sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay.”

Matapos marinig ang hinaning ng matanda, kaagad na inalok ni Evangeline si Tatay Cenon na kuhanan ito ng larawan upang maibahagi sa social media. Laking gulat naman ni Evangeline nang inalis kaagad nito ang sombrero at tumayo ng maayos para daw sa ganitong paraan ay makilala siya ng kaniyang mga anak.

 

Ani Evangeline,

“naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya”

Narito ang kabuuang post ni Evangeline:

“Ito po si a uncle Cenon  Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan  at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita  sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay nila sa Mindoro tinanong ko sya Kong gusto ba nyang picturan ko sya at ipost para Kong may makakilala sakanya sa Mindoro ay IPAAlam agad sa mga anak nito, naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya, tinanong ko sya Kong gusto mo bang picturan ko ang bahay mo at ipost ko din sabi Oo neng daanan mo doon  ,kaya mamaya ang bahay naman nya ang ipost ko ,Kong sino man ang maka kita at makabasa nito  paki share nalang po sanay nakarating ito sa 2 nyang anak .

“Salamat po ulit sa may konsederasyo Dios napo ang bahala sa inyong ruling sa pag share.”

Sa magkaibang post naman, ibinahagi ni Evangeline ang iba pang mga detalye upang mas mapadali ang pagtulong kay Tatay Cenon na mahanap ang kaniyang mga anak na matagal na niyang hindi nakikita.

Ayon kay Evangeline,

“Sa Kalapan City Nacoco Oriental Mindoro.  ang dating asawa nya ay si Benita Dela Cruz ang anak nya ay si Critopher Ribon na ipinanganak ng Feb 17 1982 at ang balita nya raw kay Annaliza Ribon ay nag asawa na at nakatira sa Tibag papuntang Wawa. Dito po ito sa Lumbang West Cajidiocan Romblon sa pag post ko pong ito sana po ay walang mag isip ng masama dahil wala po akong ibig sabihin gusto kolang pong makatulong sa maganda. Kahit ganito ang bahay nya ay Hindi naman ito binabayaan ng kapatid nya lalo na ang kapatid nya sa bukid nakatira lagi naman ito binibiyan ng panganga ilangan nya.

“Ang hangad nya lang talaga ay makita   at makilala sya ng kanyang mga anak sa idad nyang ito .

“Yon lang po at maraming salamat po ulit God Bless po sa inyo”

The post Delivery Rider, Nakatanggap Ng P100k Nang Mapag-alaman Na Binibilhan Ng Pagkain Ang Mga Homeless Mula Sa Kaniyang Sariling Pera appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments