Ang talento ng bawat isa ay kaakibat ng lakas, mental, at iba pa. Isa sa mga gantimpala sa atin ay ang katalinuhan subalit hindi natin nabibigyan ng kagalakan at hindi nagagamit ngunit ang iba namang pawis ng karunungan na kung saan ay nakakamit nila ang tagumpay at walang inaagrabyado ay isang mapalad, ika nga hindi lang sikap at sipag ang puhunan bagkus gayundin ang karunungan.
Syempre pa kung may tiyaga meron ding diskarte sa buhay ang mga Pilipino at hindi nagpapaapekto sa hirap ng buhay bagkus ay gumagawa ng paraan ito. Kaya naman ang estudyanteng nagmula sa Tacluban, Leyte na isang Yolanda Survivor.
Lahat ng ating mga pinagdaan noon hanggang ngayon ay ito ang magiging lakas natin upang magpatuloy at huwag sumuko sa buhay. At makakamit natin ang tunay na tagumpay. Sa taong 2013, magunita natin ang lakas ng delubyo bagyong Yolanda ang probinsya ng Leyte. Kabilang narito ang apektado ng bagyong ito sa pamilya ng Grade 12 student na si Hillary Diane Andales.
Ito’y saad niya, ” We had to run up to our double-deck kasi we didin’t have a second floor,” pagpapatuloy pa nito, ” My dad punch the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided,”
Sa kaniyang napagdaanan ay lubos siyang nagpapasalamat sapagkat ginabayan sila ng kaniyang pamilya laban sa bagyo sa kanilang probinsya.
Hindi lang ang hilig nito sa science kundi ay mas lalo siyang namulat upang lababan ang lahat ng pagsubok at huwag sumuko sa buhay lalo niyang pinag-igihan sa nalaking kompetisyon upang manalo sa paligsahan ng 11,000 participants sa lahat ng dako ng mundo.
Ang lumahok sa International Science Competition na Breakthrough Junior Challenge ay kabilang ang 178 countries, na ginawadan ng grand prize winner ang pride ng Leyte na si Hillary.
Isang Amang Nagsasaka at Namamasada Ng Tricycle, Naitaguyod ang Pagtatapos ng Kaniyang Dalawang Anak na Isang Dentista at Pharmacologist
Ang isang magulang ay ginagawa ang lahat para sa kaniyang anak lalo pa’t kung ito ay para sa kinabukasan. Lahat ng pagsasakripisyo ay kanilang ibinibigay upang matulungan ang mga anak na maabot nila ang kanilang mga pangarap. Kagaya ng isang amang ito na ang tanging hanapbuhay lamang ay ang pagsasaka at pamamasada.
Kaya naman masaya itong ibinahagi ni Marga Santiago Suobiron sa kaniyang social media. Dito ay labis siyang humanga sa naging kasipagan at pagsisikap ng kaniyang ama upang mapagtapos silang dalawa ng kaniyang kapatid sa simula elementarya hanggang kolehiyo. Tanging pagsasaka at pamamasada lamang ang hanapbuhay ng kaniyang ama ngunit napag-aral sila nito sa kolehiyo na may magandang kurso.
Sa post ni Marga, maraming mga netizens ang humanga sa katatagan, pagsisikap at sakripisyo ng kaniyang mga magulang lalo na ng kaniyang ama. Kahit pa na maliit lang kinikita nito bilang isang tricycle driver ay nagagawa pa din nitong masuportahan ang mga pangangailangan nilang magkapatid sa kanilang pag-aaral. Nakapagtapos rin naman ng pag-aaral ang kaniyang ama sa kolehiyo ngunit mas pinili nitong maging magsasaka at tricycle driver dahil gusto ng kanilang ama na nasusubaybayan silang lumalaki at nagkakaisip.
Ayon kay Marga sa kaniyang post na may caption na, “Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mamamasada sya. Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya.”
Dahil din sa naging pag-iipon ng kaniyang ama ng Php5 coins sa ibabaw ng kanilang drawer dito kinukuha ng kanilang ama ang mga bayarin nila sa school. Nasusuportahan ng kaniyang ama ang bawat pangangailangan nila sa pera katulad na lang kapag humihingi siya ng 500, 1k, 5k, hanggang isang beses ay humingi siya ng 20k pambili ng mga materials niya sa school. Sabi pa ni Marga, hindi daw umaangal ang kaniyang papa sa tuwing malaki ang kinakailangan nilang pera minsan na gastusin sa school. Hanggang sa naka-graduate sila ng kaniyang kapatid sa kursong Dentistry at Pharmacology sa kolehiyo ay namamasada pa rin ang kanilang ama.
Hindi pa rin daw tumitigil sa pamamasada ang kaniyang ama kahit na sila ay mga professionals na. Kaya ganoon na lang ang labis na paghanga niya sa kaniyang ama na simula elementarya sila hanggang ngayon na siya ay isa ng dentista at pharmacist naman ang kaniyang kapatid. At kahit kelan daw ay hindi niya ikinahihiya ang trabaho ng kaniyang ama dahil isa itong marangal na hanapbuhay na malaki ang naitulong sa kanila upang maabot nila ng kaniyang kapatid ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Sabi pa ni Marga,
“Simula nung grade 1 kami hanggang sa tunay na dentista na ako, yung tricycle nayun yung nag hahatid sundo saamin. Nang dahil sa TRICYCLE DRIVER kong tatay nakagraduate ako ng, elementary, highschool, college at naging dentista. Naka graduate ang kapatid ko ng Pharmacy dahil sa tatay kong “TRICYCLE DRIVER LANG” I am not giving all the credits to my father sa panggastos samin sa pag aaral.”
“Nandyan ang mama ko, tita ko, pinsan ko na tumulong dn samin. Pero alam ko yung hirap ng tatay ko kakapamasada. Mainit, maulan, may bagyo o wala, alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.”
Isa itong patunay kung gaano nagsasakripisyo ang magulang upang mabigyan lang magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak at matuturing na real life superhero ang ama ni Marga.
The post Estudyante Sa Leyte Nanalo Ng P20M Sa International Science Competition, Tinalo ang 10,999 Kalahok Sa Buong Mundo appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments