Living life to the fullest ang peg ng Kapuso actress na si LJ Reyes habang namamalagi sa New York City.
Dalawang linggo na nga ang nakakalipas ay namataan si LJ na umattend sa New York Fashion Week. Kung saan nagkaroon siya ng chance na makita ang international model na si Gigi Hadid.
Slaying naman ang get up ni LJ ng umawra din siya ng mga posing sa nasabing event. Suot ang all black na outfit na tinernuhan pa ng ebony pumps at edgy pleather pants.
Ngunit tila umpisa lamang ito ng mga bonggang style na OOTD ni LJ. Na looking fresh kahit fresh from break up with Paolo Contis.

Noong Martes nga lamang September 21, ay muling ipinamalas ni LJ ang simple ngunit elegante niyang kasuotan. Habang nagliliwaliw sa Manhattan.

Makikita na bagong gupit pa ang aktres na biniro pa nga ng ilan na, “nasaktan, nagpaganda, nagpa-bangs” daw itong si LJ.

Pero hindi lamang ang kanyang new hairdo na bagay na bagay sa kanya ang napansin ng mga netizens.

Kundi pati na rin ang napaka eleganteng kasuootan niya. Ang pastel old rose color terno trousers OOTD ng aktres ay kitang kitang napaka kumportableng kasuotan.

Pinarisan pa niya ito ng Chanel Slingbacks, at Chloé Mini Drew shoulder bag.

Upon searching the net, napag-alaman na nagkakahalaga pala ng mahigit isang daang libong piso ang OOTD niyang ito.
Ang Chloé Mini Drew ay nagakahalaga ng $1481 or P74,176. Ang Chanel Slingbacks naman ay may presyong $925 or P46,329.
Sa makatuwin sa bag at sapatos pa lang na suot ng aktres ay umaabot na sa P120,505 ang halaga.
Napaka bongga di ba?
Paolo Contis, sinabing wala raw siyang pamasahe patungong New York upang masuyo ang ex live-in partner na si LJ Reyes!

Muli na namang binulabog ni Lolit Solis at Cristy Fermin ang social media sa isang na namang episode ng kanilang YouTube show na ‘Take It Per Minute’ noon lamang September 21. Ito ay ng kanilang maging usap-usapan na naman ang kontrabersyal na aktor na si Paolo Contis.

Pinag-uusapan nila ang tungkol kay Paolo, na nagbi-bible study na raw umano ito habang nagte-taping at sinabi naman ni Mr. Fu na gusto umano ni Paolo na magkaayos sila ni LJ.
Saad ni Mr. Fu, “Pero gusto na raw niyang makipag-ayos kay LJ.”
Agad din namang sinabi ni Cristy na hindi iyon ang naging kaso sa ngayon. Ika naman ni Cristy Fermin, “Hindi naman ganun.” Paliwanag pa ni Cristy, “Ibig lang sabihin, kahit naman sinong tao kapag malalim ang problema, gusto nating maayos.”
Dagdag pa niya, “Pero hindi yung sasadyain niya sa New York si LJ.”

Source:IG/paolo_contis
Nagreact at sinabi pa ni Manay Lolit na wala umanong pamasahe si Paolo patungong New York kaya hindi niya umano nagawang sundan doon ang kanyang mag-ina.
Pahayag pa ni Manay Lolit, “Naku, wala siyang pamasahe noh.”
“Tumigil siya”, dagdag pa niya.
Ayon pa kay Cristy, kaya raw gusto pumunta ni Paolo sa New York ay upang makita ang anak nitong si Summer.
Aniya pa, “Para makita niya rin si Summer.”

Source:IG/paolo_contis
Sabi naman ni Manay Lolit na kung walang perang pamasahe si Paolo mangutang na lamang daw ito kung talagang gugustuhin na magkaayos sila ni LJ.
Ika ni Manay Lolit, “Mangungutang siya.”
Pabiro pang tinanong ni Cristy kay Manay Lolit na wala ba daw umanong pera ang kanyang mga talent artist.
“Teka, ba’t yung mga alaga mo, walang pera?”, giit naman nito.

Matapos ang kontrabersyal na hiwalayang Paolo at LJ, naninirahan ngayon ang aktres kasama ang kanyang mga anak sa New York kasama ang kanyang pamilya upang doon makapag-simula silang mag-ina ng panibagong buhay.
Panoorin ang kabuuang video ng talakayan nila Manay Lolit at Cristy Fermin na nasa ibaba:
The post Halaga ng outfit ni LJ Reyes na one-color OOTD, nagkakahalaga ng mahigit P100k appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments