Nag-alok agad ng tulong ang dating aktres at ngayon ay negosyante na si Neri Naig Miranda. Para sa bagong kasal na naloko ng kanilang wedding coordinator.
Sa Facebook, isang wedding photographer na nangangalang Tonskie Elsisura ang nag-post ng video ng isang bride na umiiyak sa labas ng venue kung saan dapat gaganapin ang kanyang wedding reception.
Ayon sa photographer, ikinagulat na lang ng magkasintahan, pati na ng kanilang mga guests, nang sabihin ng management ng lugar na wala umanong event na naka-book para sa araw na iyon.

Sa naging panayam ng Cebu’s 93.0 FM teleradyo, isinalaysay ng mag-asawa na nakapag-down payment na sila ng ₱5,000 noong Hunyo, ₱15,000 at ₱30,000 noong Setyembre, at ₱65,000 para sa huling instalment. May mga resibo naman daw na ipinakita sa kanila ang event coordinator kaya hindi sila nagduda rito.

Agad naman nagviral ang kwentong ito nina Arniel at Cherry Pie. Marami ang naawa at nakisimpatya sa dapat sana’y masayang araw para sa kanila.

Kaya naman to the rescue ang mag-asawang Chito at Neri Miranda para pasayahin ang bagong kasal.


Sa kanyang Social media post ay nag-alok ng kanyang tulong si Neri para kina Arniel at Cherry Pie.

“Just saw this sa Facebook. Bilang naging bride din ako, ang pinaka-ayaw natin ay ma-stress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, ‘di tayo dapat binibigyan ng stress,” aniya.
Matapos nito ay nag-alok ang aktres ng tulong para sa nasabing bride at ang kanyang asawa. Sa kanyang post, sinabi ni Neri na siya at ang kanyang business partner na si Jonah Bautista na ang bahala sa wedding reception ng magkasintahan, mula sa venue hanggang sa wedding cake, pati na sa emcee.
May pabaon din umano siyang accessories, beddings, at sleepwear para sa bride bilang regalo.
Chito Miranda At Neri Naig, Inaming Kanya-Kanya Daw Sila Pagdating Sa Pera

Sina Chito Miranda at ang kanyang asawa na si Neri Naig ang ilan sa mga tinututukang couple sa youtube ngayon dahil sa kanilang mga content na talagang educational nga para sa kanilang kapwa may asawa.
The post Mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig, nag-offer ng libreng kasal sa mag-asawang naloko ng kanilang wedding coordinator appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments