Looking For Anything Specific?

Isang Balut Vendor, isa na ngayong ganap na Engineer dahil sa kanyang pagsusumikap at pagpupursigi na hinangaan ng madla!

Hinahangaan ng marami ngayon ang isang Lalaki mula sa Lallo, Cagayan. Siya ay nakilalang si Benny Tomas dahil sa kanyang ipinamalas na kasipagan at pagpupursigi sa buhay ay nakamit niya ang minimithing pangarap.

Dahil sa pagiging likas na masipag at matiyaga para umangat sa buhay ay matagumpay na nagtapos ang isang Balut vendor na si Benny bilang isang Engineer ito ay matapos niyang makapasa sa 2021 Sanitary License Examination.

Ayon sa panayam kay Benny, Ang lahat daw ng tagumpay niyang ito ay matagal na daw niyang pinapangarap na propesyon lahat raw ng ito ay kanyang inaalay sa minamahal niyang tatay at nanay parehas daw tanging pinagkakakitaan lamang ay pagsasaka.

Sinabi ni Benny na tanging pagsasaka lamang daw ang ikinabubuhay ng kanyang mga magulang subalit natigil din raw sa pagsasaka ang kanyang Nanay ng ito ay makaramdam ng panghihina.

Si Benny ay panglima sa siyam na magkakapatid at siya lamang ang bukod tanging nakapagtapos ng pag-aaral.

Ibinahagi rin niya ang kanyang kwento na para daw matustusan lamang ang kanyang pag-aaral at para makatulong narin sa pamilya ay nagsusumikap siyang magtinda ng Balut.

Aniya, Sa tuwing breaktime daw nila sa school ay bumibili siya ng mga hilaw na balut at pag-uwi nito ay tsaka lulutuin upang ibenta sa gabi.

Ayon kay Benny:

“‘Yong time management ko sa pagbebenta ng balut ay kapag sa tanghali po ay may break kami sa school ay pumupunta ako at bumibili ng balut na hindi pa luto tapos ilalagay ko sa boarding house ko. After ng klase, lilinisan ko ‘yong balut at iluluto tapos magtitinda na ako ng alas-6 hanggang alas-8 (ng gabi).”

“Kapag may mga homework po ako ay ginagawa ko pagkatapos ng pagtitinda ko or kapag may madami kaming break sa daytime, doon ko po ginagawa ang homework ko.”

Labis-labis ang pasasalamat ni Benny a Diyos dahil hindi siya nito pinabayaan at hindi binigo sa kanyang pinagdaanang pagsubok.

“Worth it po ‘yung hirap at tiyaga na ginawa ko po. Buti na lang hindi ako sumuko,”

“Masaya at fulfilling po kasi nakapagtapos na ako ng kolehiyo at licensed Engineer na po ako. Thankful ako sa Diyos sa ginawa niya sa akin.”

“Magsipag at magtiyaga dahil bibigyan ka ng provision ni Lord kung anong diskarte ang nababagay para sa’yo para makapagaral. Magtiwala ka lang sa kanya,”

Post a Comment

0 Comments