Siya si Dino, Isang binatang masipag at matiyagang nagsisikap para umunlad. Madaling araw pa lamang ay gising na agad si Dino para pumasok sa kanyang trabaho, isa siyang kargador sa isang palengke na malapit sa kanila.
Maagang naulila si Dino bata palang daw siya ay wala ay wala na siyang magulang kaya natuto agad siyang kumayod para sa sarili.
Maging ang mga kamag-anak raw niya ay tinalikuran siya, hindi siya tinulungan dahil mga matapobre daw ang mga ito.
Samantala nagdodoble sikap si Dino pagkatapos ng kanyang trabaho ay agad siyang nag bibihis ng kanyang uniporme upang pumasok sa eskwelahan. Isang taon na lang din ang kailangan niya para maka-graduate sa highschool.
Ganyan ang senaryo ni Dino araw-araw, kargador sa madaling araw at estudyante naman sa umaga hanggang sa hapon. Sa kanyang papasok sa eskwelahan nakasabayan pa niya ang nagngangalang Carla, ang babaeng matagal na niyang hinahangaan kasama palagi ang kaibigan nitong si Rizza.
“Hi Carla,” masiglang bati ni Dino dito.
Napansin niya ang bahagyang pagkailang sa mga mata ng dalaga nang makita siya. Simpleng ‘hi’ lamang ang naging tugon nito.
“Pwede ba kitang ayain na makasayaw sa senior’s prom?” Tanong niya dito.
“Eww. Don’t tell me Carla na papayag kang maisayaw ng kargador na iyan,” nakataas ang kilay na sabi ni Rizza. Bulong lamang iyon ngunit hindi iyon nakaligtas sa kaniyang matalas na pandinig.
“Sorry pero hindi pwede, eh,” sabi ni Carla saka hinila si Rizza saka dumiretso ng lakad.
Photo illustration only
“Ha, sa tingin mo ba uubra yang pag porma mo kay Carla?” Sagot habang natatawa ng isang lalaki sa Likuran na nagngangalang si Roy na Pinsan ni Dino.
Simula ng pagkabata ay palagi na raw binubully si Dino ni Roy dahil mabaho daw ito at nagtatrabaho bilang kargador.
“Doon ka sa palengke maghanap ng liligawan baka sakaling may sasagot sa hamak na kargador na kagaya mo,” sabi ni Dino habang nagtatawanan kasama ang ibang mga kaibigan nito.
Nang hapon na iyon nagtungo naman si Dino sa isang Mall sa kanilang bayan, Gamit ang kanyang natitirang pera ay bumili siya ng damit na kanyang gagamitin sa kanilang senior’s prom sa gabing iyon.
Habang siya ay nasa mall napansin niya ang kanyang pinsan na si Roy kasama ang mga kabarkada nito. Upang makaiwas ay nagtago na lamang siya para hindi siya maabutan nito at pagkatapos ay dumaan sa isang flower shop upang bumili ng simpleng bulaklak bago umuwi.
Photo illustration only
Nang gabing iyon, nagtungo na si Dino sa kanilang party pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang malilikod na ilaw at nakabibinging tugtugan.
Agad niyang hinanap si Carla at ng kanyang makita ito nilapitan niya agad ito at inabot ang bulaklak habang nanginginig ang mga kamay.
“Pwede ba akong manligaw?” Lakas loob na tanong niya sa dalaga.
Bumuhos naman ang pangangantyaw kay Dino na nanggagaling sa katabing lamesa kung saan naroroon ang pinsan nitong si Roy at mga kaibigan at maging si Rizza.
“Don’t tell me na papayag kang magpaligaw sa lalaking ‘yan, Carla?” pangungutyang sabi ni Rizza saka lumapit sa kanila.
“Of course not,” sagot naman ni Carla na ikinabigla ni Dino, Tumayo si Carla sa kanyang kinauupuan at saka ibinagsak at itinapon sa basurahan ang bulaklak na bigay ni Dino.
“Ano bang akala mo? Na papatol ako sa kagaya mo? Hindi ako pinag-aral at ginastusan ng magulang ko para lang makapag-nobyo sa isang hamak na kargador na kagaya mo. Masyado kang ilusyunado.” Sigaw ni Carla kay Dino habang galit ang mukha.
Kitang-kita naman ni Dino ang mga ngiti at tawanan nila Roy at ng mga kaibigan nito habang nagsasayaw.
Si Dino ay naiwan sa gitna na hiyang-hiya sa nangyari. Ramdam niya rin na ang buong tao sa party na yon ay pinagtatawanan siya dahil sa nangyaring pangba-basted ni Carla sa kanya.
Umuwi na lamang si Dino habang umiiyak ayon pa sa kanya sanay naman siyang kutyain at hamakin subalit napasakit raw pala ng pakiramdam na ma-basted at ipahiya ng taong minamahal mo.
Samantala, Ang nangyari sa gabing iyon ay nagbigay ng lakas at determinasyon kay Dino upang magpursige lalo at ayusin ang kanyang buhay. Matapos ang graduation ay agad niyang nilisan ang bayan na iyon.
Makalipas ang ilan taon…..
Photo illustration only
“Uy, Carla. Bukas na ang alumni natin. Wag kang mawawala dun, ha?” sambit ni Rizza sa kaibigan. si Riza ay isang encoder sa isang kumpanya at kasama niya dito ang kaibigan na si Carla.
“Balita ko ngayong alumni na ito ay kumpleto tayong magkakaklase. Aattend daw si Dino, remember yung kargador na nanligaw sayo?” dagdag pa ni Rizza.
Labing-dalawang taon (12) na rin ang nakakalipas simula ng umalis si Dino magkatapos ng graduation at simula noon ay hindi na siya muling nakita nila Rizza at Carla.
“Just wondering kung ano kaya ang buhay noon ngayon? Pero I’m sure na hindi iyon nakatapos ng pag-aaral. Wala pa akong nakikilalang kargador na nakatapos ng kolehiyo. Once a kargador, always a kargador,” sabi pa Rizza kay Carla na halata ang pangungutya sa tinig.
Subalit hindi na inisip at pinakinggan ni Carla ang sinasabi ng kaibigan at wala na rin sa trabaho ang nasa isip niya kung hindi ang lalaking ipinahiya niya at binasted noon.
Dahil simula raw ng gabing pinahiya niya ito ay hindi na ito lumapit sa kanya. Gusto man daw lapitan ni Carla si Dino ay gumagawa ito ng paraan para makaiwas hindi naman daw gusto ipahiya at bastedin ni Carla si Dino nadala lang daw ito ng pangangantyaw sa kanyang ng mga kaibigan kaya niya iyon nasabi.
Hindi rin daw siya nagkaroon ng nobyo mula noon dahil alam niya sa kanyang sarili kung sino raw talaga ang lalaking kanyang iniibig.
Nang sumapit ang araw ng kanilang reunion o alumni, magkakasama ang lahat. Kanya-kanyang grupo at pwesto ang mga magkakaklase. Puro tawanan kwentuhan ang kanilang ginagawa. Agad naman hinanap ni Carla ang taong matagal na niyang hindi na kikita.
“Ayan na pala si Dino,” sabi ng isa sa dating kaklase niya.
Nagsilungunan ang lahat maging si Carla, Matindi ang kaba na nararamdaman ni Carla. Nakita niya si Dino sa may gate at naglalakad papalapit sa kanila.
Noon ay gwapo na si Dino subalit mas lalong gumwapo ito ngayon dagdag pa riyan ang pagkakaroon ng makisig na pangangatawan.
Ang lahat ay kinamusta nito. Pero si Carla ay hindi makaalis sa pwesto at hanggang tingin na lamang. Tinignan ni Dino si Carla at tumango pagkatapos ay bumalik ang atensyon sa mga kausap na lalaki.
“Ano ng trabaho mo ngayon? Kargador pa din ba?” Nakataas kilay na tanong ni Rizza kay Dino. Nginitian lang ni Dino si Rizza.
“Engineer na itong si Dino,” pagmamalaking sabi ng teacher nila.
“Siya nga pala ang Engineer ng kapatid kong Seaman. Napakaraming magagandang bahay na ang nagawa nitong si Dino,” nakangiting sabi pa ng teacher nila.
Samantala laking gulat naman ni Roy at tanong sa marami, “Paanong nangyari ‘yun? Eh, kargador ka lang naman dati tapos ngayon Engineer ka na?”
Photo illustration only
“Hindi porket kargador ako dati ay mananatili na ako sa ganoong estado. Naging inspirasyon ko ang pangungutya ng ibang tao sa akin para makatapos ako ng pag-aaral at maging isang successful na tao.” Sagot ni Dino na nakatingin kay Carla.
Hiyang-hiya naman si Roy at Rizza sa sinabi ni Dino. Marahil napag-isip isip nila na sila ang taong nangungutya dito at nang-mamaliit ganon din si Carla, ramdam niya ang mga poot sa mga mata ni Dino habang sa kanyya ay nakatitig. Wala ng nagawa si Carla kundi yumuko at tumahimik palayo.
Samantala, Ipinaabot ng ating kwento ang isang aral na huwag mang-maliit at mangutya ng iyong kapwa. Hindi basehan ang estado ng buhay upang manghamak ng tao. Huwag din gawing basehan ang estado ng buhay ng tao pagdating sa magmamahal.
Matuto tayong maging mapagkumbaba at panatilihin nakatapak ang paa sa mga lupa. Palagi rin tandaan na ang buhay ay parang gulong na kung minsan ay nasa taas subalit hindi pang habambuhay dahil kung minsan ito ay nasa ibaba.
0 Comments