Looking For Anything Specific?

Isang Simpleng Bahay Kubo sa Probinsya ng Davao Del Sur nagkakahalaga ng halos 1.7 Million Pesos!

Marahil pag sinabing bahay kubo maiisip mo agad ay probinsya, Dahil madalas natin makikita ng isang bahay kubo sa Probinsya kung saan ang pamumuhay ay simple at tahimik.

Ang kagandahan pa dito bukod sa hindi na kamahalan ang materyales sa paggawa ng bahay kubo dahil ito ay gawa sa kawayan masarap pa ito sa pakiramdam dahil tagos ang hangin na nagbibigay ng kaginhawaan sa ating katawan.

Ngunit sino nga ba ang mag-aakala na ang isang Bahay Kubo ay aabot ang halaga sa halos P1.7 million pesos. Yan ang kakaibang bahay kubo na tampok sa ating kwento.

Sadyang kakaiba ang isang bahay kubo sa Davao Del Sur, Kung saan masasabing ito ay kakaiba talaga dahil sa halaga palang nito na umabot na ng milyon.

Ayon sa ulat ng Choose Philippines, Ang nasabing bahay kubo ay matatagpuan sa Barangay New Sibonga, Kiblawan, Davao del Sur.

Kung saan ang naturang bahay kubo ay pagmamay-ari ng mag-asawa na sina Marcelo at Amslia Alqueza.

Malaki rin ang naging parte ng naturang bahay kubo sa pagtaas ng turista sa Davao del Sur dahil maraming turista ang nagpupunta dito para magpakuha ng litrato.

Nais rin masilayan ng mga turista ang buong bahay kubo dahil nagtataka ang iba na umabot ng milyon ang halaga sa pagpapagawa nito.

Ang sinasabing bahay kubo ay yari sa kawayan mulansa dingding, cabinet, upuan, higaan at iba pang mga gamit dito.

Ang mga pintuan naman ay gawa sa rattan at sa bubong naman nito ay gawa mula naman sa Cogon grass.

Ayon naman sa mga gumawa nito, Ang naturang Bahay Kubo ay kayang-kaya tumagal ng Limampung (50) taon.

Sinasabing ang bahay kubo na ito ay gawa ng isang miyembro ng T’boli na nanggaling sa Lake Sebu, South Cotabato kung saan sikat at kilala sa paggawa ng mga dekalidad na Kubo.

Dagdag naman ng mag-asawang Alqueza ang Bahay Kubo na kanilang naipundar ay kanilang pangarap, Mas ito ang gusto nila dahil mahangin , maaliwalas at bukod sa lahat ay eco friendly pa dahil sa mga ginamit ditong materyales.

Post a Comment

0 Comments