Naaalala niyo pa ba si Marianne Dela Riva? Ang isa sa pinakamaganda at kilalang aktres sa showbiz industriy noong 70s at 80s. Ito na ang kaniyang buhay ngayon matapos iwan ang showbiz limelight.
Nagsimula ang showbiz career ni Marianne Dela Riva nang siya ay ma-diskubre ng kilalang fashion designer. Nang siya ay makita ng marami sa ilang mga fashion wall, marami ang kumuha sa kaniya bilang endorser at model ng kanilang mga produkto. Ang kaniyang karera naman bilang model ang siyang naging daan upang siya ay makapasok sa larangan ng showbiz.
Taong 1973, siya ay naging leading lady ng aktor na si Victor Laurel sa pelikula na “Love Song”. Noong mga panahon na iyon ay kasama ang pangalan ni Marianne sa “Manila One of the Prettiest” dahil sa kaniyang taglay na kagandahan. Noong 1974 naman ay kinuha siya sa pelikula na “Imprison Cavite Boy” at gumanap bilang leading lady ni Ramon Revilla Sr. Sa sumunod na taon ay naging kapareha naman niya si Movie King FPJ sa pelikula na ‘Ang Leon at ang Daga”.
Muli siyang kinuha ni FPJ bilang kaniyang leading lady sa palabas na “Tutubing Kalabaw Tutubing Karayom” noong 1977. Maliban kay FPJ at Ramon Revilla Sr., siya ay isa din sa mga in-demand leading lady noong 70s at 80s ng ilang mga action stars. Kagaya nina Lito Lapid sa pelikula na “Zigomar” (1984), Rey Malonzo sa “Komander 45” (1987), Rudy Fernandez sa “Anak ng Tondo” (1985), Philip Salvador sa “Delima Gang” (1989), Eddie Garcia sa “Mayor Latigo” (1981), Dante Barona sa “Caring Estrabet”, at marami pang iba.
Bukod sa pagiging leading lady, si Marianne ay isa din sa mga maituturing na favorite cover girl ng mga comis at magazines at kahit ang ilang mga kilalang fashion magazines noon.
Taong 1977 nang makuha ni Marianne ang bidang role sa kaniyang kauna-unahang series, ang “Gulong ng Palad”. Ang nasabing teleserye ay umabot ng walong taon mula 1977 hanggang 1985. Sa “Gulong ng Palad”, gumanap si Marianne bilang si Luisa habang si Ronald Corveau naman ay gumanap bilang si Carding. Ang nasabing teleserye ang naging daan para sa romantikong relasyon sa pagitan nina Marianne at Ronald. Nagpakasal ang dalawa noong 1979 at biniyayaan ng dalawang anak na babae.
Ngunit sa kasamaang palad ay naghiwalay din ang dalawa matapos ang ilang taong pagsasama. Huling nakita sa telebisyon si Marianne noong siya ay gumanap sa Panday series ng ABS-CBN noong 2005.
Matapos nito ay lumipat na si Marianne sa Amerika kung saan niya nakilala ang taong nagbigay kasiyahan at kulay sa kaniyang buhay. Ito ay walang iba kundi si Oscar Ortiz, isang doktor. Ang dating aktres at kaibigan ni Marianne na si Edna Diaz ang nagpakilala sa kaniya ng doktor.
Kalaunan ay nagpakasal din sina Marianne at Oscar. Kahit hindi nagkaroon ng anak si Marianne dito, itinuturing pa din ni Dr. Ortiz ang dalawang anak nito bilang sarili niyang anak. Ang dating aktres ay namumuhay na ngayon ng simple at masaya sa America kasama ang kaniyang asawa. Madalas silang lumalabas at nagta-travel kasama ang kanilang mga apo. Bumili na din si Marianne ng property sa Florida, USA.
Inamin ni Marianne na namimiss na niya ang showbiz ngunit hindi niya kayang ipalit ang masaya at tahimik na buhay na mayroon siya sa America kasama ang kaniyang minamahal na asawa at dalawang anak na mayroon na ding sariling pamilya.
Dating Dar1ng At Sikat Na Aktres, Ganito Na Pala Ang Buhay Ngayon Matapos Iwan Ang Showbiz
Ang dating d4ring at s3xy actress na si Cristina Crisol na nakilala sa showbiz industry noong dekada 80 dahil sa kaniyang husay sa pag-arte ay namumuhay na ngayon sa ganitong uri ng buhay matapos iwanan ang showbiz limelight.
Si Cristina o Jean Elizabeth May sa tunay buhay ay isa sa mga aktres na sumikat sa kanyang mga s3xy at daring rols sa mga pelikula noong 80s. Gumawa rin siya ng maraming mapang4has na pelikula tulad ng B0mba Afrienda 91985), Unang Gabi (1986), Mababang1s na Bulaklak (1986), at Paraisong Gubat (1986).
Ngunit pagkatapos ng ilang taon ng pagiging tanyag at pagkakaroon ng matagumpay na karera sa showbiz, biglang nawala ang kinang ng kanyang career.
Iyon ang dahilan kung bakit pinili niyang iwan ang mundo ng showbiz upang makasama ang kanyang pamilya sa Pampanga. Ngunit ang kanyang buhay ay hindi naging madali.
Ayon kay Cristina, hindi niya itinatanggi na gumamit siya ng il1gal na dro6a noon. Naimpluwensyahan daw siya ng dati niyang live in partner.
Dagdag pa diyan, inaresto rin ng pulisya ang kanyang kinakasama na ang kaso ay naiulat na halos labing isang taon na ang nakalilipas. Nagulat na lamang daw siya nang biglang arestuhin ng pulisya ang dating live-in partner.
Ngunit sinabi ni Cristina na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang desisyon at sa lahat ng nangyari sa buhay niya. Kahit mawala sa kanya ang kinang ng kanyang career bilang isang seksing aktres, ang mahalaga ay masaya at kontento na siya sa buhay na mayroon siya ngayon kahit pa man nakakaranas ng kahirapan sa buhay.
Sa kabila nito, unti-unti din niyang tinanggap ang hamon sa buhay. Nakatanggap daw siya ng maraming tulong mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz. Ang kanyang dating kasintahan, na ama rin ng kanyang panganay, ay nalaman din ang kanyang kalagayan kaya naman kaagad itong nagbigay ng tulong sa kaniya at dinala ang kanilang anak sa Amerika upang mabigyan ito ng mas magandang buhay.
Walang permanente sa mundong ito, tanging nagbabago lamang. Kaya dapat ay maging kuntento at ipagpasalamat natin ang lahat ng mga bagay na mayroon tayo ngayon.
The post Ito Na Pala Ang Buhay Ni Marianne dela Riva Ngayon Matapos Lisanin Ang Showbiz Limelight appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments