Looking For Anything Specific?

Jamill, muling magbabalik sa pagba-vlog matapos ang ilang linggong pagkawala ng kanilang YouTube channel

Mukhang balik vlogging na ang magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad o tinawag na JaMill ng kanilang mga fans.

Halos isang buwan lang ang nakalipas ng ianunsyo ng JaMill na binura na nila ang kanilang YouTube channel. Na mayroong higit na 12 million subscribers.

Anila, gusto daw muna nilang mag-focus sa kanilang relasyon at mamuhay na lang ng simple.

Hanggang sa napabalita na ibinebenta na nila ang kanilang naipundar na bahay at mamahaling sasakyan.

May kumalat din na balita na kaya daw binura ng magkasintahan ang kanilang YouTube channel ay dahil umiiwas sila sa BIR.

Malaking tax daw kasi ang ipapataw sa JaMill kaya biglaan ang pag delete ng kanilang channel.

Hinala naman ng mga netizen, maaaring sila ang blind item ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa influencers na nag-delete ng social media account dahil ayaw magbayad ng buwis.

Pero kahapon, September 14, tila nagpahiwatig ang magkasintahan sa kanilang pagbabalik sa vlogging.

Sa Instagram Stories ni Camille, makikita ang larawan ng isang camera na kanilang ginagamit sa pagba-vlog at isang video kung saan makikita si Jayzam na abala sa pag-eedit ng isang vlog na may caption pang “Bukas na (smiling emoji) abangan!!!”

May Tweet din si Camille na nagsabing “Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito.”

Bukas may upload tayo. Abangan nyo ito. 😊

— Camille Trinidad (@camilltrinidad) September 14, 2021

 

Agad namang na-excite ang kanilang mga “mandirigma” sa balitang ito.

Mahigit tatlong taon ang itinakbo ng karera ng JaMill bilang YouTube vloggers. Sa loob din ng tatlong taon ay nakapagpundar sila ng mga magagarang sasakyan at nakapagpatayo ng isang malaking bahay.

Pero gaya ng ilang sikat na YouTube celebrity couple, minsan ding nasira ang relasyon nina Camille at Jayzam, ngunit agad naman nila itong inayos.

Jamill, Binebenta na ang Mamahaling Ari-Arian! Tinatakasan nga ba ang BIR?

Kamakailan lang, tuluyan nang namaalam sa vlogging ang sikat na social media influencers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sa kanilang huling vlog, nagpaalam na ang Jamill sa kanilang mga fans sa Youtube. Ito’y matapos nilang i-delete ang kanilang Youtube channel na may mahigit 12 million suscribers na.

Ayon sa kanilang pahayag, nais muna nilang mag-focus sa kanilang personal na buhay kaya naman tumigil na sila sa vlogging.

Ilang araw matapos nilang i-delete ang kanilang channel ay naglabas naman ng pahayag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kasalukuyang iniimbestigahan nito ang sikat na vlogger na di umano’y kumikita ng P50-100 million ngunit hindi nagbabayad ng tax.

Kahit hindi ito pinangalanan ng BIR, napaisip ang mga fans kung ang Jamill nga ba ang tinutukoy nila. Binura nga ba nila ang kanilang Youtube channel kaugnay ng imbestigasyon ng BIR? Matapos ito ay muli na namang tumindi ang kontrobersyang bumabalot sa dalawa kamakailan lang.

Napabalitang binebenta na nila ang kanilang 2-storey mansion sa Nueva Ecija. Ilang real estate agent ang nag-post na for sale na ang kanilang mansyon, at magbibigay rin daw ng P100,000 na pabuya sa lucky sharer ng kanilang ad. Bukod sa kanilang mansyon ay ibinebenta na rin ang kanilang dalawang raptor, na binili ng Jamill noong 2017.

Dahil dito, napaisip ang mga fans sa totoong dahilan kung bakit ibinebenta ng Jamill ang kanilang mga ari-arian. Ayon sa iba, maaaring may kaugnayan ito sa imbestigasyon ng BIR. May mga netizens rin na napaisip kung hiwalay na nga ba ang dalawa.

Sa kabilang banda, ayon sa BIR ay mas maghihigpit ito sa pagpapatupad ng pagbabayad ng tax ng mga sikat na vloggers. Nais rin nilang patawan ng tax ang mga kumikita mula sa Axie Infinity.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Jamill, muling magbabalik sa pagba-vlog matapos ang ilang linggong pagkawala ng kanilang YouTube channel appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments