Maraming Pilipino ang piniling makipag-sapalaran sa ibang bansa upang makahanap ng magandang trabaho. Kahit na walang kasiguraduhan sa kapalaran na matatamo ay patuloy ang pag lago ng bilang ng Overseas Filipino Workers o OFW. Sa katunayan, isang Pinay ang napapabalita na sinwerte sa kanyang French na amo dahil sa biyayang binigay nito sa kaniya.
Switzerland ang piniling bansa ni Cherrie Salamanca upang maghanap ng trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Maswerte naman nitong na tiyempuhan ang mabait nitong amo dahil tinulungan siya nitong magkaroon ng sariling negosyo, magkaroon ng kotse, masecure ang pag-aaral ng anak at higit sa lahat ay nagkaroon na ito ng resident visa sa nasabing bansa.

Walong taon nagtrabaho si Cherrie bilang nanny sa French employer nitong si Chloe Alzarka. Sa isang episode ng Eat Bulaga ay naikwento nito ang kanyang talambuhay. Ayon kay Cherrie, “Galing kasi ako ng Dubai… and then recently nag-move kami dito sa Switzerland.”
“Nagka-come and go kami dito every year, since 2015.
“Pero ngayon pa lang ako naging resident dito, just this year, kasi nag-pandemic.”

Ibinahagi din ni Cherrie na tinulungan siya ng kanyang amo na makakuha ng resident visa. “Isa yun sa mga reason kung bakit napakasuwerte ko sa amo ko.
“Sila lahat ang nag-process ng documents, papers, expenses, para lumipat dito sa Switzerland.
“And alam naman natin hindi madali dito sa Switzerland pumunta, at hindi mura para pumunta dito.
“So, lahat iyon, [all-]expense paid ng amo ko.”
Madalas din kasama si Cherrie sa mga family trips ng pamilya dahil siya ang nag-aalaga sa mga anak ng kanyang amo. Kaya naman ay maraming bansa na rin ang narating nito.

“Alaga ko is mga bata. So, lahat ng travel nila kasama ako. Mostly Europe… Paris, U.K., sa Italy…
“Kasi meron silang sarili nilang yacht, so nagro-roam around Italy kami, nagku-cruise, nag-coast kami… So, 25 days…”
Maliban dito ay tinulungan din siya ng kanyang mga amo na mapag-aral ang nag-iisang anak ni Cherrie. “Tinulungan nila ako sa education ng anak ko.

Maliban dito ay tinulungan din siya ng kanyang mga amo na mapag-aral ang nag-iisang anak ni Cherrie. “Tinulungan nila ako sa education ng anak ko.
“Ngayon kasi 18 na siya, umuwi na siya ng Pilipinas.
“So, tinulungan nila ako for her education.
“Kaya malaking bagay iyon kasi hindi madaling magpa-aral sa Dubai,”
“Luckily, na-secure ko na yung education niya dahil nandidito ako sa amo ko.

“So, yun yung malaking bagay na naitulong nila sa akin.”
Dagdag pa ni Cherrie ang mga naipundar nitong assets sa Pilipinas tulad ng bahay at kotse, “Fortunately, nakabili na ako ng sarili kong sasakyan, meron na akong maliiit na agricultural land.
“Meron akong nabiling dalawang small apartment,”

Nang interviewhin ang amo ni Cherrie ay nagpahayag din ito na malaki ang tiwala nito kay Cherrie at lubos na nagpapasalamat sa serbisyo nito sa kanyang pamilya. Tunay na napakawerte ni Cherrie dahil nakamit nito ang pinapangarap ng marami.
Dating kasambahay, magna cum laude na ngayon sa edad na 30

Tunay na mapupulutan ng aral at inspirasyon ang kwento ng isang kasambahay na nakapagtapos bilang magna cum laude. Kilalanin ang 30-anyos na si Grace Labradoe Bacus, na nagviral sa social media matapos nyang ihayag ang kwento ng kanyang paglalakbay upang makapagtapos ng pag-aaral.
Mula sa mahirap na pamilya si Grace at pangatlo sa siyam na magkakapatid. Dahil rito ay maaga namulat sa responsibildad si Grace sa pagtulong sa pamilya at mga kapatid. Dumating ang panahon na kailangan na niyang isuko ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral dahil hindi na kayang tustusan ito ng kanyang mga magulang. Sapat lamang umano ang perang kinikita ng magulang niya bilang pangkain nilang pamilya.

Sa awa ng Diyos ay natapos niya ang highschool bago pa man niya kailanganin tumigil sa pagaaral para magbigay daan sa pag-aaral ng mga nakababatang kapatid. Nais niyang tulungan ang kanyang mga magulang kaya naman ay namasukan siya agad bilang katulong. Nagkaroon siya ng sapat na pera upang maipasok sa eskwela ang kanyang mga kapatid at nakakaipon rin siya para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
26 anyos na siya nang magkaroon siya ng sapat na pera upang makapasok sa kolehiyo. Kinuha niya ang kursong Bachelor of Science Major in English sa Talisay City College dahil na rin sa pangarap niyang maging isang guro.

Sa mga panahong iyon ay mayroon pa siyang mga nakababatang kapatid na kailangan niyang alagaan dahil madalas maiwan ang mga ito sa bahay sa pagsusumikap ng kanyang mga magulang na kumita ng pera. Isa ito sa mga dahilan kaya may mga pagkakataon na hindi makapasok sa klase si Grace.
Hindi nagustuhan ng kanyang guro ang pag-aabsent sa klase kaya naman ay napagsabihan siya nito nang, “You’d better quit school because you don’t need a degree in taking care of children.”

Masakit man at nakakapanghina ng loob ang mga sinabi sa kanya ng kanyang guro ngunit ginamit niya ito upang pagbutihin pa ang pagaaral. Aniya, “Yes, word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I expected to understand me was the same person who broke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent.”

Lalo lamang nagtulak ito na paghusayan ang pag-aaral at maging mabuting guro sa mga magiging estudyante nito. Pinalad naman si Grace dahil nakapagtapos siya sa kolehiyo bilang magna cum laude.
Isang kwentong nakakaantig ng puso ang buhay ni Grace ngunit nang dahil sa kanya
The post Kilalanin Ang Pinay Nanny Na Pinalad Magkakotse, Negosyo at Resident Visa Sa Switzerland appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments