Looking For Anything Specific?

Hindi naman masamang mangarap”: Ayon kay Jinkee Pacquiao, patungkol sa kanyang sa pagiging ‘first lady’ ng bansa

Dahil nga usap-usapan ngayon ang opisyal na pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao bilang susunod na Presidente ng bansang Pilipinas. Sa pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao hindi naiwasan na tanungin ng kilala ring talent manager na si Annabelle Rama na tanungin ang kanyang kaibigan na si Jinkee Pacquiao kung handa na nga ba itong maging ‘first lady’ kung sakaling manalo si Senator Manny sa kampanya.

Source:IG/mannypacquiao

Ayon nga sa inilabas na payahag ng ‘Philippine Star’ noon lamang July 7 ngayong taon ay ibinunyag ni Annabelle kung saan isa siya sa mga malalapit na kaibigan ng mga Pacquiao. Dito ibinahagi niya ang naging sagot ni Jinkee sa naging tanong nito sa kanya.

Source:IG/jinkeepacquiao

Saad ni Jinkee, nawa’y magdilang anghel umano daw ito. Pagkukwento pa ni Anabelle,

“Sabi ko kay Jinkee, ‘Day, ready ka ba maging First Lady?’ Tumawa lang, ‘Tita naman, sana magdilang anghel ka,’ sabi sa akin. ‘Siempre, (di) naman masamang mangarap,’ sabi niya, ‘pero wala pa sa ulo ko yan.’”

Source:IG/jinkeepacquiao

Samantala ay sinabi din ni Senator Manny kay Annabelle na naghihintay pa siya ng mensahe mula sa itaas para sa mga desisyon nito sa susunod na taon.

Ani ni Senator Manny, “Pero kasi yung presidente, destiny yan, sabi niya. ‘Pag binigay sa akin sa itaas, tatanggapin ko ng maayos. Pero ‘pag wala talagang sign for me to be in a higher position, di naman ako nagmamadali, sabi niya sa akin.”

Source:IG/jinkeepacquiao

Matatandaan naman na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang si Senator Manny at ang Pangulong Duterte dahil sa usapin umano ng korapsyon kaya naman nanganganib na hindi makatanggap ang pambansang kamao ng suporta mula sa Presidente.

Source:IG/jinkeepacquiao

Samantala, si Jinkee naman ay mayroon na ring karanasan sa public service matapos nitong maging Vice Governor ng Saranggani Province mula 2013-2016. Hanggang sa nag desisyon na lamang ito na hindi na muli pang tumakbo sa pulitika dahil gusto na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang asawa at mga anak.

Jinkee Pacquiao, hinangaan ng marami ngayon ng ibahagi ang kanyang throwback photo bilang contestant ng Miss GenSan 1996

Throwback Saturday: Jinkee Pacquiao, proud na ibinahagi ang kanyang throwback photo.

Muling pinatunayan ni Jinkee Pacquiao ang kanyang walang kupas na ganda mula noong dekada 90.

Sa kanyang Instagram, nag upload si Jinkee ng isang old developed photo kung saan kuha daw ito noong sumali siya sa Miss General Santos noong 1996.

Nakaauot ng one piece swimsuit ang asawa ng Pambansang Kamao. Kitang kita ang kinis at puti ni Jinkee kahit na luma na ang larawan.

“Wow. A blast from the past. Memories [double heart emoji]. That’s me 25 years ago [heart eyes emoji]” caption niya sa kanyang IG throwback photo.

Bukod dito, makikita rin sa kanyang Instagram feed ang ilan pang mga larawan na nagpapakita ng kanyang “kabataan” days.

Sumali din siya noon sa Miss AMA Computer College noong 1995. May isa pa siyang photo sa pool side kung saan kuha din ito nang sumali siya sa Miss General Santos noong 1996.

Samantala, marami naman ang napahanga sa kanyang natural na ganda. Komento pa ng mga netizens, maganda na daw si Jinkee kahit noon lalo’t pa na makinis at maputi ang kanyang kutis.

Maganda pa din naman hanggang ngayon si Mareng Jinkee!

 

 

The post Hindi naman masamang mangarap”: Ayon kay Jinkee Pacquiao, patungkol sa kanyang sa pagiging ‘first lady’ ng bansa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments