Ang tinatawag na “racism” , ay isa sa mga diskriminasyon na nagdudulot ng hindi pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng mga tao. Kaya madalas magkaroon ng mga sigalot, dahil dito nagkakaroon ng hindi tamang pagtingin ang tao sa kanilang kapwa. May mga ibang lahi na ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay hindi sila magandang nilalang kagaya na lamang ng mga itim ang kulay ng balat. Sila ang madalas idiscriminate ng mga tao sa lipunan.

Ngunit sa modernong panahon ngayon, ang diskriminasyon ay hindi naipagpapatuloy dahil nagkakaroon ng reyalisasyon, na kahit itim ang kulay ng isang tao sa mata ng iba ito ay sadyang napakaganda. Kagaya na lamang ng mga babaeng kulay itim ang balat na mas naituturing na pinakamagagandang babae sa mundo.

Isa na rito si Anok Yai ay nagmula pa sa Southern Sudan. Ang kanyang larawan ay nag-viral sa social media, dahil siya ay tinanghal na “the most beautiful woman and most expensive model” sa buong mundo. Siya may angking kagandahan sa kabila ng kulay ng kanyang balat. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kanyang kakaibang ganda.

Si Anok ay hindi lang basta maganda, siya rin ay isang magaling na modelo. Siya lang naman ang may pinakamahal na ‘fashion photography’ sa halagang $15,000 sa loob isang oras na pictorial. Dahil maraming mga endorsement companies ang nagkakagusto sa kanyang mapang-akit na mukha.

Ang kanyang larawan ay ibinahagi ng kanyang photographer. Kaya naman nang nag-viral ang kanyang larawan, ay agad siyang kinuha ng New York Top Modeling Agency. Isa itong malaking oppurtunidad sa kanya, kaya agad siyang pumirma ng kanyang kontrata. Sa kasalukuyan siya ngayon ay isa na sa mga spokesperson ng top brand cosmetics ang Estee Lauder.

Sa kabila ng kanyang racial color ng kanyang balat, hindi ito naging hadlang upang makilala ng buong mundo ang kanyang kagandahan. Ang diskriminasyon ay kailanman hindi nagdudulot ng mabuti sa ating kapwa. Dahil minsan kung sino pa ang kakaiba siya pa ang nagiging matagumpay.
Babaeng Albino, Kakaiba Ang Ganda Na Nagpahanga Sa Lahat

Madalas ng napipilipit ang ibig sabihin ng salitang kagandahan batay sa pamantayan ng ibat ibang tao. At ang pagkakaroon ng kakaibang itsura o kondisyon, na hindi pasok sa panlasa ng karamihan, ay itinuturing pa ngang pangit.
Gayunpaman, sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng kakaiba o unique na itsura ng isang tao ay posible pa lang maging kaniyang naiibang ganda na hindi makikita basta basta. Iyan ang makikita natin sa isang dalagitang albino.
Nakatawag pansin sa photographer na si Amina Arsakova ang larawan ng isang dalagita na may kakaibang kondisyon. Gayunpaman, sa kabila nito, nakita ni Arsakova ang natatanging ganda ng kabataang nasa larawan kaya naman sinikap niya itong makita ng personal.


Sa kaniyang pagtityaga, nakuha naman ni Arsakova ng phone number ng nanay ng dalagita. Ang nasa larawan pala ay ang 11- anyos na si Amina Ependieva.
Sa kanilang pag-uusap, nalaman na dalawang genetic condition ang dahilan ng pagiging kakaiba ni Ependieva, albinism at heterochromatin.


Ang albinism ay ang kakulangan sa produksyon ng melanin anupat halos ga-nyebe na ang kulay ng balat ni Ependieva. Ang heterochromatin naman ang dahilan ng pagkakaiba ng kulay ng kaniyang iris, isang kulay asul at isang kulay brown.
Sa kabila ng ganitong kondisyon, hindi pa rin maitatago ang ganda ng dalagitang si Ependieva at natuloy din naman ang photoshoot na pinlano ni Amina Arsakova.

Naging matagumpay ang kanilang photoshoot at ang mga kuhang larawan ni Ependieva ay talagang kapansin-pansin at napakaganda. Sa walong kuha ni Ependieva, marami ang napahanga sa kaniyang pagiging kakaiba.

Sa mga mata naman ni Ependieva ay halos mapapatingin ka dahil sa bawat pagtingin mo dito ay parang may koneksyon na humihila na tila nagsasabi na titigan mo lang ito.
Ang mga larawan na ito ni Ependieva ay patotoo na ang pagiging kakaiba ay hindi nangangahulugan ng pagiging pangit o di-kaayaya. Sa halip, ang kagandahan ay makikita rin sa pagiging unique at stand-out kumpara sa normal na kagandahan.
The post Kilalanin Ang Tinaguriang “The Most Beautiful Woman And Most Expensive Model” Sa Buong Mundo appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments