Nagbigay muli ng kanyang komento si Lolit Solis tungkol sa issue nina LJ Reyes, Paolo Contis at Yen Santos.
Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Lolit na hindi siya sigurado kung gusto ni Yen ang sitwasyon niya ngayon.
Lalo na’t alam umano ng aktres ang kalagayan ngayon ni Paolo Contis.
Ani Lolit, “Ewan ko kung gusto din ni Yen Santos ng ganitong kaguluhan sa buhay niya kaya kahit pa nga alam na niya ang kalagayan ni Paolo eh Ok lang sa kanya na magamit as ‘friend’
Ibinahagi din ng batikang kolumnista ang kanyang saloobin tungkol sa mga isyung nagaganap kina LJ, Paolo, at Yen.
“Hay naku, never ending serye talaga ang istoryang ito,” saad ni Manay Lolit.
Hanggang sa sinabi nitong swerte umano si LJ dahil pang New York ang eksena ng Kapuso actress. Habang si Yen naman ay hanggang sa Baguio lang ang rampa.
“…At least rumarampa na sa New York si LJReyes. At suwerte siya, New York ang eksena niya, pang Baguio lang si Yen Santos. Habang naka lock in naman si Paolo Contis. Tatlong lugar sila ha, iba ibang eksena, magastos sa production,” pagbabahagi pa ng manager ni Paolo.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nagbigay na ng kanyang pahayag si Paolo ukol sa kinasasangkutang intriga.
Based sa comments sa sorry post ni Paolo, marami pa rin ang galit sa kanya at hindi naniniwala sa mga paliwanag niya. Lalo na ‘yung sinabing one day lang silang magkasama ni Yen sa Baguio City.
Glow up ni LJ Reyes, umani ng maraming papuri matapos ibahagi ang larawan na nasa NYFW 2021
Kahit broken hearted, tila mas naging fresh pa umano ang Kapuso actress na si LJ Reyes.
Kahapon ay namantaan si LJ na enjoy na enjoy sa panunuod sa mga modelong rumarampa sa New York Fashion Week.
Makikita sa My Story ng Instagram ni LJ na mukhang masaya siya dahil unang beses niyang makadalo sa naturang show.
Nagpaka-fangirl pa ito ng makitang rumampa ang international model na si Gigi Hadid. Ipinost niya ang video ng pagrampa ng sikat na American model.
Caption ni LJ: “Manay Gigi ang ganda mooooo!!!!!! In English, Ms. @gigihadid YOU ARE SOOOOO BEAUTIFUL!!!!”
Hindi raw makapaniwala si LJ na nakita niya si Gigi Hadid nang walang kahirap-hirap.
Sa bawat post ni LJ sa event ay naka-tag ang clothing line at ang Korean makeup brand na sponsor ng event.
At sa kanyang latest post sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang mga litrato habang ine-enjoy ang kanyang “me time”
Makikita sa kanyang larawan ang mga ngiti ni LJ. Suot ang all black leatheret tila isang modelo din kung pumose itong si LJ.
Simpleng caption ni LJ sa kanyang post, “NYFW 2021” na makikitang nakaupo siya sa isang tila mailbox sa New York.
Sa sumunod niyang post, ay naka-awra naman si LJ sa isang pulang upuan. Naka brush up ang kanyang maigsing buhok at light lang din ang make up.
Maraming netizens naman ang pumuri sa kakaibang awra ng aktres. Marami din ang nagsabi na mas enjoyin niya ang kanyang buhay ng wala ng sakit ng ulo.
Para maging positive umano ang flow kahit fresh from heartbreak siya.
The post Lolit Solis, diretsahang sinabing maswerte si LJ Reyes dahil rumampa ito sa New York samantalang si Yen Santos pang-Baguio lang daw appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments