Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang suportahan ang kanilang pamilya sa Pilipinas. At isa lamang ang pag-iwan sa kanilang pamilya sa maraming sakripisyo na ginagawa ng mga OFW.
Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook
Para naman sa mga nangingibang bansa para maging isang domestic helper, kinakailangan nila ng kakaibang tapang at lakas ng loob lalo na’t hindi nila alam kung anong klaseng amo ang kanilang pagsisilbihan.
Kaya naman isa sa mga dasal ng lahat ng OFW ay mapunta sila sa isang employer na mabait at may puso para sa kanyang mga kasambahay.
Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook
Maituturing ngang mapalad ang isang OFW kung mabait ang kanyang employer. Madalas kasi nating marinig sa mga balita ang tungkol sa mga OFW na hindi tinatrato nang maayos ng kanilang amo.
Samantala, umantig sa puso ng maraming netizens ang kabutihan ng isang employer sa kanyang kasambahay na Pilipina.
Viral kamakailan lamang sa social media ang isang TikTok video kung saan mapapanood ang isang banyagang employer na pinagsisilbihan ang kanyang Pinay kasambahay.
Dahil sa good vibes na hatid ng nasabing video na inupload ng TikTok user na si @hamad66677, kaya naman ini-repost ito ng isang netizen na isa ring OFW sa Saudi na si Ashlyn Guiapar Mato sa kanyang Facebok account.
Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook
Sa caption ay nagpasalamat si Ashlyn dahil mabait din umano ang kanyang amo sa kanya tulad ng lalaking amo na mapapanood sa video.
“MashaAllah ganito amo ko sakenswerte mo pag ganito amo mo” caption ni Ashlyn sa kanyang post.
Base naman sa mga komento ng ilang netizens, vlogger at chef umano ang lalaking mapapanood sa video na pinagsisilbihan sa hapag-kainan ang kanyang kasambahay.
Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook
Kung dadalawin naman ang TikTok account ng nasabing user, makikitang marami pa itong video na inupload kung saan ay mapapanood na pinagsasandok niya ng pagkain ang kanyang kasambahay maliban sa kanyang anak.
Dahil sa ipinakitang kabaitan ng employer sa kanyang kasambahay kaya naman umani ito ng maraming paghanga sa mga netizen.
Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook
Ayon pa sa maraming netizens, napakaswerte na ng isang OFW kapag nakatagpo siya ng isang mabait na among tatratuhin siya nang tama kagaya ng ipinakita ng nasabing employer sa video. Hindi rin maiwasan ng maraming netizens na hilingin na sana ay mas dumami pa ang mga amo na mababait sa kanilang mga kasambahay.
P10M na Hospital bills ng isang OFW na na-ospital ng apat na buwan dahil sa C0Vid-19 sinagot ng Employer
Marami ang nangingibang bansa para maghanapbuhay at mabigyan ng magadang buhay ang pamilya ngunit kapalit ng pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay ang hiràp at pangungulila.
Kaya naman maswerte kung ang isang OFW ay may mabuting employer dahil kadalasan makakabalita tayo ng mga OFW’s na sinasaktàn o inààbuso ng kanilang mga àmo.
Dagdag pa sa mga mahirap na kalagaynan ng mga OFW ngayon ay ang pandemiya ng C0VID-19, dahil sa mahirap magkasakit ng malayo sa pamilya, baka hindi kayanin ng bulsa ang gastusin sa pagpapagamot at isa ring iniisip na baka hindi na makitang muli ang mga mahal sa buhày.
Kaya nakakalungkot mabalitaan na isang kababayang OFW mula sa Dubai ang tinamaan ng C0vid at naospital ng apat na buwan. Nakilala ang OFW na si Francis Feliciano, 46, isang executive ng isang multinational food company sa Dubai
Matagal na umanong nasa serbisyo si Francis at naging maganda ang kanyang track record sa kompanya. Noong mag-positibo siya sa C0vid-19 ay sinag0t lahat ng kompanya ang kanyang hospital bills na nagkakahalaga ng P10M.
Source: GMA News
Dinala sa ICU of Canadian Specialist Hospital (CHS) sa Abu Hail si Francis noong April 13 dahil nagkaroon ng mataas na lagnat at patuloy na pag ubo.
Napag-alaman na ang asawa ni Francis na si Sheila ay nasa Canada noon at ang kanilang anak naman ay nasa Pilipinas. Dahil dito walang nag alaga sa kanya kundi ang mga health workers o mga staff sa nasabing 0spital.
Lubos ang pag-ààlala ng pamilya ni Francis lalo na at wala itong kasama sa panahong naghihirap siya.
Narito ang malungkot na pahayag ni Sheila:
“Every time na tumatawag ako sa doktor, ‘yun ang sinasabi na tulog daw si Francis kasi na-intubate na raw siya,”
Apat na buwan naglagi si Francis sa ospital at dalawang buwan raw siyang naka-intubate dahil sa hirap ng paghinga. Apat na beses na rin daw siyang ini-revive kaya naman laking pasasalamat niya sa tulong ng mga nurse at doktor na nag-alaga sa kanya sa panahong nag-aagaw buhay siya.
Ito ang papasalamat na sabi ni Francis:
“I thank God I survived this terrible ordeal and thank the hospital for not giving up on me and taking such good care. I feel better now. I am able to talk with my family on video chat and am hoping to recover completely and look forward to meeting my wife and son soon,”
Source: GMA News
The post Pinay OFW, ipinakita ang kabaitan ng banyagang amo na hinahapagan sila ng pagkain at sinasabayan silang kumain appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments