Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang kontrobersya na kinakaharap ng social media influencer na si Whamos Cruz. Matatandaang kamakailan lang ay naitampok ito sa programa ni Raffy Tulfo matapos siyang i-reklamo ng nanay ng kanyang girlfriend ngayon na si Antonette Gail del Rosario.
Ayon sa nanay ni Antonette, menor de edad pa ang kanyang anak kung kaya naman dapat ay hindi sila nagsasama ni Whamos.
Giit pa nito, noong una pa man ay ayaw na niya si Whamos para sa kanyang anak. Kaya naman nais niyang maghiwalay ang dalawa at bumalik sa poder niya ang kanyang menor de edad na anak.
Ngunit hindi naman basta bastang sumuko si Whamos sa pagmamahalan nila. Sa social media ay may buwelta ito sa mga paratan ng ina ni Antonette.
Ayon kay Whamos, tunay ang pagmamahalan nila ng kanyang girlfriend. Giit pa niya, mayroon din daw basbas ang ina nitong si Dolly sa panliligaw niya kay Antonette.
Matapos pumutok ang issue kay Raffy Tulfo ay nagbigay naman ng pahayag si Whamos sa Facebook. Ayon dito, bago niya ligawan si Antonette ay humingi muna siya ng permiso mua sa ina nito.
Pumayag naman daw si Mommy Dolly noong umpisa dahil giit nito ay si Antonette lamang ang makakapagdesisyon nito.
“3 months na lang po mag-18 na po siya, at syempre bago pa naman po ako manligaw, sinabi ko po muna sa mama niya. Kung pwede po ba akong manligaw kay Antonette. Sinabi naman po sa akin na pwede naman dahil hindi naman sila ang magdedesisyon kundi si Antonette,” pahayag ni Whamos.
Sa kanyang statement ay nilinaw rin ni Whamos na malinis ang intensyon niya kay Antonette. Naghintay rin daw siya ng ilang buwan para sa desisyon nito, at nirerespeto niya rin ang kanyang girlfriend. Sa kabilang banda, patuloy naman ang mga fans sa pagsuporta sa tandem ng dalawa.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
Dalawang magandang Tiktokers na babae, inireklamo si Whamos Cruz dahil umano sa mga ραngмσмσℓєѕιтуα nito sa kanila dati
Hindi pa din natatapos ang isyung kinakaharap ng vlogger na si Whamos Cruz.
Kamakailan lang ay inireklamo ng nanay ng kanyang nobyang si Antonette Gail del Rosario si Whamos. Sa programang Raffy Tulfo In Action.
Ito ay dahil nga nais ng nanay ni Antonette na bawiin siya mula sa poder ni Whamos. Ngunit nakakabigla ang naging dahilan ng dalaga.
Na kung bakit ayaw na niyang bumalik sa tahanan ng ina ay dahil sa pangm0m0lestya umano ng kanyang step father.
Samantala, sa nasabing programa ay may lumitaw din na dalawa pang babae na nagrereklamo laban kay Whamos.
Ito ay dahil sa diumano’y panghahaIay na ginawa sa kanila ng vlogger.
Nagpakilala ang mga biktima na sina Rose Ann Sabile at ang menor-de-edad na si “Honey”, mga Tiktoker dahil sa ginagawang pamimilit diumano ni Whamos sa kanila.
Kwento ni Rose Ann, kinausap siya noon ni Whamos para sa isang collaboration para sa vlog niya at pumayag naman siya dito dahil kilalang influencer na noon si Whamos.
Ngunit nag umpisang mapansin ni Rose Ann na may mali ng ginagawa si Whamos ng magkasama sila sa isang birthday pool party.
Kung saan inumpisahan na siya diumanong m0lestyahin ng vlogger.
Ayon kay Rose Ann ay pinilit diumano siyang yakapin ni Whamos at ayaw din pauwiin sa kanila.
Ibinahagi naman ni Honey ang kanyang masamang karanasan kay Whamos na diumano’y “pinatungan” siya.
Pareho din daw ang ginawang istilo ni Whamos kay Honey at sinabi na magiging ‘love team’ sila sa isang vlog.
Kahit na menor de edad si Honey ay sinabi nito na niyaya siya ni Whamos na makipagtaIik ngunit hindi siya pumayag.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
The post Matapos Ipa-Tulfo, Whamos Cruz, Nagsalita na! May Basbas Daw ang Panliligaw Niya appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments