Nang magsimula ang pandémya, hindi maitatanggi na marami ang nagkaroon ng depresyon dahil sa kawalan ng interaksyon sa ibang tao.
Maaaring magkamustahan sa social media ngunit hindi pwedeng magkasama at makasalamuha.
Madalas din tayong mastress sa mga tambak na gawain na maaaring magdulot ng “stress eating” at pagtaas ng timbang habang ang iba naman ay umiiyak tuwing gabi na nagiging dahilan ng kanilang pagpayat o “weightløss”.
Bakit nga ba? Narito ang kasagutan mula sap ag- aaral ng doktor na si Dr. Aaron Neufeld ng Los Altos Optometric Group.
Ayon sa kaniya, mayroong tatlong uri ng luha na lumalas sa ating mga mata na tinatawag na Basal, Reflex at Psychic.
Ang luhang nakatutulong upang manatiling moist ang ating mga mata at nagsisilbing lubricant nito ay tinatawag na Basal.
Ang Reflex naman ay siyang nagpoprotekta sa ating mga mata mula sa irritants sa ating paligid na maaaring makasira ng ating paningin.
At ang huli ay ang Psychic na kung saan lumabas sa tuwing tayo ay nagiging emosyonal at sénsitibo sa ating nararamdaman na nagdudulot ng Wéight Løss
Samantala, ipinaliwanag ng How to Care, natural dawn a naglalabas ng mga kemikal an gating katawan na tinatawag na “Cortisol” na kilala bilang “Stress Hørmøne”.
Ito ang nagreresponse sa ating katawan kapag tayo ay nasa emergency situation.
Kaya tunay na nakatutulong ang pag- iyak sa pagbabawas ng timbang. Nguni tang luha ay hindi dapat pilit kundi mula sa totoong nararamdaman.
Saad pa nito, mula alas- 7 ng gabi hanggang alas-10 ay ang tamang oras sa pag- iyak dahil kadalasang nakarelax ang ating katawan.
0 Comments