Marahil halos lahat sa atin ay mahilig sa pagkain, sino nga ba naman ang aayaw sa pagkain?
Lalo na sa panahon ngayon na nagkalat ang ibat-ibang klase o uri ng pagkain mapa-local man o international na pagkain ay tinatangkilik ng mga Pinoy.
Samantala, kahit bawal bumiyahe patungong ibang bansa tulad ng Japan dahil sa travel restrictions dulot ng C0’VID-19 ay maaari pa rin natin matikman ang mga pagkain na “flavors of Japan” katulad sa store ng ‘imagawayaki at okonomiyaki’ sa Marikina.
Hindi lamang yan patok daw itong gawing negosyo ngayon dahil umaabot daw umano sa P50,000 kada buwan ang kita dito.

Sa “Pera Paraan,” ipinakita ni Christopher Dalida, may-ari ng Mr. Hotbake-Japaneses Cake, ang paggawa ng Imagawayaki (Tokyo area) at Obanyaki (Osaka and Kyoto area), o magkapatong na pancake na may palaman sa loob.
Ayon pa kay Christopher mayroon silang walong flavor ito tulad ng cheese, chocolate, bavarian, ube, dulce de leche, strawberry, blueberry at mango.

Kwento pa niya mula sa kanilang puhunan na P3,000 hanggang P5,000 ay kumikita na sila ngayon ng halos P60,000-P80,000 sa kanilang gross sales. Kaya tinatayang P30,000-P50,000 ang kanilang kinikita kada buwan.
Samantala, kumikita naman ng P25,000 hanggang P30,000 kada buwan ang Okonomiyaki o pancake na may repolyo na ibinibenta ni Limuel Tagasa, owner ng Japinas Takobites.

Subalit bago mapagtagumpayan ito ni Limuel ay 13 taon siyang nagtrabaho sa Japan kaya naman dito siya natuto at naging pamilyar sa mga pagkain ng hapon.
Samantala hanggang ngayon ay nasa bansang Japan ang kanyang partner kaya naman doon mismo nanggagaling ang kanilang mga ingredients.
Narito sa baba ang kabuuan video to at kung paano gumawa ng Japanese Cake:
0 Comments