Sa wakas, nakapunta na sa puntod ni Mahal Tesorero si Mygz Molino kasama ang kanyang pamilya.
Kinailangan kasi sumailalim sa quarantine ni Mygz pati na din ang kanyang pamilya matapos sumakabilang buhay ni Mahal dahil sa C0VID-19.
Si Mahal ay tuluyang namaalam noong August 31, 2021 na ikinabigla ng lahat.
Si Mygz ay ang naging kasa-kasama ni Mahal sa kanyang mga huling araw. Dumalaw pa sila sa dating on screen partner ni Mahal na si Mura.
Kutang kita ng netizens kung paano alagaan at suportahan ng vlogger si Mahal kaya ganoon na lamang ang pag aalala nila para kay Mygz nang mawala ang yumaong aktres.
At sa wakas, nakapunta na si Mygz kasama na ang kanyang buong pamilya sa puntod ni Mahal. Nagbahagi siya ng ilang larawan sa kanyang Instagram account.
Dahil dito, naisayahan naman ang netizens dahil nakita na nilang nakadalaw na si Mygz sa mga labi ni Mahal.
Marami ang naka appreciate at natuwa kay Mygz dahil nakita ng mga netizens kung paano niya inalagaan si Mahal noon.
Sa ngayon, wala pa masyadong update maging sa YouTube channel ni Mygz. Marahil ay nag aadjust pa din ito sa pagkawala ng kanyang pinaka iingatang katandem.
Mygz Molino, kinaantigan ng mga netizens ang kanyang nakakaantig na mensahe para kay Mahal
Kamakailan lamang ay nagluksa ang entertainment industry dahil sa pagkawala ng isa sa mga mahuhusay na komedyante, at ito nga ay si Mahal. Lahat ng mga naging tagahanga at supporters ni Mahal ay nakiramay sa kanyang pamilya dahil sa biglaang paglisan ng komedyante.
Kaya naman nang maihatid na si Mahal sa kanyang huling hantungan ay marami ang nalungkot at nagdalahamti, isa na nga rito ang kanyang matalik na kaibigan na si Mygz Molino. Isang masakit na pangyayari sa buhay ni Mygz ang hindi na muling makita si Mahal sa huling pagkakataon lalo pa’t matagal silang nagkasama ni Mahal sa iisang bubong.
Sa paglisan ni Mahal, halos kalahati na ng pagkatao ni Mygz ang nawala. Dahil sobrang tagal na panahon silang magkasama sa lahat ng bagay. Kaya labis na inalagaan at minahal ni Mygz si Mahal kahit na walang label ang kanilang relasyon sa isa’t-isa.
Sa paghatid kay Mahal sa huling hantungan hindi nakapunta si Mygz sa kadahilanang kinailangan ni Mygz na magquarantine dahil isa siya sa naging close contact ni Mahal. Dahil hindi naman naging lingid sa nakakarami ang naging dahilan ng biglaang pagpanaw ni Mahal.
Kaya naman ngayon, isang video na lamang ang kanyang ibinahagi sa kanyang social media account upang maihatid ang kanyang makadamdaming mensahe para sa komedyante. Mapapanood sa videong ito ang labis na kalungkutan ni Mygz, sapagkat hindi na niya nasilayan pa si Mahal kahit sa huling sandali na lamang ng buhay nito.
Kung kaya’t idinaan na lamang niya sa isang video ang kanyang mensahe upang maipakita sa lahat ng tao kung gaano niya inalagaan at minahal ng lubusan si Mahal.
Sa videong ito, maraming mga netizens ang naantig sa naging mensahe ni Mgyz. Ayon sa mga netizens, ramdam na ramdam nila kung gaano higit na naapektuhan si Mygz sa biglaang pagkawala ni Mahal.
Marami mang batikos ang binabato ngayon kay Mygz, siguro naman sa kanyang mensahe para kay Mahal ay isa ng patunay kung gaano niya higit na minahal ang komedyante.
The post Mygz Molino at kanyang pamilya, personal na dinalaw ang puntod ni Mahal appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments