Hindi biro ang pagtuturo ng mga guro, marahil naging modular ang naging klase ng ating mga estudyante ngayon hindi parin madali para sa mga guro ang kanilang mga ginagawa.
Nitong nakaraan nga lang ay naging viral ang mga screenshot ng conversation ng mga estudyante at guro sa social media. Marami ang nagalit at nagkaroon ng negatibong komento para sa mga estudyante at ang iba naman ay nagbigay ng suporta para sa guro.
Ang naturang guro na nasa conversation ay si Hans Machacon ng Abellana National School Day and Night – DepEd Region 7, Cebu, na siyang guro sa naturang subject na kung saan sangkot ang mga estudyante. Nagsimula lang ang pambabastos nang hindi lamang nakapagsend ng soft-copy ang guro sa mga estudyante niya na nagbigay naman ng dahilan kung bakit nangyari ito at humingi din ang guro ng paumanhin sa mga estudyante.
Ngunit mapapansin sa screenshot ng kanilang groupchat na tila walang karesperespeto ang kaniyang mga estudyante at minura pa siya ng ilan sa mga dito. Nagbigay din siya ng paliwanag sa mga estudyante na ang buong akala niya ay nagbigay na ang kanilang class adviser ng link na kailangan para sa kaniyang subject.
Ayon naman sa isa sa mga estudyante ng guro na si Mary Grace Sumalinog, hindi na umano natiis ng guro nila sa filipino ang mga sinasabi ng mga estudyante at umalis nalang ito sa kanilang group chat.
Nangako naman ang naturang paaralan na gagawan nila ng aksyon ang nangyari.
“In the light of the recent issue, rest assured that the school will take action which is deemed to be in the best interest of all the parties involved, mindful of the existing school rules and laws, under the principle of fairness,”
At ang ilang mga taong malapit at dating estudyante ng guro ay nagbigay naman ng suporta at nagsalaysay kung gaano kabait at matiyaga ang guro nang siya ay tulungan nito.
“Sir Hans Machacon were all very supportive of me. I will be forever grateful to Sir Hans for his help since I would not be where I am now without it,”
“I hope the Grade 9 students who disrespected Sir Hans learned their lesson. You disrespected a phenomenal ANS teacher. As a result, you must accept the consequences of your mistake,”.
Narito ang kanilang naging conversation:
Viral ngayon ang isang guro, na sumugod sa gitna ng ulan upang makarating lang sa paaralan, ‘Ulan ka lang, teacher kami!’
Bawat taon na dumaraan laging ipinagdiriwang ang araw ng mga guro, at ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre ay selebrasyon ng ‘Teacher’s Day’. Kung saan ito ang buwan na ipinagdiriwang ang bawat sakripisyo ng ating mga guro upang may matutunan lamang ang bawat kabataan sa mundo. Sila ay isa sa mga maituturing natin na mga bayani dahil sa kanilang sakripisyo at ibinibigay na pagmamahal sa kanilang bawat mag-aaral.
Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel
Dahil pagdiriwang ngayon ng araw ng mga guro, isang guro ang hinahangaan ngayon sa social media dahil sa kanyang katapangan na sumugod sa gitna ng ulan at maputik na daan para lang makapunta sa pinapasukang paaralan sa Sarangani, South Cotabato.
Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel
Siya ang nakilalang si Teacher Michelle Buwuiran-Miguel, ibinahagi niya sa kanya mismong facebook account ang kanyang naging karanasan para lang makapasok sa paaralan ng kanyang pinapasukan. Makikita sa larawang kanyang ibinahagi na siya ay basang-basa sa ulan kung saan siya ay nakasakay sa kanyang motor at pilit niyang nilalabanan ang maputik na daan papunta sa kanilang paaralan.
Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel
Kaya naman bilang isang guro hindi naging hadlang kay Teacher Michelle ang badya ng panahon dahil ang tanging mahalaga sa kanya ay ang kanyang tungkulin. Dahil para sa kanya may mga tungkulin siyang ginagampanan at dahil balik- eskwela na kaya kailangan nilang paghandaan ang mga modules ng kanilang mga estudyante.
Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel
At kahit na basang-basa siya ng ulan ay nakangiti pa rin ito. Dahil sa kanyang ginawang pagsugod sa ulan ay nabasa ang kanyang dalang laptop kaya naman nang makarating siya sa isang bahay ay agad niya itong pinunasan. Ang iba namang kasama ni Teacher Michelle na mga guro din ay basing-basa rin ng ulan at dala-dala ang kanilang tsinelas na naglalakad sa maputik na daan.
Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel
Gayunpaman, itinuturing nila itong isang magandang karanasan dahil katumbas naman nito ang kinabukasan ng isang mag-aaral. Ganito na lamang ang nararanasan ng mga ka-guruan na nagtuturo sa mga probinsya lalo na sa mga lugar na walang maayos na kalsada. Kaya naman tuwing umuulan ay pahirapan ang pagbiyahe dahil sa maputik at lubak-lubak na daan.
Maraming netizen naman ang humanga at pinuri ang mga guro sa kanilang naging sakripisyo. Hindi sila madalas maipakita sa social media kaya naman nakakabilib ang dedikasyon ng ating mga guro sa kanilang sinumpaang propesyon.
Source: Facebook/ MiChelle Buquiran-Miguel
Ang ibinahaging post na ito ni Teacher Michelle ay umani ng mga positibong papuri na may mahigit 26,000 of shares at 32,000 na reactions. Kung saan ang post na ito ay may caption na, “Ulan ka lang, teacher kami! Sulong edukalidad!.”
The post Naging viral ang mga estudyante ng isang guro na binast0s at pinahiya sa kanilang group chat. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments