Looking For Anything Specific?

P10M na Hospital bills ng isang OFW na na-ospital ng apat na buwan dahil sa C0Vid-19 sinagot ng Employer

Marami ang nangingibang bansa para maghanapbuhay at mabigyan ng magadang buhay ang pamilya ngunit kapalit ng pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay ang hiràp at pangungulila.

Kaya naman maswerte kung ang isang OFW ay may mabuting employer dahil kadalasan makakabalita tayo ng mga OFW’s na sinasaktàn o inààbuso ng kanilang mga àmo.

 Source: GMA News

Dagdag pa sa mga mahirap na kalagaynan ng mga OFW ngayon ay ang pandemiya ng C0VID-19, dahil sa mahirap magkasakit ng malayo sa pamilya, baka hindi kayanin ng bulsa ang gastusin sa pagpapagamot at isa ring iniisip na baka hindi na makitang muli ang mga mahal sa buhày.

 Source: GMA News

Kaya nakakalungkot mabalitaan na isang kababayang OFW mula sa Dubai ang tinamaan ng C0vid at naospital ng apat na buwan. Nakilala ang OFW na si Francis Feliciano, 46, isang executive ng isang multinational food company sa Dubai

Source: GMA News

Matagal na umanong nasa serbisyo si Francis at naging maganda ang kanyang track record sa kompanya. Noong mag-positibo siya sa C0vid-19 ay sinag0t lahat ng kompanya ang kanyang hospital bills na nagkakahalaga ng P10M.

Source: GMA News

Dinala sa ICU of Canadian Specialist Hospital (CHS) sa Abu Hail si Francis noong April 13 dahil nagkaroon ng mataas na lagnat at patuloy na pag ubo.

Napag-alaman na ang asawa ni Francis na si Sheila ay nasa Canada noon at ang kanilang anak naman ay nasa Pilipinas. Dahil dito walang nag alaga sa kanya kundi ang mga health workers o mga staff sa nasabing 0spital.

 Source: GMA News

Lubos ang pag-ààlala ng pamilya ni Francis lalo na at wala itong kasama sa panahong naghihirap siya.

Narito ang malungkot na pahayag ni Sheila:
“Every time na tumatawag ako sa doktor, ‘yun ang sinasabi na tulog daw si Francis kasi na-intubate na raw siya,”

Source: GMA News

Apat na buwan naglagi si Francis sa ospital at dalawang buwan raw siyang naka-intubate dahil sa hirap ng paghinga. Apat na beses na rin daw siyang ini-revive kaya naman laking pasasalamat niya sa tulong ng mga nurse at doktor na nag-alaga sa kanya sa panahong nag-aagaw buhay siya.

Source: GMA News

Ito ang papasalamat na sabi ni Francis:
“I thank God I survived this terrible ordeal and thank the hospital for not giving up on me and taking such good care. I feel better now. I am able to talk with my family on video chat and am hoping to recover completely and look forward to meeting my wife and son soon,”

Source: GMA News

Isang OFW Na Nagtrabaho Sa Loob Ng 21 Na Taon, Isa Ng Palaboy Ngayon Matapos Iwan At Pabayaan Ng Pamilya

Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ito na nakapagtapos sa kursong Architect at nagtrabaho sa Saudi bilang isang Quality Control sa loob ng 21 na taon.

Ang lalaki ay kinilala sa kaniyang pangalan na Ramon na hindi na nagawa pang makapag asawa at bumuo ng kaniyang sariling pamilya dahil iginugol niya ang mga taon sa pagtatrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa kaniyang pamilya at mga kamag-anak.

Si Ramon ang siyang nagpaaral sa kaniyang mga kapatid sa Pilipinas. Maging ang kaniyang mga sahod at bonus ay napupunta na lamang sa kaniyang mga kapatid at pamangkin.

 

Naging masaya naman si Ramon sa resulta ng kaniyang ginawang pagtulong. Masaya siya na malaman na ang kaniyang mga kapatid at mga pamangkin ay nakapagtapos na nang pag-aaral at mayroon na ding magagandang trabaho ang mga ito.

Ngunit sa kabila ng kaniyang pagtulong ay hindi siya nakapagpundar ng kahit ano para sa kaniyang sarili. Kinailangan niyang umuwi ng bansa dahil sa naramdaman nitong sak1t. Ngunit labis na dismaya ang naramdaman ni Ramon dahil wala man lamang sa kaniyang mga kapatid o kamag-anak ang ninais siyang kupkupin at alagaan sa kaniyang pag-uwi.

Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Ramon dahil sa mahigit na 21 na taon na pagtatrabaho niya sa ibang bansa ay wala siyang ibang ginawa kung hindi magbigay ng tulong sa kaniyang mga kamag-anak sa bansa.

Sa kabilang banda, bukod sa perang nawala kay Ramon, siya ay nawalan din ng mga kamag-anak na kaniyang masasandalan sa panahon ng problema. Buong akala niya noon na matapos niyang tulungan ang kaniyang mga kapatid at igugol ang kaniyang panahon sa pagtulong sa mga ito ay susuklian nila ang kabutihang ibinigay sa kanila.

Ngunit taliwas sa kaniyang iniisip ang nangyari dahil matapos ang 21 na taon na pagtatrabaho niya sa Saudi at makaramdam ng sakit ay wala ni isa sa mga ito ang ninais na tulungan o alagaan siya sa kaniyang pagbalik sa Pilipinas.

Tuluyan na ding pinabyaan si Ramon ng kaniyang mga kamag-anak matapos makuha ng mga ito ang lahat ng kaniyang pera kaya naman napilitan siyang maging palaboy sa daan. Hindi din siya makapag hanapbuhay dahil sa kaniyang karamdaman kaya naman siya ay nasa loob ng Lunte Park at umaasa na lamang sa mga limos at pagkain na ibibigay ng mga taong nagdaraan.

Ang netizen na si Aileen ang siyang nagbahagi ng kwento at larawan ni Ramon.

Saad niya sa caption ng kaniyang post,

“Hindi masama ang tumulong sa kapwa lalo at ito ay iyong kamag-anak o kapatid, ngunit hindi sa lahat ng tao ay nararapat ito dahil hindi natin alam na kahit sarili nating kadugo ay matapos nating tulungan ay kung minsa’y hindi nagiging maganda ang balik nito sayo”.

“LIFE LESSON :

“WAG TAYO BIGAY NG BIGAY SA IBA DAHIL SA BANDANG HULI TAYO PA NAG MAWAWALAN. MATUTO TAYONG MAGTIRA PARA SA SARILI UPANG MAIHANDA ANG ATING KINABUKASAN”.

The post P10M na Hospital bills ng isang OFW na na-ospital ng apat na buwan dahil sa C0Vid-19 sinagot ng Employer appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments