Looking For Anything Specific?

Pamilya Sotto, Naging Emosyonal Dahil Sa Hindi Inaasahang Pangyayaring Ito

Isang nakakaantig at nakakakilig na tagpo ang ibinahagi ng Kapuso star na si Ciara Sotto tampok ang kaniyang mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.

Sa video na ibinahagi ni Ciara sa kaniyang Instagram account, makikita na pinapakinggan nina Helen at Tito ang kanta ni Ciara na ‘Ang Tunay Kong Pag-ibig’, isang love song na isinulat umano ni Tito na inaalay nito para kay Helen.

Ani Ciara sa caption ng kaniyang post:

“Spreading sweetness and love with all of you tonight Daddy reminded Mommy of the song he wrote for her, so he played it and she got so emotional..both of them did.There’s no other love like theirs. #mayforever #GOALS

“Song: “Ang Tanging Tunay Kong Pag-ibig” by Ciara Anna Sotto”

Samantala, marami sa mga kapwa artista ni Ciarra ang naiyak dahil sa sobrang nakakabagbadg-damdaming tagpo ng mga magulang ng aktres at ang ilan ay naghayag ng kanilang kilig reactions.

Narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens:

“Couple goals. I love your parents sis.”

“Ciars, this is so sweet! truly, #goals!”

“Sweet couple tlga cla walang iwanan talaga ”

“This is really a miracle as not all who stay together are still in love”

Ipagdiriwang nina Tito at Helen ang kanilang ika-52 anibersayo bilang mag-asawa sa Setyembre.

Taong 2019 nang mag-renew ng wedding vows sa Saint Thomas Aquinas Parish sa Batangas. Sa naturang simbahan din sila ikinasal matapos magtanan noon. Sila ay biniyayaan naman ng apat na anak na sina Romina, Diorella Maria, Gian Carlo, at Ciara.

Saad ni Tito sa kaniyang panayam noon sa DZMM,

“Tinutupad ko pa lang ‘yung pangako ko 50 years ago na mamahalin ko siya habang-buhay.”

Ganito Pala Tratuhin Ni Pauline Luna Ang Anak Nila Ni Vic Sotto Na Si Tali

Kinagiliwan ng mga netizens ang mga videos na kuha ng mag-ina na si Pauline Luna Sotto at ang kaniyang anak na si Tali Sotto.

Ito ay kinatuwaan ng marami dahil sa kanilang mga sweet at happy moments na mag-ina na makikita talaga kung gaano ka hands-on mommy si Pauline sa kaniyang anak.

Sa mga videos na ibinahagi ni Pauline sa kaniyang social media accounts, kapansin pansin talaga na maganda at maayos ang pagpapalaki nina Pauline at Bossing Vic Sotto sa kanilang anak. Sa murang edad pa lamang kasi ni baby Tali ay matalino na ito.

 

Kamakailan nga lamang nang magbahagi si Pauline ng video kung saan makikita si Tali na nagsasalita at nagbibilang ang iba’t ibang lenggwahe tulad ng Spanish, Japanese, at Chinese.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at humanga sa magandang pagpapalaki nina Bossing Vic at Pauline kay baby Tali. Saad pa ng ilan na kahit pa man madalas na busy ang dalawa sa kanilang schedule sa showbiz ay makikita pa din kung gaano sila ka-hands on sa kanilang anak na si baby Tali.

 

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ito ay lumalaki ng may respeto sa kapwa, mabait, at matalinong bata.

Marami din ang humanga sa bonding at sweet moments ni Pauline at baby Tali.

Narito ang ilang komento mula sa online community:

“Cuties si tali sotto, matalinong bata, madaling turuan. Love it Tali, maraming nagmamahal sa iyo dai. God bless.Amen.”

“Ang cute mag-usap nila bilang mag-ina. Parang magkabarkada lang eh..hehe..good job, Pauleen..”

“apka talented nman tlga ni bavy tali mga lucky parent.”

“beauty and brain si tali so cute and loving pa nakakatuwa”

“Baby Tale your such a Talented hugs n kisses bb smart girl mommy Pauline  and your daddy are great Parents Godbless whole Family”

The post Pamilya Sotto, Naging Emosyonal Dahil Sa Hindi Inaasahang Pangyayaring Ito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments