Para sa maraming Pilipino naging parte na ng kanilang buhay ang isang programa ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother”.
Kinalakihan na ito ng marami dahil taon-taon ay mayroon bagong season ang programang ito at marami tayong nakikilalang mga bagong maaring maging sikat sa telebisyon.
Ang naturang programa ay marami ng natulungan na mabago ang buhay katulad na lamang ng mga dating housemate nito na ngayon ay napapanood na rin natin sa ibang mga programa.
Dahil sa tagal na natin napapanood ang programang “Pinoy Big Brother” marahil ay pamilya na kayo sa itsura at disenyo ng “Bahay ni Kuya” (Big Brother) kung saan ay pwede natin kapulutan ng inspirasyon para sa ating mga pinapanagarap na bahay.

Katulad na lamang sa ginawa ng isa sa dating housemate ni Big Brother na si Robi Domingo. Marahil kilala natin si Robi Domingo bilang isang magaling na Host ng ABS-CBN siya rin ang naging first runner up sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008.

Nang lumabas si Robi sa bahay ni kuya ay buhos ang offer sa kanya at ito ay masaya at taos puso niyang tinanggap. Hindi nagtagal ay dahil sa angking talento ay naging parte na rin siya ng PBB bilang isang host.
Bukod sa pagiging host ay isa din siyang aktor, modelo at VJ. Hindi maikakaila kay Robi ang kanyang kagalingan pagdating sa bagay na kaniyang kinabibilangan.

Samantala, Kamakailan ay ipinasilip naman ng sikat na host ang kaniyang tahanan sa pamamagitan ng isa sa kanyang mga Vlog.
Sa kanyang video pagpasok palang ng kanilang tahanan ay bubungad agad ang napakaraming halaman na ayon sa kanya ay tanim mismo ng mga magulang ni Robi.

Mapapansin din sa naturang video ang napakalinis na sala ng bahay at mayroon din magagadang Koi Fish Pond na ayon kay Robi na kanyang Ama mismo ang nag-aalaga nito. Bukod parito ipinakita din niya ang isang baby piano na regalo mismo ni Dr. Vicky Belo.

Katulad rin ng bahay ng ibang artista ay mayroon din entertainment area ang bahay ni Robi kung saan doon sila madalas nagkakasama ng kaniyang buong pamilya.

Ipinagmamalaki naman ni Robi na ang ilang parte raw ng kanilang tahanan ay hinalintulad niya sa Bahay ni Kuya. Katulad na lang raw ng Storge room at isang tila confession room kung saan doon sila lahat nagdadasal.
0 Comments