Looking For Anything Specific?

Toni Fowler, pinutakte ng komento ng mga netizens matapos ibahagi ang tila buntis na larawan

Muli na namang gumawa ng ingay sa social media ang internet personality na si Toni Fowler.

Kamakailan lang ay nag-trending ang ginawang pagtulong ni Toni Fowler sa kanyang dating partner na si Rob Moya. Para sorpresahin ang bagong kasintahan ng binata.

Si Toni mismo ang nag-ayos sa venue na ginanap din sa condo ng ToRo family. Pinalibutan niya ng rose petals ang sahig at ginawang heart shape.

Aniya iyon daw ang definition niya sa tunay na pagmamahal. Ang magpatawad at makitang masaya sa piling ng iba ang dati mong minamahal.

Samantala, ilang araw matapos ang kontrobersyal na vlog na iyon ay muli na namang usap-usapan ngayon si Toni.

Ito ay dahil sa litratong kanyang ibinahagi sa kanyang social media post. Kung saan makikita ang larawan niya na hawak niya ang kanyang tiyan.

Tila posing umano ng isang buntis dahil halata din ang ibang laki ng kanyang tummy. Parang may baby bump na umano.

Simpleng caption lang ni Toni sa kanyang post, “Balakayojan basta ako.. basta ako MASAYA ako”

 

Wala namang ibang detalye pang binaggit si Toni tungkol sa kanyang litrato. Ngunit agad namang hinala ng marami na baka buntis na nga si Toni.

Bilang isang content creator, marami sa mga netizens ang napaisip kung totoong buntis ba ito o isa lamang prank.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Be sensitive mommy oni no fake pregnancy madami Jan nag break down kase gusto ma preggy. Kaya sana if its true announce mo in proper way.”

“Ishaaaaa prank!! Last vlog mo mami Toni Fowler flat ng tummy mo”

“Prank lng yurn HAHA diba ayaw ni tyronia ng kapatid”

Tingin mo? Buntis prank nga lang ba ito?

Toni Fowler buong pusong sinuportahan ang ex-BF na si Rob Moya para sa surpresa nito sa bago niyang kasintahan

Ipinakita ni Toni Fowler ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.

Bagamat hiwalay na si Toni sa kanyang dating partner na si Rob Moya, buong puso pa din ang pagsuporta nito para sa binata.

Kamakailan nga lamang ay si Toni pa mismo ang nag-arrange ng surpresa ni Rob para sa kanyang nililigawan.

Sa condo kung saan naninirahan ang ToRo family ginanap ang nasabing surpresa ni Rob para sa bago nitong kasintahan na si Jennifer Del Rosario.

Si Toni ang nag-ayos ng mga rose petals na ginawa niyang hugis puso. At habang inaayos niya ito ay ibinahagi niya ang kanyang nadarama.

Ayon kay Toni naging emosyonal siya dahil masaya siya para sa bagong pag-ibig ni Rob. Ito daw kasi talaga ang hinihiling niya para sa dating nobyo.

Dahil aminado siya na sa naging relasyon nila noon ay nasaktan din niya ang binata. Kaya naman para makabawi siya sa mga nagawa niya sa nakaraan ay full support ang ibinigay niya rito.

Maging ang anak niyang si Tyronia ay tumulong sa paghahanda para sa sorpresa. Lingid umano sa kaalaman ni Jen ang sorpresang ito dahil inakala nitong simpleng meet-up lang ang kanilang gagawin.

At sa kanila ngang unang pagkikita ay tila nagkagaanan na ng loob ang dalawa. Ayon kay Toni, masaya siya at hindi intrimitida ang bago ni Rob.

Pinasalamatan din ni Toni si Jen sa pagpapasaya nito kay Rob matapos ang masalimuot na pagbabangayan nila.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang ginawang ito ni Toni.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Naiiyak aq. I know now why Toni Fowler is being blessed continuously”

“Sakit neto kakalungkot makita yung mag ina na nasagilid at taga palakpak nalang ng lalaking minsang naging sakanila”

“ramdam ko deep inside nasasaktan din si mommy oni kasi naging big part si daddy rob sa buhay nilang mag ina”

The post Toni Fowler, pinutakte ng komento ng mga netizens matapos ibahagi ang tila buntis na larawan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments