Isa sa mga taong maligaya sa engagement ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, ito ay walang iba kundi ang Star for All Season na si Vilma Santos.
Ngayon pa nga lang ay labis na ang kaligayahan at excitement na nararamdaman ng actress-turned-politician na si Vilma Santos para sa kasal ng kaniyang panganay na anak at ng aktres na si Jessy Mendiola na magaganap na umano anytime next year ng 2021.
Ayon kay Vilma Santos, bakas daw sa mukha ni Jessy ang tunay na kaligayahan nang mag-propose na dito ang kaniyang anak na si Luis. Dito umano niya napatunayan kung gaano kamahal ng aktres ang kaniyang anak.
Kwento pa ng award-winning actress na pinakita pa umano sa kaniya ni Jessy ng personal ang engagement ring na ibinigay ni Luis nang yayain na siya nitong magpakasal.
Ani Vilma,
“They sent me a picture na tinuturo ni Lucky yung ring na suot suot ni Jessy. Tapos hindi ko pa napansin noong una. Tapos, ano yon? And then, pumunta sila dito sa bahay at ipinakita ni Jessy yung ring.”
Nang tanungin si Vilma sa mga quality na gusto niya para sa kaniyang future daughter-in-law, sagot niya,
“Nakita ko, yung minahal niya talaga si Lucky. Mahal niya ang anak ko.”
Hanga din daw siya sa pamilya ni Jessy at kinabiliban niya din ang tapang ng dalaga dahil nakakayanan nito ang lahat ng intriga at mga batikos na natatanggap nito.
Saad pa ni Vilma,
“Isa in-appreciate ko sa kaniya, she’s very prayerful person. Nagro-rosary yan every day at nagkataon din na nalaman ko na malapit din siya sa family. Matagal ko na din hinihintay yung engagement. Lagi kong sinasabi noon kay Lucky, ‘You are not getting any younger.’ Gusto ko ma-enjoy din niya yung family life.”
Ibinahagi nina Jessy at Luis ang kanilang engagement noong Disyembre 12, 2020. Naganap ang proposal noong Oktubre pa ngunit ngayon lamang nila ito isinapubliko. Ang kumalat ng engagement photos ng dalawa sa social media kung saan makikita na sila ay bihis na bihis ay kuha sa Amanpulo, Palawan at hindi ito ang aktwal na engagement day.
Ayon kay Luis, sila ay nagtungo sa Amanpulo para doon mag-pictorial bilang engaged couple. Ngunit, hindi pa ito ang kanilang prenup shoot.
Vilma Santos tapat na inaming napangitan sa anak na si Luis Manzano nuong siya ay bagong panganak: “parang malaking daga”
Cool na cool at puno ng katatawanan ang nakalipas na vlog ni Luis Manzano. Kung saan guest niya ang inang si Vilma Santos.
Sa latest vlog ni Luis na HEART-TO-HEART TALK WITH MOMSKI, ilang nakakatuwang katanungan sa kanyang ina ang ibinato ni Luis.
Isa na nga dito ay kung ano ang reaction ni Ate Vi noong nakita siya nito after siyang maipanganak.
Natatawang pag-amin ng actress-turned-politician, hindi daw talaga niya nagustuhan ang histura noon ni Luis nang makita n’ya ito sa nursery.
Hindi napigilan ni Ate Vi na humalakhak nang sagutin ang tanong ng anak. Aniya, grabe raw ang kaputian ng TV host-comedian nang isilang niya at napakalaking sanggol daw nito.
“Nu’ng ipinanganak kita, cesarean ako nu’ng pinanganak kita. Tapos nu’ng dadalhin na ako, kasi kailangang magpa-breastfeed, dinala ako sa nursery. Pagdala sa nursery, hinahanap kita doon,” panimula ni Ate Vi.
Pagpapatuloy pa niya, “Tapos may nakita ako, napatingin ako tapos sabi ko, ‘Ang laki naman ng batang to. Ang puti-puti.’ Walang eyebrows at ang puti-puti. Parang anak araw.
“Kinausap ko yung nurse, sabi ko, ‘Nurse, nasaan po yung anak ko?’ Sumagot siya, ‘Ayan ho.’ Huh!?” ani Ate Vi sabay tawa uli.
Pangla-laglag pa n’ya sa panganay na anak, “Bakit ganito itsura? Ang puti-puti. Walang eyebrows. Parang malaking daga! Ito ba ’yong anak ko? Hahaha!”
Pero agad namang sinabi ni Ate Vi, na sa unang tingin lamang niya nasabi ang mga ganu’ng reaksyon dahil habang tinititigan na niya si Luis ay unti-unti na itong gumuguwapo.
Sa pagto-throwback ng mag-nanay, isa pa sa inamin ni Ate Vi sa anak ay ang naramdaman niyang magkahalong takot at excitement nang malaman niyang buntis na siya noon kay Luis.
Panoorin dito ang nakakatuwang video ng mag-ina:
The post Vilma Santos, Nagsalita Na Tungkol Sa Hiwalayang Jessy Mendiola At Luis Manzano appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments