Looking For Anything Specific?

AJ Raval, diretsahang inamin na totoong nanliligaw si Aljur Abrenica sa kanya

AJ Raval diretsahan ng inamin na nanliligaw na sa kanya si Aljur Abrenica.

Matapos ang ilang araw naging topic sa social media, hayagan ng inamin ni AJ na nagkakamabutihan na sila ni Aljur.

Kamakailan lamang ay iniintriga sila matapos ang pagtatagni sa larawang topless ni Aljur habang nasa labas ng bintana habang nagkakape. Sa naipakitang binata ng kuwarto ni AJ, sa kaniyang vlog.

At sa eksklusibong panayam niya sa PEP.ph ay ibinulgar na ni AJ ang real score nila ni Aljur.

Nang tanungin ang aktres sa tunay na kaugnayan niya kay Aljur ay tila kinilig at napatili pa umano ang dalaga. At saka diretsahang inamin na nagkakamabutihan na sila ngayon ng aktor.

Saad ni AJ, “Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami.

“Well, totoo naman na nag-uusap kami.”

Si Aljur din umano ang tinukoy niya sa vlog na ‘manliligaw na boyfriend material’ habang kakuwentuhan ang kaibigang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

“Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other,” pag-amin ni AJ.

Subalit wala pa umano sa punto na magkarelasyon na sila, ‘they are getting there’ umano.

Itinanggi naman ni AJ ang mga lumabas na blind item ni Xian Gaza hinggil sa kanila ni Aljur na nagpupunta umano si Aljur sa kanilang bahay. At may ‘tikiman’ nang naganap. Humingi naman umano ng pasensya si Gaza sa kaniya, na ginamit lamang umano ang isyu para mapag-usapan ang chismis app nitong ‘Isyus’. Minabuti na lamang ni AJ na sabayan si Gaza.

Malinaw na may pag-asa ang manliligaw ni AJ, na ngayon ay pinangalanan niya na walang iba kundi si Aljur.

AJ Raval at Aljur Abrenica, usap-usapan ngayon na may namomoong relasyon matapos isiwalat ng internet sensation na si Xian Gaza

Mas naging matindi ang usapin tungkol sa relasyon diumano nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Isang blind item ang inilabas kamakailan ni Xian Gaza. Tungkol sa isang male actor na kakahiwalay pa lang daw sa asawa. Pero may hinatid na aktres sa taping at bali-balitang lagi umano itong tambay sa bahay ng babae.

Naging usap-usapan naman ito ng mga “Marites” sa social media. Hanggang sa ibinunyag din ni Gaza kung sino ang nasa blind item niya.

Ang tinutukoy na aktor ay si Aljur Abrenica at promising se’xy star na si AJ Raval pala ang mga dawit sa issue.

At mas tumindi pa ang tsismis ng magpost si Xian ng screenshot ng mga video na makikitang magkasama sina AJ at Aljur.

Sa nasabing screenshot, spotted si Aljur sa isang restaurant kasama ang aktres na si AJ Raval.

At mas lalong tumindi ang umuugong na balita ng muli ay mapagtugma ng marami ang latest photo ni Aljur. At ang dating vlog ni AJ.

Usap-usapan kasi ng mga “Marites” sa social media kung sino  ang taong kumuha ng shot sa isa sa litrato ng hunk actor na si Aljur Abrenica, habang siya ay topless, may hawak na mug, at tila nag-eemote sa ilalim ng isang mayabong na puno, sa tapat ng bintanang may itim na rehas.

Kaya naman kumalat kaagad sa TikTok ang video ni AJ Raval mula sa kaniyang vlog na may pamagat na ‘Cleaning my Room’ noong May 18.

Kung saan makikitang nagwawalis-walis si AJ, at maya-maya ay ipinakita ang view sa labas ng kuwarto.

Makikitang tila magkapareho umano ang ipinakita niyang view sa labas ng bintana. Sa pinuwestuhan ni Aljur, sa kaniyang latest photo.

Narito ang nasabing video comparison:

The post AJ Raval, diretsahang inamin na totoong nanliligaw si Aljur Abrenica sa kanya appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments