Mukhang may bagong tawag sa aktor na si Aljur Abrenica matapos umamin ni AJ Raval sa real score nila.
Hot topic nga ngayon sa social media sina AJ Raval at Aljur Abrenica. Umamin na kasi ang aktres sa totoong kaugnayan niya kay Aljur.

Sa exclusive interview ni AJ with PEP.ph ay sinabi nitong nasa getting to know each other stage na sila ni Aljur.

Inamin din niya na nagkikita at nagkakasama sila madalas ng aktor. Pero aniya wala pa silang relasyon.

Si Aljur din ang tinutukoy ni AJ na manliligaw niya na boyfriend material umano sa vlog ni Donnalyn Bartolome kamakailan.

Kung si AJ ay hayagan ng inamin sa publiko ang namamagitan sa kanila ni Aljur, ang aktor naman ay nanatiling tahimik ukol dito.

Kahit pa nga kabi-kabila na ang isyung ibinabato tungkol sa kanilang dalawa. Napagtagni-tagni din kasi ng mga netizens ang mga litrato ni Aljur habang nagkakape.

Sa video naman ni AJ na ipinakita niya ang itsura ng bintana ng kanyang kwarto. Tugma kasi ito sa larawan ng aktor.

Pati na rin ang mga litrato at video na ibinahagi ni Xian Gaza ay tugma din sa mga intrigang kinasasangkutan ng dalawa.

Kaya naman ng dahil dito ay binasagan si Aljur na ‘tirador ng mga anak ng action stars’ ng mga netizens.
Ito ay dahil kakahiwalay niya lang sa kanyang estranged wife na si Kylie Padilla na anak ng ‘bad boy’ noong 90’s na si Robin Padilla.

Samantalang si AJ naman ay anak ni Jeric Raval na sikat din na action star noong dekada nobenta.

Pinagkatuwaan pa nga ng mga netizens si Aljur at sinabing. Baka ang isusunod na daw nito ay si Grace Poe na anak ni Da King FPJ.
Kylie Padilla, nagbigay ng reaksyon tungkol sa nababalitang something sa ex-huband na si Aljur Abrenica at aktres na si AJ Raval
Kylie Padilla, nilinaw an isyu sa pagitan nina Aljur Abrenica at AJ Raval.
Binasag ng aktres ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Aljur.
Nitong nakaraang buwan, pumutok ang balita na hiwalay na ang mag-asawa dahil sa kanilang mga cryptic posts.

Hanggang sa nakumpirma ito nang lumipat ang Kapuso actress kasama ang dalawang anak nila ng aktor.

Makalipas ang kaunting panahon matapos kumalat ang isyu, nauugnay naman si Aljur ngayon sa rising star na si AJ Raval.

May kumalat kasi sa social media na video kung saan makikita umano sina AJ at Aljur na magkasama.

Agad ito umani ng iba’t-ibang hinala at komento na ang young actress daw ang 3rd party at dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Pero tila nakarating ito sa panig ni Kylie. Kagabi, October 1, nag post ang mom of two sa kanyang Twitter kung saan nilinaw niya ang isyu.

“Guys there is no issue. We separated last April pa and we have already mutually agreed to date other people,” paglilinaw ng aktres.
Pinakiusapan niya din ang publiko na huwag na daw mangdamay ng ibang tao tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.
Subalit, hindi na daw magbibigay pa ng ibang detalye si Kylie tungkol sa kanilang relasyon para sa kanyang “littlest ounce of privacy I have left.”
The post Netizens tinawag si Aljur Abrenica na “Tirador ng anak ng action stars” matapos kumpirmahin ni AJ Raval ang panliligaw nito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments