Nakatikim ng sermon mula sa kanyang ama si AJ Raval matapos ang kanilang naging father-and-daughter bonding.
Sa kanyang YouTube channel, nag upload ng bagong vlog ang aktres kung saan nakasama niya ang kanyang tatay na si Jeric Raval.

Nag fir!ng ang mag ama sa Delta Lion Shooting Range kung saan nagkaroon sila ng oras na makasama ang isa’t-isa.

Sa nasabing vlog, tinuruan si AJ kung paano humawak ng b4ril. Tinuro din sa kanya ang mga pangunahing safety precautions.

Agad na pinabilib ng aktres ang kanyang ama na action star dahil mabilis agad itong natuto. Sa unang sh0t niya, malapit ito sa center point.

Habang ang pangalawa at pangatlo naman ay naka “one hole” o dalawang bal4 pero iisa lang kanyang natamaan.

Pinuri siya ng nagturo sa kanya maging ang mismong may ari ng Delta Lions Firing Range na nakasama din sa kanyang training.

Pero ang pinaka highlight dito ay na sa dulo ng vlog.

Bagamat proud si Jeric dahil madali siyang natuto, nakatikim pa din ng sermon ang 20-year-old aktres.
“Ito ba uniform mo?” tanong ni Jeric sa kanyang anak. Sinabihan niya ito na dapat ganoon ang mga suot ni AJ.
Mahilig kasi mag suot ang dalaga ng mga sando at croptops sa kanyang vlog. Ito siguro ang sinasabi ng kanyang ama.
Kilalanin Ang Mga Naging Anak Ni Jeric Raval Sa Kaniyang Mga Naka-relasyon

Si Jeric Raval ay isa sa mga sikat at hinahangaang action star sa Philippine showbiz industry. Siya ay unang nakilala sa kaniyang pagganap sa pelikula na “Sagot Ko Ang Buhay Mo” noong taong 2000, “Bagansya” noong 2001, at “Angel de Guardia.”
Hindi rin naman lingid sa kaalaman nating lahat na mayroong mga nagagandahan at naggwapuhan na anak si Jeric mula sa kaniyang mga naka-relasyon noon.
Narito at kilalanin natin ang mga anak ni Jeric Raval.
Janina Raval
Si Janina Raval ay ang bunsong anak ni Jeric kay Monica Herrera. Siya ay ipinanganak noong February 1998 at ngayon ay 23-year-old na. Gaya ng kaniyang mga magulang, pinasok din ni Janina ang showbiz noong 2017. Siya ay isang magaling na singer at kasalukuyang contract artist ng Viva. Sa ngayon ay hindi na aktibo si Janina sa showbiz ngunit madalas pa din siyang nagpo-post sa kaniyang mga social media accounts. Mayroon na din siya 2 taong gulang na anak na lalaki na si Hunter.
Joshua Buensuceso
Si Joshua Buensuceso ay ang lalaki at panganay na anak ni Jeric kay Monica.
Jenica Buensuceso
Si Jenica Buensuceso ay isa din sa tatlong naging anak ni Jeric kay Monica.
AJ Buensuceso
Si AJ Buensuceso o mas kilala bilang si AJ Raval ay isa sa mga naging anak ni Jeric kay Alyssa Alvarez. Siya ang pangalawa sa panganay sa limang magkakapatid. Ipinanganak siya noong 2001 at ngayon ay 21-anyos na. Isa ding contract artist ng Viva Artist Agency si AJ. Taong 2019 nang magsimula siyang maging isang artista sa pelikula na “Sons of Nanay Sabel” at nasundan naman ng kaniyang controversial na pelikula na “De4th of a Girlfriend.” Siya din ay napapanood sa Kapamilya teleserye na ‘Ang Probinsyano” bilang si Andrea Villar.
Isa ding sikat na social media star, influencer, vlogger, at video game streamer si AJ sa mga social media sites. Hindi man lumaki sa puder ng kaniyang tunay na ina si AJ dahil 3-year-old pa lamang ito nang kuhanin ng kaniyang ama.
Vanessa Buensuc
Si Vanessa Buensuceso ay isa din sa mga anak ni Jeric kay Alyssa. Siya ay lumaki sa Pampanga. Isa itong magaling na dancer at miyembro ng dance group na The Matrix. Maranung din itong umawit at gumamit ng gitara. Halos mga panlalaki ang hobbies ni Vanessa tulad ng mga malalaking motor, pagbibisikleta, pagta-tattoo, at pagbubuhat sa gym. Kaya minsan ay napagkakamalan itong pusong lalaki pero ang hindi nila alam na babaeng babae si Vanessa dahil mayroon na itong isang 3 tatlong taong gulang na anak.
Ace Buensuceso
Si Ace Buensuceso ay isa sa dalawang lalaking anak ni Jeric kay Alyssa. Siya ay isang magaling na rapper at kilala sa kaniyang screen name na Drizzy Ace. Taong 2019 nang ilabas niya ang kaniyang single na “Madaling Araw” kung saan naka-duet niya ang kaniyang kapatid na si AJ Raval.
Ysabel Buensuceso
Si Ysabel Buensuceso naman ay ang bunsong anak na babae ni Jeric kay Alyssa. Gaya ng kaniyang mga kapatid na babae, nagtataglay din ng ganda itong si Ysa at pwede din siyang maging artista balang araw.
Dave Buensuceso
Si Dave Buensuceso naman ay ang bunsong anak na lalaki ni Jeric kay Alyssa. Bata pa lamang ay makikita na ang kagwapuhan ng binata na lumaki sa Pampanga kasama ang kaniyang ina at mga kapatid.
Mela Buensuceso
Isa si Mela sa apat na anak ni Jeric kay Holiday Buensuceso. Hindi gaya ng ibang anak na babae ni Jeric ay very private si Mela at hindi ito mahilig mag-post sa social media kaya naman wala masyadong impormasyon tungkol sa kaniya. Minsan naman siyang napanood sa programang Magandang Buhay kung saan ibinahagi niya ang pagiging istriktong ama ni Jeric sa kanilang magkakapatid.
Paul Eric Buensuceso
Si Paul Eric Buensuceso naman ay isa din sa apat na anak ni Jeric sa asawang si Holiday. Siya ang nakababatang kapatid ni Mela. Ayon kay Jeric, binigyan niya itong palayaw na Pugo dahil sa pagiging kalbo nito noong siya ay bata pa.
Hindi naman isinapubliko ang pangalan ng ilan pang mga anak ni Jeric. May dalawa pa itong anak kay Holiday at ayon sa balita ay may isa itong anak na nasa New York, isa sa Japan, at dalawa sa mga non-showbiz na naka-relasyon niya na nakatira na ngayon sa Pampanga.
The post AJ RAval, nakatikim ng sermon sa kanyang ama na si Jeric Raval matapos ang bonding na firing range appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed



0 Comments